Chapter 1

19 2 0
                                    

Hi! Hello! Hi! Hello! Aishh tama na nga. Hayss, balik eskwela nanaman. Nung bakasyon, sabi ko sa sarili ko gusto ko na pumasok. Pero bakit ngayong m pasukan na, binabawi ko na yung linyang "gusto ko na pumasok".


"Kiaraaaa! Hindi ka pa ba tapos magbihis?? Aba, unang araw ng pasukan late ka......." Ayan na ang bunganga ni mama ^_^. Hindi ko na pinakinggan yung mga sumunod na sinabi nya, kasi bumaba na agad ako.

Kumakain na kami ngayon. Ayy! wait, papakilala ko muna sarili ko. Baka makalimutan ko pa ehh >_<

Ako nga pala si Kiara Marie Reyes. 15 years old, a 4th year high school student. Section 1 at block section kami, so yung mga kaklase ko noon kaklase ko nanaman ngayon ._.

Mamaya na yung iba pang detalye about sa akin. Baka ma late na ako, first day pa naman.


--------------------

School

Hayss! Buhay estudyante nanaman. Masisipag na ko Hhahahahahaha ^____^


"Kiarraaaa" nandyan na yung mga kaibigan. 


"Namiss nyo ako?? Kayo talaga nag abala pa" hhahahahaha.


"Hindi ahh!" sagot ni bea, kaya nag poker face ako.


"Joke lang naman. Syempre namiss ka namin" oh! Diba natakot. Hhahaha dejoke lang. Ganyang lang kaming nagkakaibigan. Kaya mahal na mahal ko sila eh.


"Oh sya. Halika na, akyat na tayo papunta sa room natin. Excited na akong makita mga pagmu muka nila, titingnan ko kung may nagbago kahit onti hhahahahahaha" baliw talaga 'tong si Michelle. Mahilig mang asar.


"Kumpleto na ba tayo??" nagbilang si Bea saglit. "Ok na! Kumpleto na tayo" sabi nito matapos mag bilang.



Mukang Good ang Morning ko. Ang saya talaga pag kasama mo KAIBIGAN mo.



--------------------

Room


"Hi guys" pambungad ni Klariza sa mga kaklase namin ng maka punta na kami sa room.


"Hello" sabay at masiglang bati naman ng mga kaklase ko.


"Upo na tayo dun sa dulo" pagyayaya ni Arwen sa amin


"Geh" tch. Tipid talaga sumagot ni Cristine.


Papakilala ko sa inyo mga kaibigan ko. Tutal wala pa naman yung teacher namin.

Ang pinaka Bestie ko ay si Bea Bianca Santos, nickname nya ay Bea. Nakilala ko sya nung Elementary palang kami, tapos naging Bestfriend ko sya. Alam nya yung mga secret ko like crush. Hhahahahahaha! Si Bea ay maliit, friendly, malaki mata JOKE lang, matalino (syampre kaya nga nasa section1 eh), tsaka marami pa. Sya yung tipo ng tao na madali mong kaibiganin.


May grupo kaming magkakaibigan. FG= Fantastic Girls. Ganda nohh! 10 kami dun grupo, sina Bea, Klariza, Michelle, Kaye, Arwen, Jessa, Karylle, Cristine, Janine at ako syempre. Mahigit 3 years na yung grupo namin. Syempre Fg yan eh, hindi mabubuwag.


May isa kaming kaibigan nag transfer. Pero kahit sa iba na sya nag aaral, hindi nya parin kami kinakalimutan. Si Jessa yun.


Si Michelle Ann Cruz naman. Sya yung leader namin. Sya yung parang nanay namin sa grupo. Sya din ang pinaka matalino sa amin. Mabait yan sa mabait pero naku kapag inaway mo yan, LAGOT KA! Hhahahahaha nakakatakot kasi yan magalit. Sigaw palang lusaw ka na.


Si Klariza Castro o Klang. Oo, klang nasanay na kasi akong tawagin sya sa ganung pangalan. Sya yung pinaka bestfriend ni Ate Michelle. Matalino, Maganda (pero mas maganda parin ako) hhahahaha charottt^__^ Mabait din sya. Yan nalang, wala na akong maisip.


"Good Morning Class" saktong pag tapos ko sa pagpapa kilala kay klang ay syang pag pasok naman ng teacher namin.


"Good Morning Ma'am?" Patanong sa sabi namin sa teacher namin. Syempre unang kita palang namin nun. Malay ba namin sa pangalan nya.


"I'm Evangeline Sollera your adviser" hayss sa wakas, nagpakilala na rin si ma'am.


"Good Morning Ms. Evangeline Sollera" pag ulit na pag bati namin. 


"So, class. Alam ko namang magkakakilala na kayong lahat. Pero ako hindi ko pa kayo kilala. Pwede ba kayong magpakilala sa harapan isa-isa?? Tapos describe nyo narin sarili nyo para mas makilala ko pa kayo ng lubusan. Uhmm, umpisahan na natin." ang chaka ni ma'am, kelangan idescribe pa talaga sarili. Tch =___=


Nagsimula na magpakilala ang mga kaklase ko. Nakakairita mga dinedescribe nila sa sarili nila puro mga pagpupuri. Kotongan ko sila isa isa jan eh hhahahahaha syempre joke lang


Maka idlip nga muna medyo matagal pa naman ako eh, nasa dulo kaya ako. Byebye




Just a FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon