Chapter Six: Secrets left behind

15 2 0
                                    

Chapter 6:

Venomous Viper: Secrets Left Behind

Pabalik na ako sa boy's dormitory ng mapansin ko ang pigura ng isang babae na nakaupo sa likod ng isang puno sa bukana ng Nightwoods, ang pinakakinatatakutang lugar sa Montello High. Saglit ko pa itong pinagmasdan at pilit inaalala kung saan ko nga ba nakita ang mukha niya na parang napakapamilyar sa akin.

Bahagyang yumuygyog ang kanyang balikat at nakayukyok ang kanyang pagkakaupo.Sa aking palagay siya ay umiiyak at may pinagdaraanang isang mabigat na problema. Humakbang ako upang lapitan siya ng walang kung ano-ano ay natigilan ako at mabilis na nagtago sa likod ng isang malapad na puno. Isang pigura ng lalaki ang palapit sa babaeng patuloy na umiiyak. Di yata at mayroong isang lihim ang di inaasahang aking matutunghayan. Marahan akong sumilip upang tingnan kung tama nga ba ang aking nakita. Unti-unti ay nanlaki ang aking mga mata.Siya?Kung ganoon ay tama pala ang aking hinala.

Sumilay ang isang ngiti sa aking mga labi nang mapagtanto ko na simula na ito ng isang panibagong kwentong pag-ibig ng dalawa sa pinaka hindi mo inaasahang tao sa loob ng Venomous Vipers. Nagpasya na akong lisanin ang lugar at sa aking pagtahak sa daan patungo sa dormitory ay tila isang eksena sa isang sine ang paulit ulit na pumapasok sa aking isipan. Isang pag-uusap na gumulo sa aking pag-iisip ng lampas ilang araw. Mga salaysay na ilang beses kong pilit tinuklas pero kabiguan ang aking natamo. Mga sekretong nahimlay sa mga salitang di mo aakalaing may lihim palang kahulugan. Now it makes sense. Muli akong napangiti at binalikan ang nakaraang pakikipag-usap sa isang kaibigan.

FLASHBACK...

Pinagmamasdan ko ang walang emosyon nyang mukha habang isinasalaysay ang mga pangyayari sa kanya sa loob n gaming silid aralan. Kung paano sya nagsimula at kung paano sya nabago ng VV.

"Yung kwentong Venomous ko ay parang roller coaster, maraming ups and downs. Hindi ko nga naisip na pwedeng maging ganon ang isa sa mga maaari kong maging karanasan sa paaralan. When all I know, School is made to learn, entertain, meet new faces, develop your character and such. Hindi ko naisip na ang Montello pala could change the roller coaster ride of my life. That, at some point, it will change for the better. If I remembered it correctly, I joined Venomous April of last year. Si Kharz yung nag-interview sa akin. I don't remember anything from the interview, all I know is that they ask me a lot. But things weren't like 'Who were the people behind Chernobyl Powerplant? or such questions that doesn't have relevance to the story. All in all, I am able to attend every question that's why I am here sharing a piece of my story." I watch him took a deep breath after saying those. I still wonder how the Venoms able to handle him. He seems so cold...

" Noong mga panahong active pa ako sa Venomous, nakilala ako bilang si 'poker face' dahil halos lahat ng sabihin ko ay parating naka-poker face. Maraming naiinis doon pero para sa akin, yung emoticon na yun ang simbolo ng "cuteness". Maraming pakulo ang nabuo sa loob ng Venomous sa mga nakalipas na buwan, nandyang nahirang ako bilang 'Poker Face' at kung ano-ano pa. Sa pananatili ko dito ay maraming nangyari. Nandyang na-involved ako sa mga taong hindi ko inisip na magiging parte ng buhay ko. May mga pagkakataong ako ang sanhi nang mga gulo sa loob ng Venomous kaya nagpasya akong umalis pero hindi nagtagal ay bumalik ulit ako. Natatandaan ko, dito rin naganap yung isang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ko at nang isang admin sa Montello na namamalagi sa Venomous. Hindi ko alam kung anong pinaghuhugatan nung bawat salitang binato niya sa akin noon hanggang sa makausap ko siya at malaman ko lahat. Ayoko sa kanya, ayaw din niya sakin pero gaya nga ng madalas na sinasabi, 'Expect things to go on the way you never expected it to happen'. May mga bagay na hindi mo maipapaliwanag kung paano at bakit nangyari at kung hanggang saan ang balak itagal, mayroon din namang mga taong darating at aalis, pero kagaya nang sa una ay hindi mo alam kung bakit nangyari." Now I know. He is the kind of man who can irritate the hell out of you but at the same time, he is the man whom you can easily pour your heart out. Everything he says makes sense. He may seem cold in the outside but once you tried to get through him you'll see that deep inside he is someone who we can consider soft and emotional. Just like now. Malalim yung pinaghuhugutan nya but still mararamdaman mo pa rin yung puso. Na sa bawat salita nya ay may mga lihim na kaakibat. Mga munting senyales na nais niyang ipahiwatig.

"Ako at siya ay magkaiba--sobrang magkaiba. May mga bagay na ayaw niya na gusto ko, madalas hindi ko siya maintindihan, may mga pagkakataong naiinis ako sa kanya dahil sa katangahan niya, pero gaano man lahat ng ito, gusto kong tuparin at sundin yung bawat salitang minsang binitawan ng mga karakter sa loob ng kwentong nag-buklod sa ating lahat, 'I'll keep it'. Sa Venomous na madalas kong takbuhan sa tuwing naghahanap ng 'stress reliever' mula sa nakakapagod na araw ko, sa mga taong nakasalamuha ko doon na ngayon ay unti-unti na ring lumilisan, hindi ko to laging sinasabi pero salamat and hopefully we'll be able to keep the memories."

End of Flashback...

Isang patak ng tubig ang nagpagising sa akin. Muli na naman pala akong nahimlay sa nakaraan. Itinaas ko ang aking kamay upang saluhin ang patak ng inaakala ko ay ulan. Pero sa aking pagtataka walang ni isang butil ang tumama sa aking kamay. Itinaas ko ang aking mukha at tiningala ang kalangitan. Maaliwalas ang ulap.Walang pagbabadya ng anumang ulan. Itinaas ko ang aking kamay at dinampi sa aking pisngi dahilan upang akoy muling mapangiti. Kaya pala...

tF]

#KwentongWattpadNgSectionNaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon