Ii

50 2 5
                                    

(Reception)

"Jules, saan ka pupunta?"

"Sa veranda kakausapin lang si Robie."

"Maghihintay ako dito tawagin mo na lang ako pagtapos ka ng kausapin siya, gusto ko siyang kausapin."

"Of course my beautiful wife, I know that this is your moment to be with him."

----

"Yow dude!"

"Pwede na ba akong umalis Jules?"

"Ang bilis naman ata? Saan ka naman pupunta?"

"Babalik na sa New York.."

"Teka lang dude! Hindi mo pa nga nakakausap si Emy ng matino aalis ka na agad?"

"Jules, ayaw kong makasira ng moment ng iba.."

"Bakit inimbita ba kita para lang masaktan? Hindi naman di ba, inimbita kita kasi parte ka ng importanteng kasal na ito at may unfinished business kayo na kelangang tapusin. Kaya huwag ka ngang magdrama dyan Robie!"

"Jules, ano pang papel ko dito..tapos na at hindi ko na kelangan patunayan sa sarili ko na tanga talaga ako."

"Robie, lahat ng tao sa mundo tanga..kaya hindi ka nagiisa ok."

"Pero Jules..."

"No...tonight you're going to confess everything in the past with my wife..kasi mas lalo kang masasaktan Robie kung itatago mo pa yan..stay here at tatawagin ko na si Emy..good luck dude!"

---

Sh*t! Siguro tama si Jules..kelangan ko ng aminin lahat tungkol sa nakaraan para hindi narin ako masaktan..arrghh! Anong mukaha ang ihaharap ko ngayon kay Emy?..

"Robie"

Isang boses na malambing mula sayo, hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero sigurado akong masaya ako kaya hindi ako nagalinlangan na lumingon sayo.

"Emy"

"Walanghiya ka! After 5 years ngayon ka lang nagpakita. Kung saan saan kaya kita hinanap at si Jules pa ang nakahanap sayo..ang nakakainis pa bestfriend ka rin ng mokong na yun..arrghh! mangaagaw talaga siya.."

"Sorry" yan lang tanging nasagot ko sayo pero hindi ko inaasahan ang biglang pagyakap mo sa akin ng kayhigpit"

"Bakit ka nagso-sorry? Wala ka naman kasalanan, ako dapat ang magsorry Robie kasi hindi ko napansin at naramdaman."

Tinitigan ko siya at sinabing "hindi Emy, tanga kasi ako kaya naging torpe ako na sabihin ang totoong nararamdaman ko. Natatakot kasi akong mabago lahat sa ating dalawa kaya nagdesisyon akong tumakas at itago lahat sayo."

"Robie, wala kang kasalanan..hindi mo naman sinadya at hindi mo naman ginusto lahat ng nangyari sayo...sa ating dalawa. Nagmahal ka lang. Pero nasaktan kita kaya ako ang dahilan ng lahat kung bakit hanggang ngayon nahihirapan ka."

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagiyak pati na rin si Emy...Sa limang taon na pinalagpas namin ito na siguro ang tamang panahon at totoong nakatadhana sa aming dalawa.

"Emy pwede ko bang ipagtapat ang totoo kahit alam kong huli na ang lahat?"

"Why not Robie..gusto kong marinig mula sayo ang totoong nararamdaman mo sa akin."

Huminga ako ng malalim, ngumiti at nagsimula na akong magsalita.

"Ako si Robie ang nagiisang tagapagtanggol mo at hindi magsasawang iligtas ka. Maganda ka Emy kahit na lagi kitang inaasar na pangit at piglet. Walang araw na hindi kumupas ang ganda mo sa mga mata ko. Yung araw na nasa harap tayo ng altar sa simbahan hindi ako tumigil na sambitin na sana pagtagpuin tayo ng tadhana para tayo na lang. Na sana bigyan niya ako ng lakas para ipagtapat sayo yung totoong nararamdaman ko. Mahal kita Emy at hindi ako titigil na sabihin sayo na mahal na mahal kita. Hayaan mo akong maging madamot sa pagkakataon na ito, kahit ngayon lang sa harapan mo. Emy, ako sana yun...yung lalaking kasama mo sa altar at kasama mong sambitin ang pangako ng walang hanggan. Ako sana yun Emy. Sana ako na lang. Ako na lang sana yung minahal mo. Ako na lang sana yung pinakasalan mo. Kasi mahal kita Emy kahit huli na ang lahat sa ating dalawa."

Wala na akong nagawa kundi ang yakapin si Emy. Gumaan na ang pakiramdam ko kasi nasabi ko na sa kanya lahat.

"Salamat Robie..hindi ko man masuklian yung nararamdaman mo para sa akin pero hindi naman ako magsasawang makinig sayo..di ba bestfriends tayo..nandito lang ako..tatandaan mo hindi ako galit sayo at kahit kelan hindi magbabago ang relasyon nating dalawa kahit nalaman ko ang totoo mong nararamdaman para sa akin. Hindi man kita pinili pero kahit ganun ang nangyari sana hindi mo ako ipagtabuyan."

"Haha..mahal kaya kita kasi hindi ka basura para ipagtabuyan. Kung gagawin man sayo ni Jules yan, huwag kang matakot kasi sasaluhin parin kita..nandito pa ako na nagmamahal sayo."

"Robie, may mas karapatdapat sayo at mas higit pa sa akin para mahalin ka ng buo. Hindi lang ako ang babae sa mundo, hindi lang ako ang nagiisang Emy at hindi lang ako ang nagiisang may ugali na katulad sa akin..marami kami pero nasa ibang tao ang para sayo..kelangan mo lang siyang hintayin at hanapin. Kasi may nakatadhana sayo ng tama..Ako yung mali na linya na napuntahan mo kasi hindi mo pa nadadaanan yung linya na tama. Pero ngayon na naayos na ang lahat naniniwala akong malapit na siya at magkikita na kayo, malay mo mamaya o sa susunod na araw basta kapag nandyan na siya huwag mo na siyang pakawalan, huwag ka ng tumakas tulad ng dati at huwag mo ng isara ang puso mong magmahal."

Ngumiti ako kahit pilit lang..kahit masakit parin..kahit tanggap ko na..kahit huli na. Wala akong magagawa kasi mahal ko si Emy.

"Excuse me, ayaw ko man kayong istorbuhin pero hinahanap na kasi ang pinakamaganda kong asawa."

"Jules!"

"It's okay, ayos na ang lahat dude."

"Robie?"

"What? Ayaw mo bang sumama sa asawa mo? Then itatakas na kita ngayon pa lang Emy."

"Dude, hindi na pwede nakatali na kami sa isa't-isa too late for you to take my beautiful wife."

"Just kidding dude..talagang sayo na siya basta ipangako mo lang na huwag mo siyang sasaktan at papakawalan dahil anytime pwede ko siyang agawin sayo."

"Of course..hindi ko hahayaan na agawin mo ang asawa ko haha..let's go wifey.."

"I'll see you soon Robie."

"Yeah! see you soon Emy."

Bago pa siya tuluyan na umalis ay inulit kong sabihin ito sa kanya..

"Emy hindi ako magsasawang banggitin na mahal kita."

Unrwitten ang tawag sa kwento naming dalawa..siguro may mga bagay talaga na hindi pwedeng isulat sa buhay namin dahil kahit anong ayos at tama ang gawin mo mali parin ang kakalabasan nito. Kaya tama na kami lang ang makaalam sa kwento namin at tama lang na hindi kami ang itinadhana para sa isa't-isa.

Katapusan ng lahat pero walang hanggang simula ang nagaabang.

(End)

-funnySoul-

UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon