ABALA sa pagte-text si C.C. Nando'n siya sa tambayan nilang magkakaibigan at hinihintay ang pagdating ng mga ito. Nauna siya do'n dahil kanina pa tapos ang klase niya. Pinindot niya ang 'send' button. Maya-maya pa ay nakatanggap na siya ng reply. Napangiti siya nang mabasa ang reply ni Zero. Agad siyang nag-type ng reply sa text nito. Kasabay nang pagpindot niya sa 'send' button ay ang pagdating ng mga kaibigan niya.
Umupo ang mga ito sa magkabilang tabi niya.
"Sinong ka-text mo?"
"Tinatanong pa ba 'yan? Malamang si Zero na naman." Wika ni Alice na siya nang sumagot sa tanong ni Nia. "Hindi pa ba kayo nagsasawa sa isa't-isa? Halos araw-araw na kayong magkasama, pati ba naman sa text?"
Totoo ang sinabi ng kaibigan. Simula noong napilit niya ang binata na maging kaibigan niya, walang araw na hindi sila magkasama. Well, that was partly because sinusundan niya ito kahit saan ito pumunta. Nagpapasalamat nga siya dahil maluwag ang schedule niya ngayong semester kaya naman napupuntahan niya ito agad.
Noong umpisa ay sobrang naiinis ito dahil para daw siyang kabute na bigla-bigla na lang sumusulpot. Pero 'di naglaon ay nabawasan na rin ang pagrereklamo nito sa tuwing pinupuntahan niya ito. Sa katunayan nga, nitong mga nakaraang araw, ito pa mismo ang nag-iimbita sa kanyang lumabas.
"Ano namang masama do'n?"
"Anong masama?" ulit pa ni Alice sa tanong niya. "Ang tingin lang naman sa 'yo ngayon ng mga tao ay isang love-crazed stalker dahil d'yan sa mga pinag-gagagawa mo."
"At kailan pa ako nagkaro'n ng pakialam sa iniisip ng iba? Besides, you can only call someone a stalker kung purwisyo siya do'n sa other party na involved. And in my case, that's hardly true because Zero definitely enjoys my company." May kumpiyansang wika niya. Kahit na hindi pa 'yon aminin ni Zero, sapat ng ebidensiya na nagagawa niya itong pangitiin sa tuwing magkasama sila.
"So, are you just following this guy around dahil do'n sa pustahan niyo ni Alice?"
Kung hindi pa siguro nabanggit ni Nia ang tungkol sa pustahan nilang 'yon ni Alice ay baka hindi na 'yon muling sumagi sa isip niya. Nakapagtataka dahil kung tutuusin 'yon lang naman talaga ang dahilan kung bakit siya nakipaglapit kay Zero. Pero sa tuwing magkasama sila ng binata, ni minsan ay hindi niya naisip na ginagawa niya ang lahat ng 'yon dahil lang sa isang pustahan. Totoo ang lahat ng ipinakita niya sa binata.
"Of course Nia, dahil lang 'yon sa pustahan namin." Wika ni Alice. "But I really didn't think that you would go as far as to follow that guy around like some stray puppy. Hindi ko akalain na ganito mo kagustong manalo. Gano'n ba talaga kaimportante sa 'yo ang pearl earrings na 'yon?"
Marahan siyang umiling. "Honestly, wala na 'kong pakialam sa pustahan na 'yon. I'm happy when I'm with Zero. And I... I really like him. I like him a lot." Pag-amin niya sa mga kaibigan.
"Seriously?" hindi makapaniwalang wika ni Alice.
"Yes."
"You're screwed C.C." wika naman ni Nia.
Nagtaka naman siya sa sinabi nito. "Why?"
Tiningnan siya nito ng diretso sa mga mata. "Because you're already falling for him."
Hindi naman niya inaasahan ang sinabing 'yon ni Nia. Was she really falling for Zero?
NAPANGITI si Zero nang mabasa ang text ni C.C. Kahit nasa kalagitnaan siya ng klase, hindi pa rin niya mapigilang magreply sa mga text ng dalaga. There was something in that girl na hindi niya maipaliwanag. Kahit na anong gawin niya ay hindi niya ito matanggihan.
BINABASA MO ANG
Betting Hearts: Memories in the Rain
Short StoryC.C was considered as one of the spoiled princesses in their university. Pero kahit minsan, hindi niya tinuring ang sarili niya na gano'n. She may be unreasonable and hard-headed pero kahit minsan hindi pa siya naghangad ng kahit na ano para sa sa...