Ee

43 3 0
                                    

"Jha pakibigay na lang itong sulat kay Emy, hindi ko na kasi kayang harapin siya."

"Hanggang ganito na lang ba ang kaya mo Robie? Hanggang sulat na lang ba? Ang hirap kasi sayo masyado kang natatakot, wala naman masama kung sabihin mo yung totoo kay Emy. Hindi mo naman kasalanan na aalis ka ngayon at higit sa lahat hindi mo kasalanan na mahulog ang loob mo sa bestfriend mo."

Alam ko, hindi ko rin naman ginusto ang nangyayari ngayon. Takot, oo sobrang takot ako sa magiging resulta kapag ginawa ko ang tama kaya eto nga ako ngayon tumatakas dahil yun lang ang alam kong gawin.

"Wala na Jha, huli na kasi ang lahat kaya tinatapos ko na kahit magmukha akong masama. Salamat sa lahat sana magkita pa tayo."

"Kahit tumakas ka pagtatagpuin padin kayo ng tadhana para tuldukan ang lahat. Tandaan mo yan Robie kahit hindi ako naniniwala sa tadhana, well ingat sa byahe."

Baka hindi na yun mangyari kasi ngayon pa lang ayaw ko ng umasa. Para sa aming dalawa ni Emy eto yata ang kwento na hindi pwedeng isulat sa buhay namin kaya iiwan ko na lang blanko ang pahina na iyon.

---

Dear Emy,

Alam kong wala akong karapatan na batiin ka ng magandang araw, hi!, hello! at Happy birthday!

Alam kong naging madamot ako, naging makasarili ako at higit sa lahat naging problema ako ngayon sa espesyal na araw mo. Patawarin mo ako Emy.

Masaya ako kasi nakatagpo ako ng bestfriend na katulad mo. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa lahat ng pinagsamahan natin. Hindi ko alam kung paano ko ibabalik lahat ng iyon sayo. Salamat ng sobra Emy.

Sa araw na pagtatagpo natin at ngayon na paghihiwalay ng landas natin sana pagtagpuin padin tayo Emy. Ayaw kong umasa pero hindi ko parin maiwasan.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ng personal pero talagang hanggang sulat na lang ang kaya ko. Kasi natatakot ako sa lahat ng magiging resulta kaya eto ako ngayon tumatakbo papalayo.

Emy gusto kita...hindi, mahal kita.

Mahal na mahal kita kahit dumating sa punto na kelangan kong itago ang totoo sayo. Mahal kita kahit ako lang ang nakakaalam. Mahal kita kahit nahihirapan akong ipagtapat sayo. Mahal kita kahit kelangan kong masaktan. Mahal kita sa mga sandaling hindi mo napapansin. Mahal kita kahit sa malayuan. Mahal kita kasi yun ang alam ko. Mahal kita kahit naging tanga ako. Mahal kita nung simula pa lang. Mahal kita kahit hindi tayo pwede sa isa't-isa. Mahal kita kahit may limitasyon lahat. Mahal kita. Mahal kita. At hindi ako magsasawang sambitin ang mga linyang ito. Mahal kita Emy.

Emy sorry kung naging torpe ako.

Emy, sana maging masaya ka kahit hindi tayo magkasama at magkikita simula ngayon. Sana mahanap mo yung taong pagsasabihan mo ng pangako mo sa harapan ng altar.

Emy, kahit sa kahulihuliang sandali tandaan mo na mahal na mahal kita.

Happy Birthday Emy!

-Robie-

---

Tinupad ko na ang nakatadhana sa akin. Ano masaya ka na, na naging laro ang tadhana naming dalawa?

UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon