~Third Person's P.O.V~
"Alis na kami, Spencer ah" pagpapaalam ni Jeff. Tumango lang si Spencer. Pagkabigay ni Simoun nung cellphoe ni Jana ay pumasok na si Spencer sa room ni Jana.
As Harvey, Jeff, Martin, Simoun and Ryan go home from the hospital, nag-uusap lang sila tungkol sa kung ano ang consequence ng pag-cutting nila. "Dude, masama ang kutob ko. Siguro pag-uwi ko, mapapatay ako ni papa. Matataas pa naman ang grades ko" sabi ni Martin. "Haha, okay lang 'yan!" natatawang sabi ni Simoun. "Palibhasa mababa grades mo" naiinis na sabi ni Martin. "Hayaan mo na 'yan. Ako rin naman mapapagalitan" singit ni Ryan. Tumingin lang ang lahat kay Ryan, at tinuloy tuloy na ang paglalakad.
"Uuwi na ba talaga tayo?" tanong ni Simoun pagkarating sa gate ng subdivision nila. "Ayaw mo ba?" tanong ni Martin. "Anong oras na ba?" tanong ni Simoun kay Jeff, dahil si Jeff lang ang may relos sa kanilang magkakaibigan. "Mga 1:50PM" sagot ni Jeff. "'Wag muna tayo umuwi! Mamasyal muna tayo" pagpilit ni Simoun. "Basta ako uuwi na, mas magagalit si papa pag nalaman niyang naglakwatya pa ako. Dapat nga hindi ako sasama sa inyo eh. Kung di ko lang kayo barkada, siguro mananatili lang ako roon" singit ni Martin. "Haha, sige. Ikaw bahala, basta kami maglalakwatya diba?" tanong ni Simoun. Tumingin lang sa kanya sina Ryan at Jeff habang si Harvey ay tumingin sa malayo at si Harvey ay nagce-cellphone. "Ano?" tanong muli ni Simoun. "Sasama ako" sabay na sabi nila Ryan, Jeff at Harvey. "Nice! Ikaw, Martin? Ayaw mo talaga sumama? Masaya yung gagawin namin" pagpilit ni Simoun kay Martin. "Ayoko, uunahin ko na muna pag-aaral ko. Sorry sa pagiging KJ, guys" sagot ni Martin. "Hayaan mo na siya Simoun, kung ayaw niya, edi ayaw. Tama naman siya eh" singit ni Jeff. "*sigh* Sige na, okay lang kahit hindi ka na sumama Martin, basta next time sasama ka ha?" sabi ni Simoun kay Martin. "Oo, sige, bye guys!" pagpapaalam ni Martin. "Sige" pagpapaalam naman ni Jeff habang sina Simoun, Harvey at Ryan ay ngumiti lang.
Umalis na si Martin at sila naman ay maglalakad na papunta sa malapit na park.
----------------------------------------------------------------------------
"Spencer, uwi ka muna kaya, halos araw-araw ka na nagbabantay kay Jana" sabi ng ate ni Jana sa kanya . "Oo nga Spencer, pahinga ka na. Sina ate at kuya na bahala rito" sabi naman ni Jana. "Sige, bye po" pagpapaalam ni Spencer. "Bye" pagpapaalam naman ni Jana.
Spencer walks out of the Hospital alone. Marami siyang nakasalubong na naka-wheel chair at naka-saklay. Iniisip niya kung gagamit din ba ng ganyan si Jana, pero agad din naman niya itong tinanggal sa isip niya dahil hindi niya iyon gusto mangyari. Ayaw na ayaw niyang nakikita si Jana na nahihirapan dahil mahal niya ito no matter what his age is, kahit na 14 pa lang siya. Iniisip niya lagi na "Age doesn't matter when love is being talked about". Ayaw niyang isipin na may iba pang babae sa mundo na pwede niya pang mahalin dahil bata pa siya.
Spencer texted his driver to fetch him outside the hospital. A few minutes later, dumating na ito at agad na siyang sumakay. Hindi niya kinikibo ang driver dahil nalulungkot na masaya ang nararamdaman niya. Strange feelings came to his mind pero sinusubukan niyang maging matatag.
"Sir, kailan po ba kayo papasok? Limang araw na po kayong hindi pumapasok matapos nung isang linggo na na comatose si Jana" tanong ng driver. "Sa Lunes na po, bakit po may pasok ngayong Sabado?" sagot at tanong ni Spencer. "Umuulan kasi ng malakas noong Martes at Miyerkules kaya nasuspend ang klase kahapon, at ngayon may pasok pati na sa susunod na Sabado. Hindi mo ba napansin na umuulan?" sagot at tanong ng driver. "Ah? Hindi po. Si Jana po kasi yung iniisip ko noon eh" sagot ni Spencer. "Narito na po tayo sir, baba na" masayang sabi ng driver.
Bumaba na si Spencer sa sasakyan at pumasok na agad sa bahay nila paderetso sa kwarto niya. Nahiga na siya at nakatulog agad.
--------------------------------------------
"Hahaha, ang lupet nung pagkadapa mo kanina Ryan!! Hahahaahahahahahahaha!" tawang-tawang pang-asar ni Simoun kay Ryan. Kaya niya ito tinatawan ay dahil nadapa si Ryan sa tapat ng maraming tao kung saan may ipinapalabas. Nahiya si Ryan sa mga tao at tumakbo agad palayo. Sinundan naman siya agadb ng mga kaibigan niya habang nagpupumilit pigilan ang tawa.
"Oo na, hindi yun nakakatuwa Simoun! Manahimik na nga kayo" naiinis na sabi ni Ryan habang nakatalikod sa kanila. "Hahahaha, sorry na.. mmm... hahahahaahahahahaahahah!!!!!!!!!!!!!!!!" natatawang pag-sorry ni Jeff. "Sige, ganyan na kayo. Alam niyo? Aalis na ako" bwiset na sabi ni Ryan at saka naglakad palayo. "Hala, lagot kayo." sabi ni Harvey. "Parang hindi ka kasali ah!" sabi naman ni Jeff. "At least ako nakangiti lang, eh kayo. Tawa ng tawa ng malakas" sabi ni Harvey. "Guys! 'Wag kayo mag-away, nilayasan na nga tayo ni Ryan, tapos kayo, mag-aaway riyan" pag-awat ni Simoun. "*sigh* Sige na, tigilan na natin ito. Lahat naman tayo ay may kasalanan eh" sabi ni Jeff. Tumango lamang ang dalawa. "Saan pa tayo pupunta?" tanong Simoun. "Uwi na kaya tayo. Anong oras na ba?" tanong ni Harvey. "4:30PM" sagot ni Jeff. "Uwi na kaya tayo" sabi ni Harvey. "Ayoko pa, masaya rito sa labas" sabi ni Simoun. "Seryoso mga pre, papagalitan ako pag-ginabi ako." sabi ni Harvey. "Babae ka ba?" nang-aasar na tanong ni Simoun. "Hindi, strict lang ang lola ko" sagot ni Harvey. "Uwi na tayo, sapat na yung lakwatya natin. Nilayasan na nga tayo ni Ryan eh" sabi ni Jeff. Sumama ang mukha ni Simoun. Naglakad na paalis sina Jeff at Harvey. "Ano? Hindi ka sasama?" tanong ni Jeff. "Grr... Sasama na nga" napilitang sagot ni Simoun. Sabay-sabay na silang naglakad papalabas sa park.
---------------------------------------------------------------------------
"Kuya, gising na. Kakain na tayo ng dinner. Masarap yun!" paggigising ni Sofia sa kuya Spencer niya. "Uhh.. 5 minutes" sagot ni Spencer na tila inaantok pa. "Kuya, 7:30 na oh.. Late na nga eh" pagpupumilit ni Sofia sa kuya niya. "Hayyss! Sige na nga" naiiritang sabi ni Spencer sa kapatid niya. Bumangon na si Spencer at tumayo na. "Lumabas ka muna, magpapalit lang ako ng damit" utos niya. "Okay" lumabas na agad ang kapatid ni Spencer. Agad namang itinanggal ni Spencer ang t-shirt at pantalon niya, inilagay niya ito sa laundry basket sa kwarto niya. Pumili siya ng t-shirt sa cabinet niya, agad naman siyang nakapili. Pagkasuot niya nito ay lumabas na siya ng kwarto niya at dumeretso sa dining area.
"Oh, Spencer. Ba't ngayon ka lang nagising at bumaba?" tanong ng mama ni Spencer. "Inaantok po ako." sagot ni Spencer at sabay naupo na sa upuan. "Ano pong ulam?" tanong ni Spencer. "Maid, pakiprepare na nga rito sa mesa." utos ng mama ni Spencer sa isang maid na nakatayo malapit sa pintuan ng kusina. Kinuha naman agad ng maid ang ulam at ipinatos sa gitna ng la mesa. "Beef?" masayang palatanong niyang bigkas. "Alam kong iyan ang favorite mo" nakangiting sabi ng mama ni Spencer sa kanya. "Nga pala, okay na ba si Jana?" tanong ng mama niya. "Opo mom, siguro next week po, makalalabas na siya sa ospital, nabayaran ko na rin po yung bills nila sa ospital" sagot ni Spencer. "Good to know that" masayang sabi ng mama niya.
----------------------------------------------------------------------
"Ate, magiging okay na po ba talaga ako?" tanong ni Jana. "Syempre naman" sagot ng ate niya. "Ate, pwede bang tawagan si Dad?" pakiusap ni Jana. "O sige, sandali *dialing* Hello?... Opo, dad.... Gusto ka raw po kausapin ni Jana... O, Jana, ito na oh" sabi ng ate niya sabay abot sa phone. "Dad?" sabi ni Jana "Anak, okay ka na ba?" tanong ng dad niya sa kabilang linya. "Opo, dad. Next week daw po, makalalabas na ako ng ospital" masayang sagot ni Jana. "Mabuti naman, anak. Naalagaan ka ba ni Spencer ng maayos?" tanong ng dad niya. "Opo naman po. Mabait po siyang kaibigan" sagot ni Jana. "Kaibigan lang ba talaga Jana?" "Opo, dad. Walang ibang meaning yun dad" sagot ni Jana. "O sige, pupunta na ako sa trabaho. Bye baby ko" pagpapaalam ng dad niya. "Bye dad"
"Okay na Jana?" masayang tanong ng ate niya. "Opo ate" sagot ni Jana.
BINABASA MO ANG
Miss Pakipot & Mister Torpe [[DISCONTINUED]]
Rastgele"Aminin mo man at hindi, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan lalo na kung LOVE ang pinapag-uusapan" Paano kaya kung mahal mo siya at mahal ka niya tapos ayaw ninyo naman aminin sa isa't isa ang nararamdaman ninyo? Pakipot and Torpe lang ba? Wi...