Chapter Nine

3.9K 123 3
                                    

ARAW ng Linggo. Naalimpungatan si C.C dahil sa tunog ng mga tawanan sa labas. Kahit na inaantok pa ay pinilit niyang tumayo at sumilip sa bintana para makita kung sino ang mga nagtatawanang 'yon. Nasa second floor ang kwarto niya and just below her window was the garden. Pagsilip niya sa bintana ay para siyang itinulos sa kinatatayuan.

Sa baba ay nando'n ang kanyang anak at masayang nakikipaglaro kay Zero. Parang may kung anong bumikig sa lalamunan niya nang makita niya ang mga ito na magkasama. The scene before her would make any mother cry.

Pero kasabay no'n ay bigla din siyang nakaramdam ng kaba. Paano kung bigla na lang sabihin dito ni Zero na siya ang ama nito? Dali-dali siyang bumaba ng kwarto. Lalabas na sana siya ng bahay para puntahan ang mga ito nang bigla siyang pigilan ng ina.

"Hayaan mo na muna sila, anak."

"Pero Ma-"

"Alam kong nag-aalala ka pero hindi naman siguro itatakbo ni Zero yung anak niyo."

"Hindi naman 'yon ang inaalala ko Ma eh. Paano kung bigla na lang niyang ipakilala ang sarili niya bilang ama ni Mikel. Tiyak na mabibigla yung bata."

"Don't worry, nasabihan ko na siya tungkol d'yan. Sinabi ko na hayaan ka na lang niya na magsabi kay Mikel ng tungkol sa kanya. Pumayag naman siya. Kaya hayaan mo na muna yung mag-ama na magkaroon ng oras sa isa't-isa. At ikaw naman, kumain ka muna ng breakfast."

Bago pa siya makatutol ay nahigit na siya ng nanay niya sa dining room. Ipinaghain siya ng ina. Pero kahit na anong gawin niya ay hindi talaga niya maitutok ang pansin sa pagkain. Gustung-gusto na talaga na niyang lumabas at tingnan kung ano ang ginagawa ni Mikel at ni Zero.

Nakakailang subo pa lang siya ay hindi na siya nakatiis. Tatayo na sana siya para puntahan ang mag-ama nang biglang pumasok sa dining room si Mikel. May hawak-hawak itong remote controlled toy car habang nakasunod lang sa likudan nito si Zero.

Agad na lumapit sa kanya ang anak. "Mom, look oh binili sa 'kin ni Uncle Zero." Wika nito na ipinakita sa kanya ang laruan. "Tapos ang dami pa niyang ibang toys na binili para sa 'kin."

Halatang tuwang-tuwa ang anak, hindi tuloy niya mapigilan na mapangiti na rin. "Nag-thank you ka ba naman?"

"Yes, Mom."

Sinulyapan niya si Zero, hindi man lang ito natingin sa direksyon niya. Ibinalik na lamang niya ang tingin sa anak, saka niya napansin na pawis na pawis ito. "Naku, baby, basang-basa ka ng pawis. Halika at papalitan kita ng damit."

"Ako na lang ang magpapalit ng damit ng batang 'yan. Tapusin mo na lang 'yang kinakain mo." Wika ng ina na lumapit na sa kanila ni Mikel. "Zero, siguraduhin mo nga na uubusin ni C.C 'yang pagkain niya. Ilang araw na kasi 'yang hindi nakain ng umagahan."

"Ma-"

"Bakit? Okay lang naman siguro kay Zero na bantayan ka niya." Wika nito sabay baling kay Zero. "'Di ba iho?"

"Oo naman po." Sagot naman ng binata.

"'Yon naman pala eh. Sige, maiwan na namin kayo, ha?" Pagkawika no'n ay inakay na ng kanyang ina si Mikel paakyat sa kwarto ng bata.

"Sobrang nagu-guilty ka na ba sa ginawa mo sa 'kin kaya hindi ka na makakain ng umagahan ngayon." Biglang wika ni Zero nang maiwan na lang silang dalawa do'n. His voice full of contempt.

Tiningnan niya ito ng masama. "Not everything is about you. And FYI lang, I don't feel guilty about anything dahil wala naman akong ginagawang masama."

"Yeah, spoken like a true selfish brat."

"I'm not-" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla na lang nitong isinubo sa kanya ang isang kutsarang kanin.

Betting Hearts: Memories in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon