HINDI maipaliwanag ni C.C ang nararamdaman niyang kaba. Palapit siya ngayon sa bench na kinaroroonan ni Lelouch Zeruhan o mas kilala sa palayaw nitong Zero. Isang linggo na rin ang nakakaraan simula nung makipagpustahan siya kay Alice. At simula noon ay wala na siyang ibang ginawa kundi mangalap ng impormasyon tungkol kay Zero.
Nalaman niya na scholar pala ito sa university na pinapasukan nila. Nasa ika-apat na taon na ito ng kolehiyo pero nung isang taon ay tumigil ito sa pag-aaral dahil sa problema sa pamilya. Ngayong semester lang ulit ito nakabalik sa eskwelahan. No wonder ngayon lang nila ito nakita ni Alice.
Nang makalapit na siya dito ay inipon muna niya ang lahat ng lakas ng loob bago nagsalita, "Hi!"
Inangat nito ang mukha. Then a pair of crystal blue eyes stared back at her. Parang tumigil sa pagtibok ang puso niya. 'Yon na kasi ata ang pinakamagandang pares ng mga mata na nakita niya sa buong buhay niya.
"Yes?" nakakunot ang noong wika nito.
Lahat yata ng lakas ng loob na inipon niya ay parang bulang biglang naglaho. Na-blangko bigla ang utak niya. Lahat ng ni-rehearse niya kanina na sasabihin dito ay hindi na niya maalala. Hindi naman kasi niya inaasahan na mas gwapo pa pala ito sa malapitan. She was caught off guard!
"I... uh..."
"Miss, kung meron kang sasabihin, sabihin mo na. As you can see medyo busy ako sa pagbabasa." Wika nito na ipinakita pa ang librong hawak-hawak nito.
"I heard magaling ka daw sa math, meron kasi akong assignment sa algebra kaso hindi ko alam kung paano sasagutan. Pwede mo ba akong tulungan?" wala sa isip na sunud-sunod niyang wika. Shit! Ano bang pinagsasasabi ko?
Ngayon lang nangyari sa kanya na nataranta siya sa harapan ng isang lalaki.
Nagsalubong naman ang mga kilay nito, halatang nagtaka ito sa sinabi niya. "Bakit ka naman magpapatulong sa 'kin? Ni hindi nga tayo magkakilala."
Pilit niyang kinalma ang sarili. Walang mangyayari kung patuloy siyang matataranta. "Madali lang namang solusyunan 'yan eh." Inilahad niya ang isang kamay dito. "I'm Cashmir Chrysallis Lim, you can call me C.C for short." Aniya na sinabayan pa niya nang pagngiti ng ubod ng tamis.
Lalo namang nagsalubong ang mga kilay nito kapagkuwan ay tumayo ito at kinuha ang mga gamit. At walang salitang iniwan siya.
Ilang sandali din siyang nanatili sa kinatatayuan niya. Kapagkuwan ay napatingin siya sa kamay niyang nakalahad pa rin hanggang ngayon. Nakuyom niya ang kamao.
Hindi siya pinansin nito!
Kagaya nang ginawa nito sa kaibigan niyang si Alice, hindi rin siya pinansin nito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit sa halip na makaramdam siya ng inis ay parang mas lalo pa siyang naging interesado dito.
Isang ngiti ang sumilay sa labi niya. Just you wait Lelouch Zeruhan. Just you wait.
PAPUNTA na si Zero sa susunod niyang klase pero hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang mukha ng babaeng bigla na lang kumausap sa kanya kanina. Tuwid at itim na itim ang hanggang beywang nitong buhok. Hindi ito yung tipo na masasabing seksi but her body was definitely well proportioned. Na bumagay naman sa maliit nitong postura. Pero ang higit na humatak sa atensiyon niya ay ang hugis puso nitong mukha.
Wala siyang masabing masama sa mukha nito. It was perfect. Mula sa singkit nitong mga mata hanggang sa manipis nitong labi. Lahat 'yon ay bumagay dito. Sa madaling salita, she was beautiful. At nang ngumiti ito at lumabas ang dimples nito sa magkabilang pisngi ay parang mas lalo pa itong gumanda.
Kaya nga nagmadali agad siyang iwan ito. Halos pigilan na kasi niya ang sarili para lang hindi abutin ang kamay nitong nakalahad sa kanya. Na labis naman niyang ipinagtataka. Sanay na siya na nilalapitan siya ng mga magagandang babae. In fact, just a week ago noong nasa cafeteria siya, isang babae ang lumapit sa kanya na 'di hamak naman na mas maganda pa kesa sa babaeng kumausap sa kanya kanina. Napakadali lang para sa kanya na hindi pansinin ang mga babaeng 'yon.
BINABASA MO ANG
Betting Hearts: Memories in the Rain
Short StoryC.C was considered as one of the spoiled princesses in their university. Pero kahit minsan, hindi niya tinuring ang sarili niya na gano'n. She may be unreasonable and hard-headed pero kahit minsan hindi pa siya naghangad ng kahit na ano para sa sa...