Cc

53 3 0
                                    

Ang bilis ng panahon pero mabagal parin ang usad ko para sa kanya..putek na pag-ibig at puso na ito..kelan ba ako mabibigyan ng hustisya?

"Yow Robie! tara pasok tayo sa loob..."

Simbahan sa tagalog....Church sa english...dito? dito ko ba ipagtatapat lahat? 3rd yr. College na ako pero kulang padin ang self confidence ko..putek talaga! Hindi ko na alam ang gagawin ko..

"Mukhang may pinapanalangin ka ng mabuti at kelangan pa nating pumunta dito sa harapan para tumayo"

"Manahimik ka muna Robie nagdadasal ako istorbo ka..magdasal ka na lang ok"

Dear Lord...sana yung katabi kong babae eh mapansin na ako, alam ko lagi ko na lang sinasabi eto pero hindi parin ako titigil sambitin ang mga salita na yan sa inyo..Amen

"Robie.."

"Bakit?"

"Anong dasal mo sa kanya?"

"Bakit mo naman natanong yan?"

"Wala lang curious lang ako, medyo kasi naiba yung aura mo"

"Bawal sabihin baka hindi matupad noh! Ikaw anong dasal mo sa kanya?"

"Bawal din sabihin baka hindi rin matupad haha.."

"edi wag na lang muna nating sabihin, kung natupad na that time na lang natin sabihin sa isa't-isa.."

"Robie.."

"Bakit?"

"Ano sa tingin mo kung kinasal ka na?"

Now playing in my head "MARRY ME" by Train

Sh*t! Eto na ba Lord? relax Robie..kalma lang..

"Yun na yata ang pinakamasyang pangyayari sa buhay ko at wala na akong hihilingin pa kundi ang makasal sa babaeng mahal ko. Yung babaeng hihintayin ko sa harapan ng altar, yung babaeng hindi titigil sa kakaiyak dahil sa sobrang saya at kaba at higit sa lahat yung una't huling babae na sasabihan ko ng pangako na I do at till death do us part."

"Ako rin ganun din ang gusto ko, yung lalaki na hihintayin ako sa harapan ng altar, yung lalaki na hindi maipinta ang mukha niya dahil sa halong kaba at saya at yung lalaki na sasabihan ko ng nag-iisang pangako ko na I do at till death do us part."

Ewan ko kung matutuwa ako sa narinig ko mula sa kanya, Emy may pag-asa ba tayo? bakit hindi na lang tayong dalawa? Bakit pilit tayong pinaglalayo ng tadhana? Bakit hindi mo ako napapansin? Bakit nahihirapan ako pagdating sayo?

"Sana mahanap natin yung para sa atin Robie"

Kung papayagan ako ng panahon at tadhana matagal ko ng nahanap ang para sa akin Emy, ikaw nahanap mo na ba yung para sayo?

Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay at ngumiti sa kanya, siguro hindi pa ngayon, hindi sa harap ng altar na ito, may lugar at panahon na nakalaan at may tamang oras para sa aming dalawa.

"sana nga Emy mahanap natin, sa takdang panahon."

Kelan darating ang tamang panahon sa aming dalawa? Sabihin mo at tatahakin ko na walang alinlangan.

UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon