Second Recognition Day (or Night) and Arturia University

18 1 0
                                    

Wynoa

April 13, 2014

Second Recognition Day(or Night) and Arturia University.

Ayan na naman tayo, mistulang madaling'madali yung mga

admins dahil sa loob ng kulang sa tatlong buwan, naka'dalawa na agad na Recognition. Syempre ganun pa din ang naramdamam namin. Kaya lang medyo dumoble na yung intensity kasi dito, inaabangan kung mapapalitan ba kami as top 1 at kung sino ang papalit. Di ko lang alam, pero sa tingin ko yung pressure, nasa amin talaga kasi dito makikita kung mere luck lang ba yung dahilan kung bakit kami naging first nung unang recognition. Kahit naman sa kahit na anong competition, hindi man natin alam, pero ang mga nasa top talaga ang mas pressured. Syempre sila yung kumbaga pinipilit gibain diba? Parang sila yung hadlang para makapunta sa itaas yung mga ibang competitors.

Hindi madaling mag'participate sa lahat ng activities lalo na't

lahat kaming WK, may kanya'kanyang buhay sa labas ng FB world. Unti-unti nang dumadami ang mga inactive at mga seenzone. Parang nawawalan na nang gana yung iba kasi bakit ba naman sila mag'aaksaya ng oras sa ganito diba? Ano bang mapapala nila kung tutulong sila? Wala naman. Ganyan na siguro ang naging mindset ng iba sa mga WK kaya naman sa panahon na ito, nag'struggle talaga kami. Hindi lang isang activity ang nagka'problema kami, madalas binibilang pa namin yung mga natitirang oras para magpasa ng activity dahil tinitignan kung kakayanin pa bang makapagpasa na hindi lumalagpas sa tamang oras. Yung mga natutunan namin sa unang failed activity, hindi pa din nai'apply nang marami samin. Kung kaya, medyo may pag'aalinlangan kami kung kami pa ba ang magiging top 1.

Nag'umpisa ang announcement, tapos yung mga awards,

isa'isa nang sinasabi. Maingay na din sa Rep Hall (GC ng Representatives) kasi umuulan ng congratulations. Sa WK GC? Ayun, kahit nakikita naman lahat ng nasa GC yung mga awards, may naga'update pa din kung sino nakakuha ng ganito, ganyan. Tapos sama'sama naming hinihintay kung lilitaw ba yung mga salitang 'Witty Killers'. Ano sa tingin mo? Lumitaw ba?

Oo, lumitaw. Kami pa din ang top 1 sa buong Montello. Hindi

man kapani'paniwala kasi nga halos minadali namin yung mga acts. Two-peat na. Kakayanin ba namin ang three-peat?

Nga pala, may BIG CHANGE!! Graduate na daw kami sa

Montello High kasama ang iba pang sections at lilipat na kami sa Arturia University. O diba ang cool? Wala pang isang taon, graduate na kami agad! Mag'iiba din kaya ang ranking naming ngayong nalipat na kami ng school?

-W

*************************************************************************************

Kristia

Naks naman o, top 1???? ULIT??? OMY OMY OMY KALAMAY NI MAMAY aym su beri beri mats prawd op yu WiKingkongs!! Yu meyd momma beri prawd. Come, come, come to mommaaaaaaa.

Oy ikaw, oo ikaw!! Akala mo di na kita papansinin no? hmp. -.- Kung hindi lang ako inutusan para i'entertain ka aba hindi kita papansinin. Swerte mo at nakakaantok magkwento yung dalawang uhuging unggoy kaya kinailangan nila ko, kundi basyu ka. hmp. PANGET ka kaya di ka crush ng crush mo. :P Real Talk dude, just real talk and yeah, a lil bit of trash talk.

*************************************************************************************

l^C:

#KwentongWattpadNgSectionNaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon