AUGUST 30 - i_love_kyle's New Chapter Teaser

3.4K 79 2
                                    

"SIGNS" New Chapter Teaser

Mabilis kong inangat ang ulo ko para tignan siya. Isang lalaki ang nakita kong nakayuko at nakatingin sa mukha ko habang hawak ang panyo niya na inaabot sa akin.

"Nakita kitang umiiyak kaya lumapit ako."

Napayuko uli ako at napatingin sa kamay niya na may hawak sa panyo. Hindi ko alam kung bakit nakapukaw ng pansin ko ang pulang balat sa kamay niya. Parang may malaking ibig sabihin 'yon para sa 'kin pero marahil dahil sa matinding pagdadalamhati ko para kina Mama at Papa ay hindi ko na magawang isipin pa.

"Gusto kong mapag-isa," sabi ko sa kanya, pero parang wala ata siyang narinig dahil naupo pa siya sa tabi ko.

"Wala naman akong balak guluhin ka." Ipinatong niya ang panyong hawak niya sa ibabaw ng kamay ko na nakapatong sa hita ko. "Gusto ko lang ibigay 'yan sa 'yo. Aalis din agad ako." Pagkasabi niya non ay tumayo na nga siya at nagumpisa nang maglakad paalis para iwan akong mag-isa.

Pero gusto ko nga bang mag-isa? Ang totoo; ayoko. Natatakot ako. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa 'kin. Hindi ko alam kung kaya ko bang mabuhay nang wala ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung paano pa magpapatuloy. I don't have the strength to move forward. I'm in the dark and at my lowest.

Habang nakatingin ako sa likuran niyang papalayo sa 'kin ay naalala ko ang mga salitang binitawan noon ng matandang manghuhula.

'Ang dilim ay dulot ng mangyayaring kasawian. Pero huwag mag-alala may darating na liwanag. Sa gitna ng matinding kalungkutan ikaw ay luluha. Suot mo'y puti at hawak ay puting bulaklak, ika'y may makikilala. Isang binatang may pulang marka, pang-habangbuhay mong makakasama.'

Tumayo agad ako at tumakbo papalapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanang kamay niya kaya bigla siyang napatigil.

"Please stay," halos pabulong kong sabi.

Kung siya ang katuparan ng hula; ang lalaking makakasama ko habang buhay; hindi ko na siya maaaring bitawan...

***

Tweet @iamjcquin and please use the hashtag #TWFBP2015

The Wattpad Filipino Block PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon