--5 years after--
"Robie yung promise mo wag mong kalimutan ok?"
"Jules, matanong nga kita, bakit ako pa yung pinili mong best man mo? Wala ka bang bestfriend?"
"Sabi ko nga sayo ikaw ang bestfriend ko ang kulit mo naman"
Sa tuwing naguusap kami ni Jules lagi kong naaalala si Emy sa kanya. Parehas silang makulit lagi na lang pinipilit ang gusto. Kamusta na kaya yung babae na yun?
"Ok fine, pero wag kang magexpect masyado nasa New York ako next week for business proposal ng new project natin."
"Sabi mo yan dude! Good luck na lang kasi next week uuwi na akong Pilipinas excited na akong makita siya."
"As if excited din siyang makita ka haha!"
5 years na ang nakalipas at uuwi na rin ako sa Pilipinas kung hindi lang dahil sa kasal na yan. Pero okay na iyon at least hindi ko pa talaga nakakalimutan kung saan talaga ako nanggaling.
Speaking, hindi ko pa kilala kung sino ang papakasalan ni Jules ultimo pangalan niya hindi ko alam. Di bale makikilala ko naman next week.
---
-Jules calling-
"Hello"
"Dude! Kelan ang dating mo dito sa Pilipinas?"
"Sa sunday evening nandyan na ako."
"That's good, buti at tumutupad ka sa usapan natin haha!"
"tss..parang hindi naman matutuloy ang kasal mo kung wala ako, hindi naman ako ang pinakaimportante sa event kundi ang groom at bride."
"dude naman! Lahat importante sa event na iyon at isa pa magiging masaya yung araw na iyon kung makukumpleto lahat lalo na siya."
Minsan iniisip ko kung baliw talaga si Jules o sadyang tanga lang siya. Syempre magiging masaya kung kumpleto lahat pero yung lalo na siya? Nakakapagtaka kung sino siya. Ako kaya ang tinutukoy niya? Ang gulo.
---
Sunday Evening
(Room 508)Look, finally I'm here. Sa tinubuang bansa kung saan ako galing. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para bumalik dahil sa totoo lang hindi pa sana ngayon ang tamang panahon para bumalik ako dito.
Si Emy. Lagi na lang si Emy ang naaalala ko. Hanggang ngayon hindi ko parin maalis siya sa puso ko. Tanga at torpe kasi ako kaya sa sulat ko lahat tinapos. Paano kaya kung magkikita pa kami, anong mukha ang ihaharap ko sa kanya..May kumatok sa pinto kaya agad kong binuksan.
"Welcome home Robie haha! teka isara natin agad yung door baka mamaya mahanap niya ako haha.."
"tss..sobrang saya mo ata at nakuha mo pang makipaglaro ng taguan at sa lungga ko pa ang napili mo."
"Haha! sabi ko kasi sa kanya paunahan kami makahanap ng room kung saan ka pero wala eh! Ako nanalo.."
"At sinali mo pa ako?"
"Robie naman, mukhang nagsisisi ka at umuwi ka dito sa Pilipinas for the sake of my wedding..wag naman ganun dude!"
"Sorry marami lang akong iniisip."
May kumatok ulit sa pinto, sana ang magbubukas kaso inunahan ako ni Jules at sabay sabi niyang...
"Patay! Nahanap niya na rin yung room haha! As expected gusto ka niya talagang makita dude..nagseselos na tuloy ako..just kidding.."
Ewan ko kung matutuwa sa sinabi ni Jules. Ako gusto niyang makita? Para saan? Sa minutong ito pangalan lang ni Emy ang binibigkas ng isip ko..
"I knew it! Masyado kang madaya Jules, don't worry nahanap ko naman yung room sa pamamagitan ng kakayahan ko haha!"
"Congratulations Emy haha!"
"Thank you..asaan na siya? tumabi ka at atat na akong makita siya.."
Emy? Tama ba ako? Si Emy ang taong naririnig ko at kaharap ko ngayon? Bakit? Bakit ngayon pa? Pinagtagpo nanaman kami. Pinaglalaruan nanaman kami ng tadhana. Ano ba ang gusto mong mangyari?
●Kelan ito matatapos at kelan magiging maayos ang lahat kung paulit-ulit kaming bumabalik sa nakaraan?
BINABASA MO ANG
Unwritten
Short StorySa mundo na madaya at sa tadhana na mapaglaro, pagtatagpuin padin kaming dalawa upang tuldukan ang nakaraan at tapusin kung ano ang aming nasimulan. -funnySoul-