ONE SHOT by Yam-Yam28: "Sirang Plaka"
"Ayoko na. Tapusin na natin 'to."
Ilang beses kong pinractice ang pagsabi n'yan sa harap ng salamin. Paulit-ulit, animo'y isang talumpating dapat kabisaduhin.
Buo na ang desisyon ko. Ngayong araw, tatapusin ko na talaga ang lahat sa amin ni Janine. Tatapusin ko na talaga ang lahat ng namamagitan sa amin ng kaisa-isang babaeng sineryoso ko.
*ding dong
Agad na nagsikip ang dibdib ko nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. And'yan na si Janine.
Pagbukas ko ng pinto, isang nakangiting Janine ang agad na sumalubong sa akin.
Wala paring pinagbago ang ngiti n'ya, katulad na katulad parin iyon ng dati. Pinakamaganda parin ang ngiting iyon sa lahat ng ngiting nakita ko sa tanang buhay ko. Pinakamaganda parin si Janine sa mga mata ko, hanggang sa mga oras na 'to. Ang lakas parin ng epekto n'ya sa puso ko. Bwisit.
"Aray!" sigaw ko matapos n'yang sundutin ang isa kong mata. "Bakit mo ginawa 'yun?!"
"Sobra ka kasi kung makatitig," sagot n'ya, may kasama pang pagtawa. Tuloy-tuloy na s'yang pumasok sa loob ng apartment ko.
"Janine..."
Napatigil s'ya sa paglalakad papuntang kusina, 'saka s'ya humarap sa akin.
"Hmmm?"
"Ayoko na. Tapusin na natin 'to."
Kayang-kaya kong sabihin 'yan isip ko, pero ayaw bumuka ng bibig ko.
"Bakit Justin?"
"Tapusin na natin 'to Janine. Ayoko na."
Gustong-gusto ko nang sabihin 'yan sa kanya. Akala ko magagawa ko nang sabihin 'yan sa kanya. Pero sa huli... sa huli....
.
.
.
.
.
"Ano'ng lulutuin mo ngayon?"
Hindi ko parin magawang tapusin ang lahat.
Kahit ilang beses ko nang pinractice at sinaulo ang sasabihin ko, kahit na buong-buo na ang desisyon ko, pag nasa harap ko na s'ya, tumitiklop ako. Nakakalimutan ko lahat. Bumabalik ako sa pagiging tanga. Handa na naman akong masaktan kinabukasan. Bwisit.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
"Justin pre, I'm sorry." Bungad sa akin ni Jake pagdating ko sa bar. Para bang awang-awa s'ya sa akin.
"Bakit?" Naguguluhang tanong ko.
"Kunwari pa 'to. Alam kong broken-hearted ka ngayon."
"Ha? Pinagsasasabi mo?"
"Break na kayo ni Janine di'ba?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"P- paano mo nasabi?"
"Bakit tsong, mali ba ang intind—"
"Paano mo nasabi?!" Halos sigawan ko na s'ya.
"Na- nakita ko s'ya kanina sa mall e, may kasamang ibang lalaki. Magkahawak pa ng kamay kaya akala ko—"
BINABASA MO ANG
The Wattpad Filipino Block Party
Random31 Days. 31 entries. 31 Wattpad Filipino writers. For the whole month of August, tayo ay magse-celebrate araw-araw! Handa ka na ba? #TWFBP2015