Therese (The Veteran)
January 25, 2014
The Birth of the Killers.
Ito ang unang araw na susulat ako sayo. Marahil iniisip mo
kung bakit ko ito naisipang gawin. Bakit nga ba? May nangyari kasi ngayon, hindi ko alam kung maiintindihan mo ako at hindi ko din alam kung dapat ko ba itong isulat o ano pero gusto kong ipagbigay alam sa iyo na may isang bagay na nabuo ngayon. Ang Killers. O teka, wag ka munang mag'react, hindi naman yan literal. Pangalan lang yan ng isang pangkat sa grupo sa Facebook na base sa akda ni Siel Alstreim na 'Montello High: School of Gangsters'. Nakaisip kasi ng pakulo yung mga administrador ng grupong iyon at gumawa sila ng mga sections dahil ang pinagdausan ng istoryang nabanggit ko ay isang paaralan. Hindi pa kami masyadong madami dahil nga kauumpisa pa lang pero maingay na kaagad sa group chat na nagsisilbing classroom namin. Magkakakilala na halos sila, lalo na yung mga babae na tinatawag nila yung mga sarili nilang 'Tropang Dyosa'. Ang weird diba? Nahihiya tuloy akong makihalubilo sakanila, lalo na hindi ako makasakay sa mga pinag'uusapan nilang paa at dahon ng laurel. Ang hirap naman kasing intindihin kung paanong nagkasama sa isang usapan ang paa at dahon ng laurel, medyo nakakadiri yun diba? At parang ang tataray pa nila, nakakatakot tuloy. Pero aaminin ko, ang cool nila. Ewan ko lang ha, pero para kasing kilalang kilala na nila ang isa't isa at ang bibibo nilang bata, pinapalabas pa nga nila yung mga nasa seenzone(kasama ako) kaya ayun, no choice kundi lumabas sa lungga at makipagkilala. Meron din pala kaming secret group, bukod sa GC, pwede din kaming tumambay doon. Kumbaga sa school, yung GC yung silid-aralan tapos yung SG naman yung kumbaga cafeteria namin (wala nga lang pagkain).
Hindi ko inaasahan na tatawa ako nang dahil sakanila pero
yun na nga ang nangyari. Ito marahil ang dahilan nang pagsulat ko sayo, para hindi ko makalimutan itong araw na ito. Malay ko kasi diba, kung sa mga susunod na araw at buwan eh kailanganin ko ito. Susulat pa ko ulit sayo at sasabihan ko din ang iba sa amin na sumulat sayo para naman maging updated ka sa mga mangyayari samin. Hanggang dito na lang muna. J
-T
*************************************************************************************
Kristia (The Newbie)
Aba! Ang ganda naman ng first entry mo, T! Eh ikaw, ikaw na nagbabasa oo ikaw! Nagandahan ka ba? Na'feel mo ba yung intensity? Hindi siguro no? Lalo na kung hindi mo pa naramdaman yung kabaliwan ng TD. Hihi Pero sana sa mga susunod na entry, maramdaman mo na.
Tip: Huwag kang masyadong manhid, i'welcome mo din yung mga feelings na nilalabas ng bawat salita dito. ♥ (-Subject Hugot 101 By Yours Truly)
************************************************************************************* ttpad.P�bC@�
BINABASA MO ANG
#KwentongWattpadNgSectionNamin
Novela JuvenilHey, fellas! This is where everything started. Yeah, from dust to..well, everything will end up to dust still, I highly reckon. Nevertheless, this is where every breathe started. Seek and you will see. Sound Tracks Invictus Rules: We Can’t Stop Un...