Nakaharap ako ngayon sa salamin, pinagmamasdan ang sarili..hindi ko alam kung magiging masaya ako sa araw na ito o kelangan kong magluksa..hinahanda ang sarili para humarap sa mga pangyayaring itinakda ng tadhana.
Dapat masaya ako ngayon. Dapat binibigay ko ang buong suporta ko sakanya. Dapat tanggap ko na lahat. Dapat nakalimot na ako. Dapat ako yun...sh*t! Ano ba etong iniisip ko..tama na tapos na kaya wala na ako magagawa.
"Dude! Ready ka na ba?"
"Jules, bakit mo pa ako kinuha bilang best man mo kung alam mo ang tungkol sa amin ni Emy"
"Past is past Robie, wala na tayong magagawa tapos na yun."
"Tapos na? Kung yan ang iniisip mo pwes nagkakamali ka. Kasi hanggang ngayon hindi ko parin tanggap lahat. Akala ko nakalimot na ako pero mali ako Jules, mahal ko parin si Emy."
"Alam ko Robie, at alam kong wala akong magagawa sa nararamdaman mo para kay Emy pero kelangan ko nang maging madamot kasi mahal ko rin si Emy at papakasalan ko na siya."
"Wala na ba talaga akong pag-asa para itakas si Emy mula sayo Jules?"
"Kahit gusto kong magparaya Robie hindi ko kayang gawin. Nangako ako kay Emy na kahit anong mangyari hindi ko siya papakawalan."
"Mahal ko siya Jules, mahal na mahal ko siya higit pa sa pagmamahal na binigay mo sa kanya."
"Mahal ko rin siya Robie. At kahit higit pa ang pagmamahal mo sa kanya ako parin yung taong pinili niya na makasama. Pareho lang tayo na nagmamahal ng sobra para sa kanya Robie, kaso kelangang isa lang ang matira para kay Emy."
"Jules, kung ano desisyon mo makikiayon na lang ako, pero pwede ba akong humingi ng huling pagkakataon para tapusin lahat ang namamagitan sa amin ni Emy. Alam kong mahirap para sayo pero sana..."
"Bestfriend ka ni Emy, ikaw ang unang niyang nakilala kesa sa akin, ikaw ang nakasama niya sa saya at lungkot at higit sa lahat ikaw yung taong una niyang pinahalagahan niya. Kaya wala akong karapatan para hindi pagbigyan ang kahilingan mo."
"Salamat"
Sobrang sakit. Akala ko may pag-asa pa kaming dalawa ni Emy. Akala ko magpaparaya si Jules pero huli na pala ako.
●Sigurado na ako. Sigurado na akong itinakda talaga ng tadhana para paglaruin kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Unwritten
Short StorySa mundo na madaya at sa tadhana na mapaglaro, pagtatagpuin padin kaming dalawa upang tuldukan ang nakaraan at tapusin kung ano ang aming nasimulan. -funnySoul-