Chapter 10: Breaking News

18 1 0
                                    

"Breaking News! May natagpuang babaeng duguan na nakahilata sa bubong ng ground floor ng *hospital name*. Kasalukuyang inooperahan siya sa parehong ospital. Hindi na nakunan ng team namin ang mukha ng babae dahil sa kanyang duguang mukha. Hindi na namin-" 



~Spencer's POV~

No fvcking way! "Kuya! Ba't mo pinatay yung TV?" "Basta, pakisabi na lang kina mom aalis ako ha, bye" pagpapaalam ko, agad akong tumakbo papalabas ng bahay namin "Kuya driver, punta tayo sa ospital" sabi ko kay kuya driver. "Sige po, sir. Nagpaalam na po ba kayo?" "Hindi na kailangan, emergency toh" sagot ko. Agad namang nagdrive ang driver namin papunta sa ospital na kinaroroonan ni Jana.


Pagkarating namin doon ay bumaba na ako agad at pumasok sa ospital. Pumunta agad ako sa counter at nagtanong "Si Jana Dela Rosa po?" "Inooperahan siya currently, maupo muna kayo sir kasama nung ate at kuya niya" sabi nung babae. Nakita ko naman agad ang ate at kuya ni Jana. "Ate, ano pong nangyari?" tanong ko. "N-n-natagpuan siyang-" hindi natapos ng ate ni Jana ang sasabihin niya sa akin dahil napapahagulgol siya ng iyak. "Nahulog si Jana mula sa kwarto niya" sabi nung kuya pinsan ni Jana. "Sinong kasama niya nung nahulog siya?" "Hindi pa natutukoy kasi mga isang minuto pagkalabas daw ng doktor, narinig na lang ang pagkahulog ni Jana" "Yun ba yung nasa news?" tanong ko "Oo, ang bilis nga makarating sa balitaan ang nangyari sa kanya eh" sagot ng kuya niya.


Ugh!! Sino kaya ang may kagagawan nito?! Hindi naman siya magpapakamatay dahil nandito naman kaming lahat para sa kanya. Mayroon talagang may kasalanan dito.



~Zyrielle's POV~
No! This can't be happening. Wala akong kasalanan. Hindi dapat naging ganoon ang plano namin nila Eliza at Faith. Dapat kunwari namatay siya habang inooperahan namin siya. Uggghhh!! Bwiset!! Baka makasuhan pa ako.. kami. Ganito kasi yung nangyari...


*flashback*
Habang papalapit sina Eliza at Faith kay Jana, sinusubukan kong tumayo mula sa pagkakatuhod niya sa tiyan ko. Alam kong pipigilan nila si Jana na humakbang sa bintana pero akala yata ni Jana, sasaksakin siya. Nang malapit na sila kay Jana, hinawakan nila ito at pinipilit na paalisin siya sa kinaroroonan niya. "Jana, huwag kang tumalon. Please. Hindi ka naman namin papatayin" mahinahong sabi ni Faith sa kanya. Hindi kumikibo si Jana marahil siguro ay nagpapanic siya. Binitawan nilang dalawa ang kutsilyong hawak nila, ngunit imbis na sa sahig ito nahulog ay sa tuhod nilang dalawa kaya imbis na natulungan nila si Jana ay hinayaan nila. Napaupo silang dalawa sa sakit habang ako naman ay nakatayo na at papalapit na kay Jana upang tulungan siya, pero nakita kong may hawak siyang matalim na bagay at iginasgas ito sa mukha ko dahilan ng pag ganti ko sa kanya. Nasaksak ko siya sa tiyan dala ng galit ko, at bigla siyang  nahuntog sa bintana at nahulog ng tuluyan. "Zy, umalis na tayo rito habang wala pang nakaaalam." Anyaya ni Eliza. "Kaya niyo ba maglakad ng maayos?" Pag-aalala ko sa kanila. "Oo, bilisan na natin" sabi ni Faith. Tumakbo na kami papalabas at sinabihan ang Isang nurse na nakasalubong namin na kanina pa namin natapos ang operasyon kaya aalis na kami. Pagkalabas namim ay dumiretso na kami sa limousine ko at bumalik na sa bahay ko.
*End of flashback*


Nakaka-stress, bwiset!! Arghh! Hindi kami dapat kasuhan kasi sinabi naman naming kanina pa kami tapos sa operasyon at wala kaming kinalaman doon. 

Miss Pakipot & Mister Torpe [[DISCONTINUED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon