Chapter 1: First Day Of School

223 4 0
                                    

~JL's P.O.V~

*KRIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNGGGGGGGG*

Agad kong pinatay ang alarm clock ko. Hay naku! May pasok na naman, tinatamad akong pumasok.


"Hoy JL! Bumangon ka na diyan! 2 hours na lang, magsisimula na klase ninyo!"


Ayan na naman si Ate LoudSpeaker (tawag ko iyan kay ate, lagi kasing naninigaw) or Ate Jen.


"Oo na ate, maliligo na" tinatamad kong sagot sa kanya.



~SF's P.O.V.~ (kasabay nang P.O.V. ni JL)

*BUZZZZZZZZZZZZZZ*

Cellphone ko yun. Hehe, cellphone lang ang alarm clock ko. Agad na akong tumayo at naligo. After 2 minutes nagbihis na ako. Ready na ako sa school. Ay teka! Yung gamit ko ayusin ko muna. After 5 minutes, ayos na ang gamit ko. Ready na talaga ako sa school! Bilis ko mag-ayos noh? Ganoon talaga pagka-lalaki ka. XD



~JL's P.O.V~

Pumasok na ako ng banyo at naligo. "Ate! Wala nang shampoo rito. Ubos na!" sigaw ko. Kainis naman, ubos na shampoo kung kailan ako na ang maliligo, palibhasa, ang tagal maligo ni ate Loud Speaker.


"O, heto na shampoo mo JL" Inabot na sa akin ni ate Jen ang sachet ng shampoo at nagpatuloy na ako sa pagligo.


—————————————————————

(B.o.B ft. Taylor Swift - Both of US) - JL's Message Ringtone

I wish I was strong enough

To lift not one but both of us

Someday, I will be strong, enough

To lift not one but both of us

Never thought about losing it

————————————————————-


Ay! May nagtext! Sandali lang selpon ko! Patapos na akong maligo. Matapos ang 5 minutes, tapos na akong maligo. Tiningnan ko kaagad ang selpon ko. May nabasa akong text message mula sa unknown number.


<Hello, ikaw ba si JL? Ako si Rhea. Naalala mo pa ba ako? BFF tayo noong Grade 6 tayo. Text back ha. Miss you friend.>


Ay! Si Rhea pala. Aba! Mayroon na siyang cellphone. Natupad nga ang promise ng parents niya na bibilhan siya ng selpon pag tumaas ang grades niya. Ma-text nga siya.


<Oo, ako nga si JL. Na-miss kita ah. 2 years din tayong hindi nagkita mula noong nag-aral ka sa province mo. Saang School ka nag-aaral? Kita tayo ah mamayang gabi, mga 8pm.>


Miss ko na talaga yung magandang babaeng iyon.


Ay! 1 hour na lang magsisimula na klase ko! Lagi akong natataranta, enebeyen! Bagal ko kasi mag-ayos. Buti na lang naka-uniform na ako.


Miss Pakipot & Mister Torpe [[DISCONTINUED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon