Hh

39 2 0
                                    

Now playing: A Thousand Years

Bumukas ang pinto ng simbahan na nangangahulugang nagsimula na ang inaabangang kasalan.

Nagsimula akong tahakin ang kulay pulang daan. Sa bawat hakbang ko tanging musika lang ang nagbibigay lakas sa akin upang sabihin na tama ang naging pasya ko. Makukulay na mga bulaklak na nagpapahiwatig na makulay ang araw na ito. Hindi ako iiyak. Dapat maging masaya ako para sa kanya. Dapat ko siyang suportahan.

Puting mahabang damit ang suot niya. Tama si Emy. Ang ganda mo Emy, sobrang ganda mo. Ito na yung pinakahihintay mong araw ang makasal sa taong itinadhana sayo.

Pero pwede ba akong maging madamot sa oras na ito? Pwede bang isipin ko na para sa akin ang itinakdang kasal na ito? Na para sa ating dalawa ito? Na ako dapat yung lalaking maghihintayin sayo sa harapan ng altar, yung lalaking makakakita sayo sa hindi mo mapigilang luha sa pagiyak dahil sa sobrang saya at kaba at higit sa lahat yung una't huling babae na sasabihan ko ng pangako na I do at till death do us part.
Dapat ako yug lalaki na yun Emy. Dapat ako yung lalaking papakasalan mo ngayon.

Ako sana...ako sana yun Emy...

Pero hindi. Kasi ako yung taong nagaabang sayo sa harap ng altar katabi ng itinadhana sayo. Ako yung taong makakasaksi sa sandaling inilahad niya ang kamay niya sayo. Yung taong pagmamasdan ka sa tabi ng taong mahal mo sa sobrang saya.

Alam ko pinili ko ito. Sumangayon ako. Kaya ito ang naging tadhana ko. Kung sana sa umpisa pa lang hindi ko tinakbuhan ang mga pagkakataon na meron ako. Kung sana hinarap ko na lang at hindi ako naging duwag. Kung sana humakbang na lang ako papalapit kay Emy ng paunti-unti...edi sana ngayon hindi ako nagsisisi ng ganito...

Sa sandaling tumulo ang luha ko sa kakatitig sa inyo ay kasabay din nito ang pagkadurog ng puso ko sa kaganapan na iyon. Sinubukan kong punasan ang luha at tumahimik sa paghikbi ko pero wala akong magawa, kundi ang ipakita na talagang nasasaktan ako. Tumingin ka at tanging ngiti lang ang ipinakita mo sa akin. Siguro kasi nakita mo akong umiyak sa harapan mo, siguro talagang masaya ka lang sa araw na ito o kaya naman dahil nalaman mo na talaga ang totoong kasagutan sa pagitan nating dalawa.

Pero tanging kasagutan ko lang ngayon sa lahat ay ang salitang "ayaw ko na."

Ito na ang huli at hindi na muling mauulit pa.

UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon