IV. Done

264 10 0
                                    

IV. Done

LAST DAY.

Kinabukasan ay excited akong pumasok. Kasi nga ngayon na yung araw ng pag-amin ko kay Locke.

Oo, mahal ko na talaga sya. Natatakot lang akong aminin noon, kasi kaibigan ko sya. At ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa nararamdaman ko.

Pero dahil sa sinabi nya kagabi, nagkalakas-loob na ko. Buong period of class ay lutang ang utak ko.

Iniisip kung paanong pag-amin ang gagawin ko mamaya.

"Class dismissed!"

Halos liparin ko na ang daan palabas ng classroom. Hindi ko na tinext si Locke.

"Susunduin ko nalang sya sa room nila."

Masaya at patalun-talon pa ko habang nasa daan papunta sa classroom nila Locke.

"Hi! Nandyan ba si Locke?" tanong ko sa isang kaklase nya.

"Ay, wala dito. Pero narinig ko kanina, papunta daw sya sa rooftop."

"Ah sige salamat."

After that ay halos takbuhin ko na rin ang daan papunta sa rooftop ng campus. Ewan ko ba, atat na talaga ako sa pagsasabi sa kanya ng nararamdaman ko.

May pinanghahawakan na kasi ako eh—yung sinabi nya saken kagabi. That's why, dinadalawang hakbang ko na rin ang pag-akyat sa hagdan ng rooftop.

"I'm sorry babe!"

Napatigil ako. Pamilyar yung boses na yun ah.

"Okay lang yun. Don't be sorry," at si Locke yun...

Nagtago muna ako sa may likod ng pader. At doon ay tila sinaksak ang puso ko dahil sa nakita ko... umiiyak na magkayakap sina Locke at Ynna.

Nanghina ako. Nangangatog ang mga tuhod na humakbang ako pababa.

*boogsh!*

Nakagawa pa ko ng ingay nang nasilat yung isang paa ko pababa ng hagdan. Mabuti nalang at masyado silang busy sa isa't isa kaya siguro hindi na nila pinansin iyon.

Nang tuluyan na kong makababa ay tumakbo ako. Tumakbo nang tumakbo hanggang sa mamalayan ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha mula sa mga mata ko.

Ano ba to? Bakit ba ko umiiyak? Eh, kontrata lang naman yun ah!

Kunwari-kunwarian lang yun! Bakit ba ko naaapektuhan?

Tapos na Margaux. Tapos na ang pagiging hired-girlfriend mo.

At hanggang 29 days ka lang...

OUR 30 DAYS (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon