Chapter 13: Remember Me

12 0 0
                                    

(A/N: Hey Guys! I'm baaacckk!! :P Dahilan ng FNaF Songs Lyric book ang hindi ko pag-a-update.. Hehe : short chapter lang muna po)

~Jana's POV~

Uhhh... Patay na ba ako? "Jana, gising ka na ba?" si ate yun ah. I opened my eyes, wait... bakit wala akong makita?! "Ate! Wala akong makita! No!" hindi ko kayang mabuhay ng hindi makakita!! "Miss Jana, stay calm. Sa simula lang ganyan, after few days mababalik din ang eyesight mo" sabi nung doktor yata. "Sure po ba kayo, I can't live without seeing anything. Black lang ang nakikita ko!" pagpapanic ko. "Calm, please. Babalik din 'yan. Excuse me." No. I want to see the world I am in now!

~Spencer's POV~

Uwian na, saan ba kami pwedeng pumunta? "Spencer, gusto mo ba bisitahin si Jana?" tanong ni Simoun. "Oo naman" agad kong sagot. "Tara!" "Tayong dalawa lang?" pagtataka ko, hindi ako sanay na kaming dalawa lang ang umaalis, actually, ngayon nga lang namin ito gagawin. "Oo, ayaw mo ba?" "Siyempre, gusto. Pero ngayon lang na tayong dalawa lang ang magkasama" Wala naman sigurong masama sa sinabi ko di'ba? "Okay lang 'yan. Naiilang ka noh?" Haha, oo. "Oo" sagot ko. "Tara na nga"

Pumunta na kami sa ospital na kinaroroonan ni Jana at agad kaming pumunta roon sa counter at nagtanong. "Si Jana Lei Dela Rosa po?" tanong ko. "Doon po sa Room 143" "Thank you po, ate" agad na kaming pumunta sa room na sinabi nung nurse roon.

Bago kami pumasok ay naririnig namin ang boses nilang mag-ate. "Ate, tulungan mo ako. Hindi ko kayang mabuhay ng walang makita!" Wala siyang makita? "Spencer, narinig mo ba'yun?" tanong ni Simoun. "Oo, wala raw siyang makita" sagot ko. "Paano 'yan? Tutuloy pa ba tayo? Hindi niya naman tayo makikita" "Okay lang 'yan, halika na. Ikaw ang nagyaya tapos ikaw ang aayaw. 'Wag ganoon Simoun." mahaba kong sabi. "Sige na nga." sumunod na siya sa akin at pumasok na kami sa kwarto.

"O, kayo pala, Spencer" pagbati ng Ate ni Jana. "Spencer?" narinig niya. Sana masilayan niya na ako "Uhmm, Spencer. Pansamantala raw muna siyang walang makikita epekto ng pagkabagok niya" "Narinig ko po" "Ahh.. Ganun? O siya, sige. Lalabas muna ako, pakibantayan na lang si Jana" pagpapaubaya ng Ate ni Jana.

"Spencer? Sino si Spencer?" hindi niya na ako kilala? "Spencer, halata sa mukha mo na gulat ka. Jana, hindi mo ba kami naaalala?" "Sino ka?" naapektuhan yata ang utak niya, pero bakit kami pa ang nakalimutan niya? "Ako ito, si Spencer. Hindi mo ba naaalala? Ako yung nag-alaga sa'yo nung narito ka sa ospital last week" pagpapaalala ko sa kanya. "Ikaw ba yun? Bakit hindi kita matandaan? Hindi ko maalala ang mukha mo, maliban kila Zyrielle, Faith at Eliza" Huh? Bakit niya naaalala yung mga kaaway niya? "Bakit naman sila lang ang naaalala mo?" tanong ni Simoun. "Sila yung.. sila yung.. Sila yung dahilan kung bakit ako nahulog sa building" Ano?! Sabi ko na ngan ba't may kinalaman sila rito. "Sigurado ka ba Jana?" pagsisiguro ko. "Oo, tandang-tanda ko pa kung ano ang mga hawak, dala, suot at sinabi nila sa akin." seryoso niyang sagot. "Teka, sino ba kayo para malaman ang mga sinabi ko?" tanong niya. "Ako nga ito, si Spencer. Kaibigan mo ako, kaklase mo rin ako. Hindi mo ba ako natatandaan?" hindi niya na ba ako kilala o matandaan? "Hindi kita maalala, basta ang natatandaan ko lang naman ay.. ay.." "Jana, okay ka lang ba? Masakit ba ang ulo mo?" anong nangyayari sa kanya, bigla niyang hinawakan ang ulo niya na parang may kumikirot. "Aray! Lumayo kayo sa akin, lalo akong nalilito!" sigaw niya. Lumayo na kami agad. Lumabas naman agad si Simoun para tawagin ang doktor.

Maya-maya pa'y bumalik na si Simoun kasama ang isang doktor. Lumabas muna kami habang inaasikaso si Jana. "Spence, malaki ang epekto ng pagkahulog niya sa kanya" sabi ni Simoun. Tumango lang ako. "Hindi ba pwedeng iba na lang, parang may taning na ang buhay niya" "Manahimik ka nga! Hinding-hindi ko papalitan si Jana, at mas lalong hindi pa siya mamamatay!" sa galit ko ay napasigaw ako. "Uhm, sir, pakihinaan naman po yung boses niyo. Nakakaabala po kayo sa mga pasyente" sabi nung isang nurse na dumaan sa tapat namin. "Easy ka lang, pre. Pasensya na sa mga sinabi ko"

"Uhm, sir. The patient is fine. May kaunting pananakit lang po ng ulo, pero hindi naman ito makasasagabal sa pag-alala niya sa mga nawalang memoriya niya" "Salamat sa Diyos!" Malakas na sabi ni Spencer.

Miss Pakipot & Mister Torpe [[DISCONTINUED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon