EPILOGUE

427 24 18
                                    

A/N: This is the last part. Ang sabaw lang nito. Haha

Kapag naka-bold po yung text,  si Locke po yung nagsasalita sa video, okay? ;)

~~

EPILOGUE

Bakit kaya laging nasa huli ang pagsisisi?

Bakit kung kelan wala na satin ang isang tao o bagay, saka lang natin mare-realize yung tunay na halaga nila sa atin?

At bakit hindi lahat ng love story may 'happy ending'... bakit kelangang maging 'once in a lifetime' lang.

Bakit ang daming tanong?

Bakit hindi ko nalang sya makasama ngayon?

Ang sakit.

Lagi nalang 'sakit' ang effect kapag nagmahal ka, hindi ba pedeng umibig nang hindi nasasaktan? Hindi ba pedeng kami nalang hanggang sa huli?

Hindi pa pwedeng...magbalik ka na Locke?

"Hi Yat-yat ko!" napahawak ako nang mahigpit sa laptop ko, feeling ko anytime magco-collapse ako dito.

Gustong bumigay ng utak ko sa nakikita ko ngayon.

~~

R.I.P.

Locke Jay T. Alarcon

Born: June 5, 1994

Died: June 7, 2012

~~

"Ang lamig pala dito sa States no? Sosyal ka ha! Dito ka pa natulog, ha..ha..ha," I tried to laugh, pero sinong niloko ko? Eh tuloy-tuloy naman ang pag-agos ng luha sa mata ko.

Pakiramdam ko dumoble pa yung nararamdamang kong sakit ngayon kesa noon, nakita na naman kita... pero hindi na tulad noon na nagagawa pa kitang hawakan...

"Kamusta ka na?" nasa kwarto ka pa n'yan oh, psh feel na feel mo ang pagkuha ng video sa sarili mo ah. hmm, sabagay gwapo ka naman, kahit sang anggulo sa camera ang gwapo mo pa rin.

Pero bakit ang lungkot ata ng mga mata mo? 'Ni hindi umaabot sa tenga ang pagngiti mo eh.

Peke.

Pinepeke mo lang yang ngiti mo eh! Tinatago mo yung lungkot. No wonder, nagawa mo ring itago saken ang sakit mo. Ang daya-daya mo, alam mo ba yun? Naiinis ako sayo. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil 'ni hindi ko man lang nahalata na nahihirapan ka na pala noon, na may isang matinding sakit ka pala na unti-unting pumapatay sayo.

I paused the video, hindi ko kaya...

mas nakakadagdag lang sa sakit na nararamdaman ko ngayon 'yang nakikita kong lungkot sa mga mata mo.

Haay, ang sosyal ng tomb mo ha. Pwede share tayo? Hahaha, ang sarap siguro ng feeling na magkatabi tayo d'yan sa hinihigaan mo ngayon...

...

 Joke! Alam ko namang magagalit ka eh! Alam kong palalayasin mo lang ako d'yan at sasabihin mo pa na ayaw mo ng ka-share sa higaan, haha! Damot mo eh!

Ano ba 'tong luhang 'to, ayaw na 'ata tumigil sa pag-agos, kanina pa ko pahid ng pahid eh.

 "Psh, kaya pala kayo magkasama ni Ynna nung araw na yun sa rooftop ay dahil rin saken. Nga pala, tinupad ni Ynna yung pina-promise mo sa kanya, kahapon nya lang binigay 'tong flashdrive nung nagkita kami sa park. Sabi nya sabi mo daw ibigay 'to saken after 7 years kasi baka may possibility na maka-surive ka sa operation pero malalagay ka naman sa comatose state for 6 years at kelangan ng pahinga for a yeas, sabi mo pa nga daw kahit anong mangyari kelangan after 7 year nya talaga ibigay saken 'to kasi ayaw mo daw na makita pa kita sa puting kabaong mo. Bakit Locke? Ayaw mo bang makita kita kahit sa huling pagkakataon? Diba bago ka umalis nun 'ni hindi man lang tayo nakapagpaalaman sa isa't isa? ang daya-daya mo! ;(

Sorry ha? Sorry kung naging selfish at ma-pride ako. Kundi sana ako nagpadala sa selos nun nagawa pa sana kitang yakapin at halikan bago ka man lang lumipad papuntang Amerika. Pero wala eh, 'ni hindi man lang kita na-encourage na labanan mo at kayanin mo yung operation mo. Sana nasundan kita dun... sana... hanggang sana nalang talaga ako.

Ang tanga ko kasi eh, alam mo yun?

Sa loob ng halos pitong taon, wala akong ginawa kundi ang kamuhian ka...kundi ang isiping sa kabila ng mga nagawa ko para sayo, still, si Ynna pa rin ang pinili mo sa huli. pero mali. MALING-MALI. I hope you will still forgive me

I click the 'play' button of your video.

"Namimiss mo ba ko? Sana oo." sobrang miss na miss na kita Locke.

"Nako, wag na wag kang iiyak ha! hindi bagay sayo," wala akong pake kung pumanget nako kakaiyak, simula naman nung umalis ka, wala na kong ibang alam gawin kundi ang umiyak.

"Ayaw kong nalulungkot ka.. Kasi.. malulungkot rin ako. Huwag ka mag-alala, lagi kitang sasamahan at babantayan.. Kahit na hindi mo ko nakikita, ipaparamdam ko sayo, na nasa malapit mo lang ako, na hindi kita iniwan," bumalik ka na Locke. gusto ko nakikita kita, physically.

"Ginawa ko 'tong video na 'to para lagi mo kong naaalala," hinding-hindi naman kita nakakalimutan.

Then biglang nag-iba yung setting.

Ako yun ah!

Tss, kaw talaga ang hilig mo kong kunan mula sa malayo!

"Yat-yat, I'm here!" ikaw yun, boses mo yun.

Ngumiti pa ko sa camera, tumawa ka naman.

Bwiset na luha 'to ayaw talagang tumigil! Sorry Locke ha, namimiss lang talaga kita.

O, iba na naman yung scene?

Ako na naman yan! At si Aldrin yung lumapit, ang liit-liit pa ni Aldrin d'yan, hahaha. MUkang-tanga na talaga ako dito, iyak-tawa.

"Hi Teacher Margaux!"

"Hello Aldrin!"

 "O kitams, ang bait-bait ng Yat-yat ko diba? Kaya love na love ko yan eh," nakangiti ka pa sa video. infairness, totoong ngiti.

Parang wala kang problema.

Parang wala kang iniindang sakit.

Hindi aakalain na nung time na yun, matindi na pala ang sakit mo.

Oh, balik na naman sa setting sa kwarto mo. Ang galing mo palang mag-edit ng video  ha.

"Yat-yat ko...ngayon ko lang sasabihin sayo 'to. Thanks for being my best friend. thanks for being there for me every time. thanks sa patience mo sa kakulitan ko. salamat at nakilala kita at naging part ka ng buhay ko. sana, ako rin may naging malaking role sa buhay mo. Yat-yat, you know, bata palang tayo mahal na kita..." oh, bat umiiyak ka na. "Mahal na mahal kita and I'm so stupid na hindi ko yun narealise nang mas maaga. e'di sana naamin ko rin sayo nang mas maaga. e'di sana mas naparamdam ko rin sayo yung true feelings ko."

Psh, nakakainis ka naman eh! Sabi mo wag akong iiyak, pero sa mga pinagsasabi mong yan lalo lang bumibigat ang dibdib ko! Ubos na nga ata luha ko eh.

"Tandaan mo, mawala man ako lagi lang akong nasa tabi mo."

I looked at the monitor. Nakangiti ka na. Totoong ngiti na.

It means seryoso ka sa sinabi mo...

"Talaga ha, promise mo yan," biglang lumamig yung paligid. Kakaibang lamig, kung kanina malamig lang talaga ang temperature, ngayon sobrang lamig dahil sa samyo ng hangin na tila dumadampi lang sa katawan ko.

"Ah! Yung promise mo pa saken dati!"

 "Ako, hindi kita iiwan. Promise yan Margaux."

Napangiti na rin ako.

"Tandaan mo, mawala man ako lagi lang akong nasa tabi mo."

"Hindi ka talaga marunong magbreak ng promise. I know you love me, and you will never say goodbye. I love and will always love you Locke, forever and always.'"

~~

A/N: Comments are highly appreciated :)

OUR 30 DAYS (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon