Part 2

412 14 0
                                    


*tooooot toooot*

Yaaaaaaaawn.

Sino ba 'to ang aga-aga magtetext. Hirap pa naman ako makatulog kapag nagising ako ng wala sa oras.

Pambihira.

Fr: Joan
Mich, imessage mo nga sila. Sabihin mo na magjogging tayo. Nakakatamad kasi. Hindi na ko makatulog -_- Thank you! :*
-end-

To: Joan
Aga aga nambubulabog kaaaaa. Oo na, hindi na rin naman ako makakatulog eh. -_-
-sent-

Fr: Joan
Sorrrry na. Thank youuuuuuu! :)
-end-

Time Check: 4:30 am

I-group message ko nalang para isahang message lang.

To: Anneeeng, Seeeng, John, Joan, Eri-cat, Saro-dog.

Goooodmooorning! Mambubulabog lang ako. Tara jogging daw sabi ni Jo. Ang late manlilibre ng breakfast! Hahaha!

GM. #MsC #crush :)

*toot toooot*

Fr: John
Naks aga ah? Hahaha! Goodmorning babe! Sige papunta na kami. By the way, sino yung crush na nasa hashtag mo? :)
-end-

To: John
Goodmorning babe. Oo nga eh, kelangan maaga no! Hahaha! Baka magalit si Joan, napagutusan lang ako. Hahaha!

Yung crush? Sino pa ba? Syempre IKAW! :)
-sent-

Oh diba? Pagpabiro lang, ayos lang. Walang problema basta go with the flow.

*toot tooot

Fr: John
Hahaha! Ang aga-aga bumabanat ah? Crush din kita ;)
-sent-

Shemaaaaay. Ang aga aga ang harot harot namin?!

Ganyan lang kami lagi, crush kita, crush din kita.

Kung pwede ko lang sabihin na 'Totoo yung sinasabi ko. Wag kang manhid pwede?'

Eh di sana nasabi ko na, kaso hindi eh. Hindi ko kaya.

@/the Mini Stop.

Nagtataka ba kayo kung bakit nandito kami sa ministop? After namin magjogging dito kami dumaretso. Kaya naman kasi naming lakarin to eh, totally hindi naman siya kalayuan kaya kaya namin.

Oh diba? Buena mano pa kami sa Ministop ngayon! Hahaha!

Kaso wala pala akong perang nadala.
Ohmygoodness!

"Oh, mukha kang nalugi dyan ah?" -sabi ni Bunso

"Wala kasi akong pera! Di kasi sinabi ni Joan na mag ministop tayo eh." pagrereklamo ko.

"Hahaha. Sorry naman. Biglaan ding nagkayayaan eh." sabi niya.

"Nako babe smile ka na. Sagot kita okay? Akong bahala sayo."sabi ni John.

Wag ka nga! Enebeyeeeen.

Aga aga pinapakilig ako nito.

"Ikaw talaga babe, sige kaya mahal kita eh." sabi ko ng pabiro.

Ayan naman. Mahal naman ang sinabi ko ngayon.

Tapos ang isasagot niya sakin ay "Mahal din kita"

Oh ano?

Pustahan?!

Ayan na.

Magsasalita na siya.

"Basta ikaw babe, mahal din kita eh." sabi niya.

See?

Sabi na sainyo eh.

Haaaays.

"Tama ang kati na!" -sabi ni Joan

"Oo nga! Gosh na gosh! Nakakainggit." -sabi ni bunso.

"Nako negra! Magtiggil ka, landi landi mo."-sabi ni anne

Habang nakain ng hot chocolate at cup noodles...

Syempre libre lahat ni.......Saro! Hahaha! Late kasi siya kanina eh. Yan tuloy.

At pinag-awayan pa nila ni John kung sino ang manlilibre sakin -_-

Kasi ganito yon.

| Flashback |

"Oh, unggoy ka! Ikaw manlibre samin! Palate late ka jan, buti nga sayo!"sabi ni Erica

"Ikaw saging, pwede ba? Wag mo na akong talakan? Oo na, libre ko na nga. " -sabi ni Saro

"Hoy unggoy ka talaga! Bakit naman saging ang tawag mo sakin?!"-sabi ni Erica

"Sabi mo, unggoy ako. Eh ano bang gusto ng unggoy diba saging?"

"Ano kikiligin na ba ako? Pakisabi naman para aware ako.Alam mo, ang aga-aga ang corny mo."

"Teka saro, ako na manlilibre kay Mich." sabi ni John bago pa muling makasagot si Saro kay Erica.

"Nako, ako na. Alam mo naman na rules are rules diba?" -sabi ni Saro

Yes, rules are rules. May rules kasi kami na ang consequence ay dapat gagawin lang ng matatalo.

Kaya ayan, dapat si Saro lang ang manlibre pero si John nagpupumilit, eh may parusa kapag dun sa talo, kapag may manlilibre na iba.

Nakukuha niyo pa ba?! Hahaha!

Kasi ganito yun, ibig sabihin, may iba pang parusa si saro if ever na may ibang manlibre. Eh ililibre ako ni John, kaya ayan may parusa ulit siya.

Kawawa naman hahaha!

| End of Flashback |

"Babe kawawa naman si Saro kanina. Ikaw talaga." sabi ko.

"Nako babe, bayaan mo siya, diba ang sabi ko sayo ililibre kita? Kaya ayaw ko lang ibreak ung sinabi ko sayo." -sabi naman ni John

"Ang sweet niyo ah. Bakit kasi hanggang sweet nalang kayo? Bakit ayaw niyo totohanin yan ?" -sabi ni Joan.

"Ay nako, wag mo na silang pakialaman. Atleast libre tayo magpakagat sa mga langgam everyday diba?" -sabi ni Anne

xxxx

A/N:

How's the 2nd chapter? :)
Keep reading guys! :)

-Ella ♡

Manhid si crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon