AUGUST 17 - j_harry08's Character Journal

5.6K 224 54
                                    

September 18th
Posted by: darkcrazy_vampire

So there's this girl.

'Yun lang—hindi ko alam kung anong pangalan niya, hindi ko alam kung sino siya, at hindi ko alam kung anong meron that she even merited a spot in here.

Hindi ko alam, pero ito na.

I hate going to church. Lagi lang naman akong pinipilit nila Mama na pumunta. Hindi ko alam kung bakit nagpupumilit pa sila ng alam nilang wala rin namang mangyayari. Siguro iniisip nila na isang araw ay magbago ang ihip ng hangin at pumasok ako sa loob. Para ano? Naririnig ko rin naman 'yung sermon sa labas. Naririnig ko naman ang buong misa kahit hindi ako pumasok sa loob kagaya ng iba. Naririnig ko pati 'yung pagkanta nila. Tuwing naririnig ko silang kumanta, I am always back to that heightened sense of curiosity.

There's something about this one girl and her voice.

Tuwing naririnig ko siyang kumakanta sa linggo-linggong pagpunta namin dito sa simbahan, para bang lalong tumataas ang interest ko na pumasok sa sa loob para tignan ko kung sino 'yung babae na may boses na iyon. Para bang tuwing kumakanta siya, iniimbitahan niya ako parati. Go take a peek—saglit lang naman. Tumingin ka lang, at pwede ka ng bumalik sa dati mong gawi. Habang tumatagal, pahirap ng pahirap. So I went and broke one of my personal rules.

I saw the girl with the voice.

'Sapagkat sa 'Yo nagmumula

Ang kaharian at kapangyarihan

At kapurihan

Magpakailanman, Amen,'

Hindi ko maalis sa isip ko magdamag yung kanta. Nakakairita. Hindi naman ako interesado sa kahit kanino at kahit kailan. Pero 'yung kanta ay nagri-ring na lang sa tenga ko. It plays over and over. That song and her singing.

And more so, I can't get the girl with the voice out of my head.

***

Tweet @j_harry08 and please use the hashtag #TWFBP2015

The Wattpad Filipino Block PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon