II. Her Love
~~
Isang buwan rin akong walang balita sa bestfriend ko. 'Ni text o tawag, wala. Mukhang nag-iba na nga sya ng number kasi cannot be reached na yung cp nya.
Nalungkot ako. Tila laging lutang ang isip ko. Napabayaan ko ang pag-aaral ko.
Pati na nga ang pakikitungo ko kay Ynna, nagbago na.
"Bakit ba nanlalamig ka na?" tanong sa akin isang araw ng girlfriend ko.
"Ha? Hindi... ahh, siguro pagod lang," palusot ko pa.
"Pagod? Nung isang buwan ka pang pagod Locke?! Huwag mo nga kong lokohin! Baka naman may iba ka ng mahal?!" pagkumpronta niya na sa akin.
"Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong ibang mahal! I-ikaw lang..."
Laking pasalamat ko nung nagkaayos rin kami ni Ynna nun. Naging mas malambing kasi ako sa kanya simula nung naging diskusyon naming iyon.
Pero bigla na naman akong nagbago. Nagbalik kasi si Margaux. Tuwang-tuwa ako. Na halos lahat ng oras ko, binawi ko sa kanya. Namiss ko kasi talaga sya ng sobra. Yun ang naging dahilan kung bakit nawalan kami pareho ng time ng girlfriend ko sa isa't isa. Na siyang naging dahilan rin para makahanap sya ng kalinga sa iba.
Yes. May minahal siyang iba.
At yun ang naging dahilan ng break-up namin. Sobrang sakit nun para saken, kasi first girlfriend ko sya. At minahal ko talaga sya nang sobra. And that leads para humingi ako ng isang malaking pabor sa bestfriend ko.
"Sige na naman Margaux, isang buwan lang naman eh!"
"Ay nako Locke, tantanan mo nga ko!"
Lahat na ng suhol inoffer ko na sa kanya pero wa epek pa rin, nadismaya ako pero hindi pa rin ako sumuko. Sa sobrang pagka-desperate ko, umiyak at lumuhod na ko sa harap nya.
"Wala na ba talagang natitirang pride sayo, ha?!" tanong nya saken.
"Wala na. Kaya nga lahat na ginagawa ko, bumalik lang si Ynna sa buhay ko."
She just sighed and say, "Fine. One month lang ha?"
"Yes! Thank you Margaux, the best ka talaga! Love you!"
February 16.
That's the date nung maging "kami" ni Margaux. Kumalat sa campus at nakarating kay Ynna.
Pero sabi saken ng isang reliable source, "Yes, nalaman na nga ni Ynna na kayo na ni Margaux but she's not even affected. Masaya na talaga sya sa bago nya."
Nanghina ako. Hindi malaman kung pano sasabihin kay Margaux na sa una palang ng plano namin, FAILED na agad kami. Nahihiya rin ako sa kanya kasi halos lahat nalang ng pabor ko pinagbibigyan nya.
So I decided na ipagpatuloy na lang kahit alam kong hindi ko rin makakamit yung main goal ng contract na 'to.
On our first day...
Naging masaya ako kasi nanumbalik yung dating samahan namin. Natuwa ako kasi pinagbigyan na naman nya ko sa hiling ko na kainin namin lahat ng klase ng street foods.
Sa isip-isip ko, "I'm very lucky to have this girl... na 'ni minsan hindi ako nagawang biguin o idown sa mga hiling ko."
So I've decided na suklian yung kabaitan nya. Hindi ko rin malilimutan yung second day namin.
Dun kasi nabuo yung endearments namin—"Yat-yat & Yab-yab".
Sa araw na rin iyon nakilala namin yung isang batang nagkaron ng malaking part sa buhay namin ni Margaux—si Aldrin.
Kami kasi yung nagsilbing magulang nung batang yun. Dun ko nalamang pareho pala kaming mahilig sa bata ni Yat-yat.
THIRD DAY.
Matapos naming turuan si aldrin at maihatid ko si Margaux sa apartment nya. Bigla akong nakaramdam ng pamilyar na sakit sa ulo. Sobrang sakit na parang hindi ko na kayang tiisin.
So I've decided na pumunta sa bahay ni Ate Lhea—ang kapatid kong doctor.
"Locke, sabi ko naman sayo sundin mo na yung utos nila Mama at Papa na pumunta ng America."
"Pero ate, ayokong umalis dito. may responsibilidad pa ko dito."
"Pero palala na ng palala—"
"27 days ate, just give me 27 days at susundin ko na kayo."
"Okay. Be sure of that."
FOURTH DAY
"Mamaya ka na matulog, mag-star gazing muna tayo sa rooftop nyo?"pakiusap ko kay Margaux isang gabi nang ihatid ko siya sa kanila.
"But—"
"Sige na please?"
"Hmm, okay," muli ay pinagbigyan niya na naman ako. Ang swerte ko talaga sa bestfriend kong ito. Sobrang swerte ng lalaking mamahalin niya.
So nag-unahan na kami paakyat sa rooftop nila at saka naglatag ng kumot bago nahiga.
"Uy, may shooting star oh!" sigaw nya sabay pikit ng mata.
Tinitigan ko lang sya kasabay ng pagsambit sa isip ng isang hiling.
"Anong wish mo?" I asked when she opened her eyes.
"Secret."
"Ang daya naman! sabihin mo na, ano wish mo?"
"Secret nga! Ikaw ba? Ano wish mo?"
Sana makatagpo ka ng lalaking mamahalin ka habambuhay. Yung kayang tuparin ang promise na hindi ka nya iiwan kahit kelan.
"Sana magkabalikan na kami ni Ynna," I said instead.
"Ahh..." Natahimik na sya after that.
FIFTH DAY
Nagpa-new look kami pareho. Grabe. Ang ganda nya. Halos malaglag yung panga ko nung lumabas sya sa salon with her new gorgeous look.
Gustong-gusto ko siyang purihin pero nahihiya ako.
Instead, inasar ko nalang sya, "Ano ba yan, bat kayong mga babae...tagal-tagal niyong magpaayos ng buhok nyo?"
"Syempre babae nga eh, so marami pang treatments."
"Baka marami pang arte."
"Tss."
Pero nawala ata sya sa mood dahil dun. Ang tanga-tanga ko kasi eh. Imbes na purihin sya, inasar ko pa sya. Hays.
Hanggang sa maihatid ko sya sa kanila, badtrip pa rin sya. Hindi pa rin kasi sya umiimik.
"Sige pasok na ko. Night."
Naalarma ako bigla. Parang di ata ako makakatulog nang ganung badtrip sya dahil saken.
Kaya naman, nilakasan ko na yung loob ko...
"Wait lang, Margaux!" pinigilan ko siya sa pagpasok sa kanila, "Salamat ha, ang ganda mo ngayon. Bagay sayo yang bagong ayos mo," then hinila ko ulit sya to kiss her on her forehead.
And through the reflection of the moon, I saw her blushed.
Ang cute nya.
6th-10th Days.
Sobrang nag-alala talaga ako nung maospital sya dahil sa sakit na ulcer. Sabi ko sa sarili ko nun, di baleng ako nalang ang magkasakit wag lang sya.
Kaya naman, maghapon at magdamag talaga akong nagbabantay sa kanya. Hindi na nga rin ako pumapasok sa school kahit pa sabihin niyang pumasok na ko.
"Ayaw kitang iwan! Gusto ko dito lang ako lagi sa tabi mo hanggang sa gumaling ka."

BINABASA MO ANG
OUR 30 DAYS (Short Story)
ContoBakit hindi lahat ng love story may 'happy ending'... bakit kelangang maging 'once in a lifetime' lang? Story by: MoonLightFairy Book Cover by: AteNga