Part 6

257 6 0
                                    

Part 6

Nasa SM ako with ceejay! May bibilhin daw kasi siya and para makapag-ikot narin daw.

Hindi na nga rin kasi ako masyadong nakakasama kay na John, mga 3 or 4 days na.

Inuuna ko muna ngayon si Ceejay kasi ilang taon na kaming di nagkasama at 2 weeks lang siya dito sa Pinas huhu kaya sabi ni Mommy na wag ko daw pabayaan si Ceejay.

And I know maiintindihan naman nina John yung side ko.

Nasa department store lang kami, namimili ng kung ano ano. Naghahanap rin kasi si Ceejay ng pasalubong kay na tita at tito.

Close ang parents ko at parents ni Ceejay lalo na nung nandito pa sila sa Philippines noon. Naalala ko pa nga nung niloloko kami na dapat kami daw ang makatuluyan, knowing na elementary pa kami noon.

Seeeee? Sobrang close ang family namin at family niya.

Her mom is my mommy's bestfriend.

Ceejay is my first bestfriend. Hindi kami nawalan ng connection kahit ngayon pero dahil sa busy kami parehas, madalang nalang kaming magkausap.

And he also said that one of the reasons why he came to visit Philippines is to see me.

Maybe he just missed me. Ceejay is my bestfriend and also my kuya. He always saves me lalo na noon kapag may mang bubully sakin sa school.

"Hon, let's buy this one, para sa anak natin." sabi ni Ceejay.

What?!

Hon?!

Anak?!

Nababaliw na ata si Ceejay!

Nandito kasi kami sa department store namimili lang ng kung ano ano ng bigla siyang magsabi na bumili daw kami ng damit ng anak daw namin?!

"Chelle, makisama ka nalang." sabi ni Ceejay sabay kindat.

Ohmygoodness. Feeling ko ang pula pula ko.

"Ano ka ba naman hon di bagay yan, mas bagay 'to oh." -sabi ko habang pinipili yung mas cute na damit.

Ang lakas parin talaga ng trip nito. Akala mo di ko sasakyan yang trip ml ha hahaha!

"Hay nako hon, mas bagay tayo." sabi niya.

Sasapukin kita mamaya Ceejay!

'Ay mag-asawa na pala sila? Ang sweet naman'

'Akala ko single lang si kuyang pogi yun pala taken na, pero at least bagay sila'

'Ang sweet'

'Ang cute siguro ng baby nila'

Pagtingin ko sa paligid namin, may mga tao akong nakikita na insecure, sino ba naman ang hindi 'e ang gwapo ng kasama ko, tapos yung iba naman nasweetan sa amin.

Kaya hinila ko na agad si Ceejay sa foodcourt para kumain, tsaka pinagtitinginan na kami ng mga tao doon no!

Nakakahiya kaya! -______-

"Hoy ceejay, ano ba namang trip mo at natawag tawag mo akong hon? At may anak pa ha?! Mukha na ba akong nanay?!" sabi ko.

Nakaupo kami habang kumakain. Ang dami naming pagkain swear! Pizza, fries, burger and such.

Inaamin ko matakaw kami pareho pero sa dami niyang inorder, para kaming hindi nakakain ng isang linggo.

"Hahahaha! Eh kasi naman yung mga tao dun kanina puro nakatingin sa atin kaya ayun, naisipan ko lang na gawin yun haha!" sabi niya.

"Ewan ko sayo. Abnormal ka parin talaga."

"Hahaha. Ang cute mo nga kanina eh, parang kamatis! Haha!" sabi niya.

Pambihira!

"Pahinging tubig!"

Agad naman niya akong inabutan ng tubig.

Nabulunan ako dun. Bwisit talaga 'to.

Sumeryoso siya bigla at tumingin lang ng diretso sa mata ko.

Ngayon naman hindi ako mapakali.

Ano bang trip nito?!

I grabbed the shake in front of me.

Napapalunok nalang ako.

Mukhang seryoso kasi yung sasabihin niya.

Ng biglang......


*Pluuuuuuuuuuuuuush*

Manhid si crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon