Chapter One

239 9 0
                                    

CHAPTER 1

Nagsimula ang lahat ng gumawa ng ID ang isang member ng Montello at maraming nais mag-avail nito. Ang dami ng mga members na nais makakuha ng ID ay nagresulta sa pagbuo ng iba't ibang sections ng Montello. Isa sa mga pioneer sections ay ang IV-Invictus ni pinangangalagaan ni Admin Lojeu. Tinawag itong #InvictusRules. Pakiwari ng isang studyante, ipinangkat sila ayon sa pagkakaibigan nila sa online world. Ang unang mga oras sa classroom o tinatawag na GC ay di mo aakalaing first day of class sa klase sa realidad. May mga nabuo nang grupo ng mga magkakaibigan, at may mangilan ngilan namang baguhan kaya't nagkakahiyaan. Hindi natapos ang araw ay nagkakilanlan din ang bawat isa. Sa sobrang galak ay halos di magkamayaw ang bawat isa sa pakikipag usap sa iba pa. Para sa mga baguhan, ito ay bagong mundo, bagong grupo, bagong kaibigan, bagong pamilya.

Sa pagdaan ng mga araw ay mas nawiwili ang mga studyante sa bagong mga kakilala. May mga palitan ng numero, at ng kung ano anong kuro kuro. May nagkakabiruan na din at di na alintana ang hard jokes na ibinabato para sa isa. Masyado nang nagiging masaya ang pamamalagi ng bawat isa sa mundong ito.

Bilang mga magkakaibigan na ay di matigil ang ingay sa chikahan ng mga miyembro. Napansin ng admins na hindi pa umaabot ng tatlong araw ay labis na ingay na ang nagawa ng grupo kaya naman napagpasyahan ng admins magtanggal ng isa o dalawa mula dito para ilipat sa tahimik na grupo. Nagkaturuan ng nais tanggalin at pinili na ang isang hindi pa gaanong close ngunit maingay na studyante ang ilipat sa iba. Nagkasisihan at nagkalat ang luha dahilan ng biglaang desisyon ng admins. Ang leader ng grupo ay pilit na pinakalma ang napagdiskitahang miyembro. Pilit nila niresolba ang naging problemang dulot nito. Ilang araw pa lang na magkakakilala pero buo na ang pananaw nila na sa pamilyang binuo nila, walang iwanan, sama sama nilang haharapin ang laban. At sa pinakitang pagkakaisa, nanaig ang pamilya, hindi nabuwag ang grupo ng maiingay. At ang pagkakabuwag na ito ay napag alamang trip lang pala ng mga admins. Unang kasiyahan, unang pagsubok, unang tagumpay, sama samang hinarap.

#KwentongWattpadNgSectionNaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon