Off-Limits
(A Lana's List Special Chapter)
Cass:
May 2014
Ayoko na.
Ryan calling...
I declined the call and blocked him. Wala ako sa mood makipag-usap sa gagong yan. Ginusto niya 'to e. Sino ba ang na-pressure ng buddies niya mag-take ng ecstasy, sabay inom? Sino ba ang nakipag-flirt sa ibang babae, at isisisi sa letsugas na pill na yun? Sino ba ang nakipag-lampungan sa kama with a girl na hindi naman kanya?
Tangina talaga. Nakakagago.
'And I'm here, to remind you of the mess you left when you went away. It's not fair –'
"Oh?" I answered the call.
"San ka banda?"
"Arrival."
"Duh. Dito na kami."
I lifted my head and looked around. Nasa Silay Airport ako ngayon, far away from the pain in the ass heartache that dumb fuck left me. Ganito 'ko e. I run away from my problems. Instead na mag-sulk and feel sorry for myself, I'd rather go out and about.
Sakto, nasa Bacolod sina Lana at Kylee. Nagbakasyon pati binisita nila yung pinsan ni Lana na si Ate Janelle, kasal sa Ilonggo kaya nag-settle down na din dito sa Negros. One week stay. Saya, no?
Dapat nga kasama ko e. Kaso heto, na-convince ng boyfriend – ehem, ex-boyfriend na mag-stay sa Tagaytay. Gagong yun. Sarap ibaon sa lupa.
Buti nalang naka-abot ako sa girlfriends ko. Kahit sabihin mo pang Thursday na ngayon, at ang uwi namin is on Sunday. Plenty of time to have fun pa rin.
"Cass!" yelled a high pitched voice.
I stood up and grabbed my bags. When I turned, I smiled at my ever grinning best friend.
"Kamusta ka na, ha?" asked Kylee, giving me a big hug. Napansin ko na medyo kulot na yung buhok niya ngayon. Tapos, lighter na rin yung shade of... orange? And wow. Naka-shades ang bruha.
"Meh," I merely said, shrugging.
"Tsk, pag nakita ko talaga yung mokong na yun," growled Lana, stepping up to us. She flashed me a sad smile, before hugging me.
"Pwede bang 'wag na natin siyang pag-usapan?" mataray kong sinabi, pero may slightest hint of begging. I sighed. "So not worth it."
They both nodded. Then, I stared at Lana for a moment.
Ganun pa rin itsura niya, umitim lang. Ako ang morena sa'min, pero mukhang may humahabol. Ha. I bet torn siya between regretting it or not. Ganun yan e. Go lang ng go sa adventure pero conscious din sa itsura niya. 'Di lang halata.
"Umitim ka," I remarked with amusement.
Lana pouted. "Ayos lang, worth it naman e."
"Talaga lang ha."
Tumawa siya. "Oo nga!"
"'Kay."
"Tara na," yaya ni Lana. "Dun nag-park si Ate Jan."
"Nako, Cass!" gushed Kylee, habang naglalakad kami. "Ang dami mong na-miss!"
"We'll go to Mambukal tomorrow daw," Lana informed me.
I only nodded.
When Ate Janelle's maroon pick-up truck came to view, I took a deep breath. Kapag kailangan namin ng advice, sa kanya kami tumatawag. Nag-serve na siya bilang ate sa'ming lahat, hindi lang kay Lana. Ilang taon lang din kasi ang tanda niya sa'min. She was a senior nung froshies palang kami.
BINABASA MO ANG
The Wattpad Filipino Block Party
Random31 Days. 31 entries. 31 Wattpad Filipino writers. For the whole month of August, tayo ay magse-celebrate araw-araw! Handa ka na ba? #TWFBP2015