~SF'S P.O.V.~
Binuksan ko uli ang laptop ko at binuksan ang facebook ko. Isinearch ko facebook ni JL. Success! Nahanap ko na!
~JL's P.O.V.~
Binuksan ko ang laptop ko. Nagbukas ako ng facebook. Huh? Sino itong Spencer Bhoxzs Pogi? Yung picture niya si Kaneki! Ahhhhh!! Crush ko yung anime na iyun!! Accept ko na siya!! Mga ilang minuto matapos ko siya iaccept, nakipag-chat siya sa akin.
[Hi Jana] - Spencer
{Lo} - me
{Who you?} - me
[Sabihin ko sa'yo bukas sa school] - Spencer
{Ngayon na para ma-unfriend na kita} - me
[Agad agad?] -Spencer
{Oo} - me
[Bukas na lang please] - Spencer
{Siguraduhin mo ah} - me
End of chat
Bakit ba ayaw niya magpakilala? Wala akong idea kung sino siya ehh. Classmate ko ba siya? Ba't niya ako kilala? Basta! Kapagka hindi ito nagpakilala, iaunfriend ko siya. Pero bago iyon, isesave ko muna profile picture niya, cute eh. Tinignan ko na rin ang facebook profile niya. Enebeyen! Wala namang description tungkol sa real na siya. Lahat ng pictures niya anime.
------------------------------------------------------
RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!
Wala talagang araw na hindi tutunog itong alarm clock ko! Kailangan ko na pumasok. Nagpunta na ako sa banyo para maligo.
Ughh!! Ayaw lumabas ng shampoo sa lalagyan!! Tinaktak ko ng tinaktak yung lalagyan, aba! ayaw lumabas, nilagyan ko na lang ng tubig. Yan, may shampoo na na lumabas.
After ko maligo, agad kong isinuot ang school uniform ko. Uminom na ako ng kape, at naglakad na papunta sa school. Habang naglalakad ako sa kalsada, may mga nakatambay na lalaki, doon naman, mga estudyante sa ibang school. Kaunti lang ang nakita kong kaparehas ng uniform ng school ko.
"Miss!" ah? sino iyon. Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko ang isang lalaking matangkad na naka americana. "Bakit mo ako tinatawag?" tanong ko, "Ikaw ba si Jana?" tanong niya "Sorry, but I don't talk to strangers" gusto ko lang na pumasok sa school, sana tigilan na ako ng lalaking ito! "Miss Jana! Answer my question, kapag ka hindi mo ako sinagot, sisiguraduhin kong masisira lalo ang buhay mo!" panunumbat niya sa akin. Ano ang ibig sabihin niyang masisira lalo ang buhay mo, hindi naman sira buhay ko ah, baka naman may koneksyon ito kay mama. "Uhmm, sige na nga, yes, ako nga si Jana, Jana Lei Dela Rosa" "Ikaw nga ang long lost daughter ni Mrs. Sally De Guzman" anong long lost? Iniwan nga ako ng nanay ko, tapos sasabihin niyang long lost, yung totoo? "Long lost?" pagtataka ko. "Yes, inilayo ka raw ng dad mo sa mom mo, hindi ka raw niya mahanap dahil itinatago ka ng tatay mo" sagot niya "Eh, may ate pa ako" singit ko "Kung iniisip mo na ate mo siya, hindi mo siya ate, anak siya ng tatay mo sa una niyang girlfriend" grabeh! ano pa ba ang alam nito sa buhay ko? "Ms. Jana, pwede ka ba sumama sa akin para ma-confirm namin kung ikaw nga ba ang long lost daughter?" tanong niya sa akin na parang nangungumbinsi "Eh may pasok pa po kasi ako eh, sa susunod na lang po, sa sembreak siguro sasama ako." pagkasabi ko sa kanya nun, agad na akong naglakad ng mabilis patungo sa eskwelahan.
BINABASA MO ANG
Miss Pakipot & Mister Torpe [[DISCONTINUED]]
Random"Aminin mo man at hindi, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan lalo na kung LOVE ang pinapag-uusapan" Paano kaya kung mahal mo siya at mahal ka niya tapos ayaw ninyo naman aminin sa isa't isa ang nararamdaman ninyo? Pakipot and Torpe lang ba? Wi...