Nasabi ko ba sa kanya kung gaano siya kaganda?
Malamang hindi pa.
Puros pang-aasar lang kasi ang sinasabi ko sa kanya kasabay ang nakakatawang tawa ko.
"hindi bagay sayo!"
"panget!"
"piglet!"
"ikaw na ba yan ahaha!"
naisip ko tuloy na hanggang may pagkakataon pa, masabi ko sa kanya na maganda siya, hindi pa naman siguro huli di ba? tyaka kasalanan ko rin kasi torpe parin ako hanggang ngayon..oo na inaamin ko na..
"Oy! kanina ka pa nakatingin sa malayo, may problema ba?"
"wala, may iniisip lang ako"
at ayan nagsinungaling nanaman ako sa kanya
"sure ka? ayiiee!! ano yan tungkol ba yan sa love life mo? hala! dapat kelangan ko ma-meet yung babae na yun..di ba! di ba! ako dapat mauna haha!"
tsk..ikaw nga yun eh! di mo lang napapansin, may sayad ka kasi kaya ka ganyan...Ang unfair mo Emy, sobrang unfair mo lalo pagdating sa akin..
"wala! sino ba nagsabi na may love life ako? di ba ang usapan natin kung wala kang boyfriend edi wala rin akong girlfriend.." iritang sabi ko sa kanya
"ay oo pala! haha! pero parang di naman masaya yun, paano kung may natipuhan ka tapos ako ayaw ko talagang magboyfriend o mag-asawa tapos mag-mamadre pala ako o magiging matandang dalaga edi ikaw naman kawawa..erase na yung kasunduan na yun ok!"
seriously? ikaw mag-mamadre o magiging matanda? what the hell Emy!
"di mo bagay maging madre masisira lang yung kumbento sinasabi ko na sayo kasi..." di ba ako tapos magsalita kainis...
"grabe! ang sakit mo naman magsalita, sabagay ahaha!"
"kasi magand ka" mahinang sabi ko
Now playing in my head "JUST THE WAY YOU ARE" by: Bruno Mars
nakatitig ako ngayon sa mga mata niya, sana narinig niya yung sinabi ko sa kanya..please Lord..please..
"saan? saan yung maganda?" tumingin siya sa kaliwa at kanan niya hanggang napatayo siya para hanapin lang yung maganda na sinabi ko sa kanya...
"wala na umalis na"
at eto nanaman ako nagsinungaling, nasabi ko nga pero hindi ko naman pinanindigan..
"oy Robie! siguraduhin mong mas mabait at maganda yang babae na ipapakilala mo sa akin hah!"
"oo Emy sisiguraduhin kong mas mabait siya kesa sayo pero syempre wala parin makakatalo sa dyosang kagandahan mo haha!"
"bolero! salamat naman at nakita mo na maganda talaga ako ahaha!"
"Emy hinihintay mo rin ba na sabihin ko sayo na maganda ka?"
"hmm..noon pero kahit di mo naman sabihin alam ko naman na talagang maganda ako, ayaw mo lang sabihin yung salita na yun kasi gusto mo akong asarin haha!"
Oo Emy maganda ka, para sa akin wala ng gaganda sa paningin ko kundi ikaw lang..sorry torpe ako pero wag kang mag-alala ipagtatapat ko rin sayo sa tamang panahon..
● Sabihin mo na kami nga para sa isa't-isa at gagawin ko lahat para sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Unwritten
Short StorySa mundo na madaya at sa tadhana na mapaglaro, pagtatagpuin padin kaming dalawa upang tuldukan ang nakaraan at tapusin kung ano ang aming nasimulan. -funnySoul-