Maglaway Ka Man Sa Akin
by m a x i n e j i j i
TEASER
UNANG araw iyon ng klase nang makilala niya si Davidd. Tulad niya ay isa itong transferee at nagkataong naupo sila sa magkatabing silya sa likuran ng classroom. Noon pa lang sila nagkita at nagkakilala pero naging mabait na ang lalaki sa kaniya. Ganoon din naman ang lalaki sa iba pa nilang kaklase pero hindi niya malaman kung bakit parang sa kaniya ay may kakaiba. Hindi niya rin maitatangging sa umpisa palang ay na-attract na siya rito.
"Davidd Leery," inilahad nitong bigla ang kamay sa kaniya. Sandali siyang nagulat bago tinanggap iyon.
"Denisse Linden."
"Transferee ka?"
"Oo, from San Laurel College." 'Buti at hindi siya nasamid nang isagot 'yon.
Hindi niya malaman kung ano ang hitsura niya habang kausap ang lalaki. Ang totoo ay nahihiya siya. Napakagwapo kasi ni Davidd at hindi niya inaasahan ang pagiging friendly nito. Natatakot siyang baka namumula na siya o ang masama ay baka namumutla pa. Natural ang ganoong reaksyon lalo na kapag kasing-gwapo ni Davidd ang makakaharap nang kahit na sino.
"Ikaw?" tanong niya.
"Second courser ako."
"Wow," hindi niya naitago ang pagkamangha. Lalo siyang humanga nang hindi kakikitaan ng pagmamalaki ang lalaki.
"Galing naman akong iMac," pabiro nitong sabi, nagtaka siya. "Istitutional College of Macabyang, diyan lang iyon sa makalampas ng SM," natatawa pa ring dagdag nito.
"Hindi talaga ako taga-rito." Ngumiti siya. "Hindi ko alam iyong mga lugar na nabanggit mo. Ang SM ay hindi ko pa rin napupuntahan."
"Ah, talaga? Taga-saan ka ba?"
"Manila, bagong lipat lang kami dito."
"Kailan lang?"
"Nauna iyong parents ko dito tapos sumunod ako two weeks ago."
"I see," tatango-tango nitong sabi. "Kaya siguro hindi ka pa nakakagala."
Hindi na nila nagawang makapagpatuloy sa pag-uusap nang pumasok ang propesor at magsimulang magsalita sa unahan. Dahil nga iyon ang unang araw ng klase ay introduction lang sa subject na iyon ang discussion. At hayun siya, panay ang panonood sa mga kilos ng binata.
Matapos ang apat na subjects ng umagang iyon ay muli siyang kinausap ni Davidd. Hindi niya inaasahang yayayain siyang mag-lunch ng lalaki. Hindi na naman tuloy niya malaman kung ano ang kaniyang hitsura habang naglalakad pababa sa building kasama ito.
"Kung second year ka na rin ngayon, ibig sabihin ay may mga na-credit nang subjects sa 'yo?" sabi ni Davidd nang makapasok sila sa cafeteria. Tumango naman siya. "Ano 'yong nauna mong course?"
"Education," nakangiti niyang sabi. "Gusto ko talagang maging teacher pero nakiusap sa 'kin 'yong mommy ko na mag-HRM na lang ako."
Hindi naman labag sa loob niya ang sumunod sa sinabi ng ina. Ang totoo ay naiintindihan niya naman ito, at hangad niya ring makatulong sa pamilya nila matapos mag-aral. At isa pa, sa tingin niya ay mukhang magugustuhan na niya ang HRM. Isang dahilan na roon si Davidd, mabait ito at bagaman ngayon niya lang nakilala ay naging interesado na siya sa lalaki. Bukod do'n ay madalas sabihin ng parents niyang may matalas siyang panlasa. Nababagay raw siya sa linyang ikinabubuhay ng kanilang pamilya.
BINABASA MO ANG
The Wattpad Filipino Block Party
Random31 Days. 31 entries. 31 Wattpad Filipino writers. For the whole month of August, tayo ay magse-celebrate araw-araw! Handa ka na ba? #TWFBP2015