ILANG araw ding hindi makatulog si C.C dahil sa naging pag-uusap nila ni Zero. She was bombarded with conflicting emotions. Napupuno siya ng panghihinayang at pagsisi kapag naiisip niya ang nangyari. It seemed such a shattering waste of time, such miserable, unnecessary pain. At hindi niya mapigilang makaramdam ng galit para kay Zero. Kinondena na agad siya nito sa isang kasalanan na hindi niya ginawa without even hearing her side of the story. Wala man lang ito ni katiting na tiwala sa kanya.
Pero kung tutuusin, hindi lang naman si Zero ang may kasalanan kung bakit sila humantong sa ganito. Nang mapagtanto niya ang ginawa ng ama, mabilis ang naramdaman niyang galit para dito at para sa kanyang sarili, pero lahat ng galit na 'yon ay ipinasa niya kay Zero. Hindi naman kasi niya pwedeng isisi ang lahat sa tatay niya. What's the use of blaming a dead man over some past mistake?
Oo, may kasalanan nga si Zero, for not talking to her, pero may kasalanan din naman siya. Napakatanga niya dahil hindi man lang niya naisip na baka nalaman ng tatay niya ang tungkol sa relasyon nila ng binata. The glow of love must have shown plainly on her face back then. Pero masyado siyang nabulag at nagpadala sa sakit na nararamdaman para makita 'yon.
Kung gugustuhin lang niya, kayang-kaya niya noon na hanapin si Zero. She had the money and the resources to do it, pero hindi niya ginawa. She was too proud to do it. Her pride, as well as his mistrust, had kept them apart.
Though the years in between had been painful, she knew they had been valuable too. At eighteen, masyado pa siyang immature noon to handle the problems and responsibilities of love. Pero nang dumating si Mikel, she was forced to grow up and to develop into a thinking, caring person.
If she had gotten Zero as easy as she had gotten everything else in her life, siguro siya na rin mismo ang sisira sa relasyon nila, with her own selfish and willful ways. Kaya kung gusto niyang magpaka-optimistic, may maganda din namang naidulot kahit paano ang paghihiwalay nila noon.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Sa kabila ng lahat, hindi naman niya pwedeng itatwa sa sarili na mahal na mahal pa rin niya si Zero. Ang tanong na lang ngayon ay kung ano ang sunod niyang gagawin.
Sinulyapan niya ang anak. Nando'n ito sa may living room at nilalaro ang mga biniling laruan dito ni Zero. Maybe she should start by telling her son the truth. Lumapit siya dito. Paano ba niya sisimulang sabihin dito ang lahat?
"Mikel, I – uh, I need to talk to you."
Binitawan nito ang mga hawak na laruan at tiningnan siya. "Tungkol saan, Mom?"
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Natatandaan mo pa ba yung lahat ng kwento na sinasabi ko sa 'yo tungkol sa Daddy mo?" napakunot naman ang noo nito, "Those stories I've been telling, they're not exactly true. Ginawa ko 'yon with the best intention. I wanted you to love him even though you haven't seen him. And I wanted you to think that he also loved you."
Kitang-kita naman niya ang pag-guhit ng sakit sa asul na mga mata nito. "And that's not true?"
"No, baby. He does love you and I'm sure he would have loved you all these years kung nalaman lang niya ang tungkol sa 'yo. But now that he knows, he loves you very much. Just a few days ago nalaman ko na nagsinungaling sa 'kin ang tatay ko because he wanted what he thought was best for me. But it was the worst possible thing he could have done. Kaya nagdesisyon ako na kahit na anong mangyari kailangan mong malaman ang totoo." Inipon muna niya ang lahat ng lakas ng loob bago nagpatuloy, "Zero is your father."
Ilang sandaling nakatitig lang ito sa kanya pagkatapos ay bigla na lang siya nitong niyakap and launch into a joyful babble of questions. Napatawa na lang siya at niyakap rin ito.
BINABASA MO ANG
Betting Hearts: Memories in the Rain
Short StoryC.C was considered as one of the spoiled princesses in their university. Pero kahit minsan, hindi niya tinuring ang sarili niya na gano'n. She may be unreasonable and hard-headed pero kahit minsan hindi pa siya naghangad ng kahit na ano para sa sa...