CHAPTER 4
Simula nang nagka kumprontahan sa di pagiging pala asa ng mga miyembro sa pinuno ay unti unting nagbago ang lahat. Hindi na gaanong naging maingay ang grupo at tumutulong na sila sa mga activities na nagaganap. Dito ay may bago ding namuong mga pagkakaibigan. Nagkakaron ng plano ng meet ups at maging pag imbita sa bawat isa sa debut ng isa pa. tunay ngang nagkakagaanan na sila ng loob at kung ituring ang isa't isa'y tila ba matagal na itong personal na magkakakilala.
Sa ilang buwan nilang pagsasama ay paliit ng paliit ang problemang meron sila. Nakakaya na nilang harapin ang mga iilag pagsubok sa kanilang GC. Hanggang sa dumating ang araw na kinatatakutan ng lahat, ang katahimikan. Unti unti nawala ang sigla ng grupo at tanging mga matang nagmamasid na lang ang makikita dito. Iba't ibang rason sa bawat isa, ngunit iisa ang naging epekto, ang unti unting pagbagsak ng itinayong bandera ng pamilyang Invictus. Isa ito sa dahilan para bumagsak ang nakataas nang bandera. Mula sa ikatlong pwesto sa Most Powerful Section, lumagapak ito patungong ika sampu. Labis na kahihiyan at kalungkutan ang nadama ng bawat miyembro.
Naging solusyon ng bagong pinuno ang gumawa ng panibagong classroom kasama ang mga nais manatili sa pamilyang binuo. Iilan lang ang sumama, maraming nagpaiwan na lamang. Sa panibagong simula ay lumabas ang bagong pag asa. Sa bawat gabing daraan ay may umaga din namang sisilaw. Naging liwanag ng Invictus ang isa pang bagong pinuno na may kahanga hangang takbo ng utak. Umusbong muli ang panibagong pag asa at sila'y bumawi sa kanilang paglagapak.
Hindi lamang ikatlong pwesto ang binawi ng Invictus kundi inagaw pa nila ang Top1 sa Achiever ng both Montello High at Arturia University. Ngunit di pa rin mungusan ang Killers na ngayo'y Most Powerful Section na nanguna sa tatlong magkakasunod na recognition. Hindi man nataasan ang Killers, kahanga hanga pa rin ang pagbawing ginawa ng invictus sa kanilang rank, making them not just rule, but double rule.
BINABASA MO ANG
#KwentongWattpadNgSectionNamin
Genç KurguHey, fellas! This is where everything started. Yeah, from dust to..well, everything will end up to dust still, I highly reckon. Nevertheless, this is where every breathe started. Seek and you will see. Sound Tracks Invictus Rules: We Can’t Stop Un...