Part 3

331 12 3
                                    

Part 3

Bunso's POV

Ako nga pala si Mary Rose. I know i know, ang ganda ganda ko, este ng pangalan ko pero they are calling me "bunso".

Wala eh, nakasanayan na kasi. Pero sa ganda ganda ng pangalan ko, yung ate kong kontrabida tinatawag akong negra, akala mo naman kung sinong kaputian. Hmp!

Pero back to the story, I am one of Mich's bestfriend. Bestfriend ng kaibigan kong torpe! Hahaha!

Oo torpe yan si mich eh. Haha!

Yes, alam ko yung totoong nararamdaman ni Mich. I know her well.

Kung bakit nga ba hindi niya magawang sabihin yung nararamdaman niya kay John?

Kasi.....

Kasi.....

Hmm.. Bakit nga ba?!

Sa tingin ko, kaya hindi niya maamin kasi magbestfriend din sila ni John because ayaw niyang magkaroon ng awkwardness sa friendship nila pag nag confess siya.

Sige, kayo ba kaya niyong sabihin sa bestfriend niyo na may gusto kayo sa kanya?!

Di ba hindi?

Kasi truth is,  nakakatakot.

Na baka lumayo yung isang tao na napakahalaga sa iyo.

Na baka hindi kayo parehas ng nararamdaman.

Na baka may iba siyang gusto

Na baka hindi ka niya gusto tulad ng nararamdaman mo.

Na baka masayang yung pagkakaibigan niyo na matagal niyo ng iningatan.

Kaso ang mahirap pa niyan, nagawa mo na lahat maparamdam lang sa kanya na gusto mo siya, pero siya, hindi mo alam kung sadyang makapal lang balat niya kaya wala siyang maramdaman o sadyang mahid lang talaga siya!?

Di ba ang hirap?

I'm sure naranasan rin ng iba sa inyo ang ang nararanasan ng bestfriend ko.

Kawawa naman si mich. :----(

Anyway, nandito ulit kami sa labas. Kumakain ng bubog. De biro lang.

Nakakaboring talaga kapag bakasyon.

"Tara laro tayo?" -sabi ni Joan

"Anong laro?"-sabi ni Anne

"Tell me! Yan ang laruin natin dali." sabi ni Erica

"Hay nako bebe ko, ano nanaman yang naisip mong laro?" sabi ni Saro

"Ewan ko sayo unggoy ka! Tigil tigilan mo ko ha!" -sabi ni Erica

"Pst john tulala oh." sabi ko kay John na tulala habang tinuturo si Mich na nakatulala rin.

"Hu-huh? Oo nga. Sige kausapin ko. Te-teka." nauutal na sabi ni John.

Anong meron? Tulala day ba ngayon at puro sila nakatulala?

Nakakaloka.

"Babe?" sabi ni John ng biglang mag ring ang cellphone ni mich.

*kring kring*

"Uhm, babe wait lang ha?"

[ Hello? Talaga po mommy?! Sino po? Really?! Si Ceejay?!!! Ohmygoodness! Sige po. Bye. Iloveyou po mommy! Take care! ] -sabi ni Mich sa kausap niya sa phone.

Hmmmm. Si Ceejay?

Teka.

San ko ba narinig ang pangalang yan?

Cee......jay?

"Mich, sino yan?"sabi ko.

Pano ba naman, lahat kami nagtataka kung sino yung ceejay. Ang lakas kaya ng boses ni mich nung kausap niya yung sa phone.

Pag tingin ko kay John ayun, may something sa aura niya.

There's something... here.

"Ah! Si mommy yung kausap ko." nakangiting sabi niya.

Teka, malungkot 'to kanina ah? Bakit  naging masaya bigla?

"No, what we mean is, who's that Ceejay?" -sabi ni ate anne.

"Ahhhh, akala ko naman ang tinatanong niyo kung sinong kausap ko! Hahaha! Si Ceejay, yung kababata ko."

Ang saya saya ng mukha ni mich. I am happy seeing her happy, pero parang may iba.

"Ahhh, so what's with that Ceejay? Parang ang saya saya mo eh." -sabi ni Joan.

"Teka, kailangan magkakadugtong-dugtong yung mga tanong niyo? Hahaha! Wala lang na-miss ko lang si Ceejay kaya ganon. Magbabakasyon daw siya ng 2 weeks dito sa bahay namin, he will be my guardian daw pansamantala kasi ang mommy at daddy ay may business client sa baguio and they will be spending their vacation nadin daw dun sa baguio." sabi ni Mich.

"Ay babe, ano nga ulit ung sasabihin mo kanina? "sabi ni Mich kay John.

"Ahhhh, wala yun babe! Sige uwi muna ako ha? Nahihilo kasi ako. Sige bye! Text kita mamaya. Pahinga lang ako." - sabi ni John

"Sige byeeee babe! Iloveyou!" pabirong sabi ni Mich

"Si-sige. Iloveyoutoo." at kumaway na pauwi si John

"Anong nangyari dun?" sabi ni Mich

"Ewan ko. Pero I think I want to eat jelly ace."

"Hahaha! Sige tara bili tayo. Libre ko."-sabi ni Mich

"Yey jelly ace! Tara!" sabi ni Erica

"Hay nako bee saging, ewan ko sayo. Tara bili tayo." sabi ni Saro

Something is.... wrong.

I need to do something.

xxxx

A/N:

Musta po ang saging at unggoy loveteam? Hahaha!

Eh ung JELLY ace ni Bunso, masarap kaya?
Anong nangyari na kaya kay John?
Sino kaya yung Ceejay na yun?

Hmmmm.

Please like, vote and feel free to comment :)

Thankyou everyone!
-Ella ♡

Manhid si crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon