"Bakit di mo na lang kasi sabihin agad, may nalalaman ka pa dyang takdang panahon at oras. Alam mo Robie gwapo ka nga pero torpe ka naman."
"Ang sakit mo namang magsalita Jha, hindi nga madali kasi mag bestfriend kaming dalawa. Mas lalong gugulo kasi may problema pa ako na malaki."
"Ano nanamang problema yan?"
"Lilipat na akong Tarlac, doon ko na rin itutuloy pag-aaral ko. Nag-away kasi si mama at papa hindi ko alam kung magkakasundo pa silang dalawa."
"Bakit mo sinasabi yan sa akin, di ba dapat kay Emy mo sinasabi yan, hindi naman ako masasaktan pagumalis ka si Emy naman."
"Yun na nga, hindi ko alam kung paano rin sasabihin sa kanya."
"Hay naku! Hindi mo na nga masabi na mahal mo siya yung pagalis mo pa kaya? Siguro tanggapin mo na lang na hindi kayo para sa isa't-isa masyadong bitter sa inyo ang tadhana haha!"
Masyadong bitter ang tadhana sa aming dalawa? Siguro nga hanggang dito na lang kaming dalawa pero hindi tiwala lang!
---
"Oy! Mukhang busy tayo ngayon best"
"Yup, may defense kasi ako bukas at sumabay pa yung mga ibang requirements ko kay kelangan ko magrush."
"Kawawa naman ang bestfriend ko haha! May maitutulong ba ako?"
"Andyan ka lang ayos na"
"Ayiiee! Ang sweet naman ng bestfriend ko pero sorry masyado kang corny haha!"
"tss..kinilig ka naman haha! Oy! birthday mo pala bukas, ano gusto mong regalo?"
"Hmm..oo pala buti pinaalala mo pati ako muntim ko ng makalimutan hehe, pero wala naman akong gusto eh!"
"Imposible alam ko meron yan pakipot ka pa, ngayon lang ako magiging mabait kaya lubusin mo na."
"Wala nga eh! Ang kulit din ng lahi mo noh haha!"
"Tapusin ko lang eto ililibre kita."
"Talaga? Hindi ka naman siguro linalagnat? Yeess! Salamat at nasapian ng magandang espiritu ang bestfriend ko!!"
---
Ito na ang huling araw na makikita ko siya at makakasama, kahit ayaw ko naman umalis wala akong magagawa at kahit sa huling sandali na makita ko siyang masaya na kapiling ako ayos na yun para sa akin.
Now playing in my head "MAKE THIS MOMENT LAST" by Jim Gaven
"Robie sa picture booth tayo"
"Robie sa ice cream shop"
"Robie sa quantum"
"Robie ktv tayo, ang makakuha ng lowest score ay kakain ng siling labuyo haha!"
"Robie nagugutom na ako hehe!"
Ang sarap pakinggan na lagi mong tinatawag ang pangalan ko Emy, sana lagi na lang tayong ganito, sana hindi matapos ang araw na ito na masaya tayo, sana Emy tayong dalawa na lang talaga at sana pagtagpuin nga tayo ng tadhana.
"Saan mo pa gustong pumunta Emy after nating kumain?"
"Uwi na tayo Robie, di ba may defense ka pa bukas dapat pinaghahandaan mo yun"
"Ayos lang, baka kasi bukas hindi na kita makausap dahil busy na ako at baka magtampo ka nanaman sa akin."
"Haha hindi naman noh! Well wala na akong masabi sayo the best ka talaga haha"
Para kaming mga bata na hindi napapagod sa kakatakbo, kulitan, asaran, sigawan at tawanan. Huminto sana ang oras para makasama ko pa siya. Bakit ba masyadong madaya sa mundong eto? Kung sino pa yung totoo sila pa yung pinaglalaruan ng tadhana hindi ba pwedeng maging mabait muna sila para sa ikakasaya namin? Bakit ayaw mo kaming pagbigyan?
"Timeout muna Robie pagod na ako eh!"
"Ok, bibili muna akong tubig hintayin mo muna ako dyan."
---
"Oy Robie! antagal mo naman saan ka ba nagpunta?"
"Happy birthday Emy!" sabay abot ko sa kanya ng cake na may kandila sa gitna "magwish ka na dali"
"Hmm..salamat kasi binigyan mo ako ng pinaka the best na bestfriend sa mundo, salamat kasi napasaya niya ako ngayong araw, lagi mo sana siyang iguide at sana lord mahanap niya na yung para sa kanya. Amen."
"te-teka, hindi ko naman birthday bakit ganun yung sinabi mo?"
"Gusto kong ishare yung blessing ko sayo Robie, thank you sa lahat, sobrang saya ko ngayon."
"Emy.."
Kinuha ko yung cake sa kanya at ibinaba, tinitigan ko siya sa kanya mga mata ng ilang segundo, humakbang ng dalawa palapit sa kanya at ipinatong ko ang ulo ko sa kanyang balikat.
"Emy, ang sakit sobrang sakit tulungan mo naman ako."
Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap niya sa akin.
"Robie hindi ko man alam yung problema na dinadala mo ngayon pero nararamdaman ko na hindi mo pa kayang sabihin sa akin pero wag kang magalala maghihintay ako nandito lang ako para sayo."
Emy, mas lalo mo akong binibigyan ng dahilan para hindi kita iwan pero bakit ganito nagiging duwag padin ako pagdating sayo. Emy hindi ko na kaya.
"Ayaw kong matapos ang araw na ito Emy, ayaw kong magsisi sa huli at ayaw kong matapos ang saya na nararamdaman ko ngayon dito."
"Pati ako Robie sana hindi na matapos ang araw na ito."
Emy hindi mo ako naiintindihan. Emy alam kong hindi ka manhid sadyang hindi ka lang lumilingon para tignan ako. Emy naiisip mo ba at nararamdaman mo ba na mahal kita? Emy ang sakit, sobrang sakit na kahit mismong ako hindi ko alam ang gagawin ko, siguro hanggang dito na lang dahil masyado ngang bitter ang tadhana sa ating dalawa. Ito na ang huling pagkakataon para sa ating dalawa.
●Pinagtagpo mo kaming dalawa pero pinaglaruan mo lang kami sa huli.
BINABASA MO ANG
Unwritten
Short StorySa mundo na madaya at sa tadhana na mapaglaro, pagtatagpuin padin kaming dalawa upang tuldukan ang nakaraan at tapusin kung ano ang aming nasimulan. -funnySoul-