I Fall in Love yet Again

685 15 2
                                    

Hello po Ate Jhing^^

I hope you like it :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Aliiiiiiiiiiiice!"

Isang pamilyar na boses ang bumungad sa akin. Lumingon ako sa pinangagagalingan ng boses na iyon ng may bahid ng irita sa mukha

"Ano nanaman?"

Araw-araw na lang sumisigaw, lunch break kasi namin ngayon at kasama ko ang isa sa konti kong mga kaibigan may mga kailangan gawin yung iba, saka tuwing tatawagin ako nitong babaeng toh gulo lang palagi pinapasukan ko.

"Nakipag-away ka raw kay bruhilda kanina? ano nangyari? nalaman ba ng mga teacher?"

"Sabihin mo nga sakin kung pano ko sasagutin yan ng sabay-sabay? isa lang bibig ko."

"Ang taray mo! Sabihin mo na!"

"Wag mo akong sigawan nakakairita ka lang. Oo na nakipag-away ako, so what? hindi ba normal na yun? anong nangyari? ano ba ineexpect mo? syempre napahiya siya! siya na nga tong may kasalanan sya pa may ganang magtaray! At sa akin pa! Kapal ng mukha! Try niya lang magsumbong papauwin ko magulang ko galing ibang bansa para makipag-gera dito! Kilala mo naman siguro ugali ng mommy ko?"

Maldita ako aminado ako dun, pero hindi ako tumataray ng walang dahilan, nasa lugar ako palagi at kung ipatawag man ako sa office nandyan naman ang magulang ko. Sya na nga tong tumapon sa pagkain ko at nakabangga sakin and nahulog pa niya mga gamit ko siya pa tong tumaray hindi pwede sakin yun! 

"Mabait kaya si Tita!"

"Kapag tulog, tsss"

"Narinig mo na ba? May bagong transferee daw dito, tas gwapo daw!"

Huh? wala akong narinig tungkol dun..... saka bakit ngayon lang siya nag-transfer dito? 2nd sem na at malapit na ang exam, though it would not matter dahil hindi ko naman ikababagsak yun, at baka nagkakamali kayo kung inaakala niyo na dahil sa maldita ako ay wala ng laman tong utak ko nagkakamali kayo,I'm not one of those worthless bitch their flirting with some jerks, I'm a top-notcher, kahit hindi ipagkakaita na marami akong haters sa school na toh.

"Wala akong alam diyan at wala rin akong pake. Gwapo ba kamo?  Marami naman diyan ehhh, assholes and jerks nga lang sila and it's not worth it. Hindi natin alam kung anong ugali niya baka nga hangin lang laman ng utak niya and we don't know if he is one of those many jerks out there with a face"

"But still Alice, hindi rin natin alam kung the exact opposite siya ng mga sinasabi mo. And besides, usap-usapan na section A siya"

"I don't care, ikain mo na lang yan"

"Hay naku! Ayokong tumanda kang dalaga"

"Elaine, isa pa! Masasampolan kita"

Section A? Kung ganun siya katalino, hmmmmm, bahala na nga. Wala naman akong pake. Section A ako at alam ng lahat kung gaano kahirap makapasok sa section na yun. Sa section A kahit ano pang yaman o kahit anong ganda o gwapo mo kung walang kang utak hinding-hindi ka pwede dun.

"Elaine, kelan papasok yang transferee na yan?"

"Bukas daw. not sure."

For some reason hindi siya maalis sa isip ko....Aisshhh!!!! I DON'T CARE NGA DIBA!!!! Sino sya? para makapasok sa Section A?

Lumipas ang araw gaya ng ibang araw ang naiiba lang ay lumilipad ang isip ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Fall in Love yet Again (Dyma Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon