Elianna Demi Rodriguez
Ugh! Kanina ko pa hinahanap ang facebook ni Keanu at hindi ko makita! Kainis naman eh! Kahit hanapin ko sa mutual friend ni Rayna hindi ko rin makita. Spell nganga? E-L-I-A-N-N-A
Inabutan na ako ng 12 am hindi ko pa rin mahanap. Ughh! Feel me?
Ng vibrate naman yung iPhone ko at kinuha ko naman iyon sa gilid habang ang mga mata ko ay na sa laptop pa rin hinahanap ang Keanu Dela Vega sa facebook.
From: Miracle Jade Yu
Kyaaahh! Bitch! Pahanap ng panty ko! Nawawala! Bwahahahaha. NAGTE-TEXT SI KEANU SA AKIN!!!!!! PATAYIN MO AKO! PATAYIN MO!
Nalungkot naman ako sa text ni Miracle sa akin. Tiningnan ko naman inbox ko baka kasi ng text din siya at hindi ko nakita. Okay sige, ako na yung assumera.
Tsk. Kahit isang araw ko pa lang siya nakita, crush ko na siya eh! Tapos mag bubunga na to sa love, tapos malalaman ko din na love niya ako at tada! Meron kaming forever.
-_____________-
**
"Masyado kang pumapangit, Elianna" Salubong ni Kuya sa akin. Epal nito eh, sobra.
Umupo naman ako sa harap niya sabay kuha ng bacon. "Edz, hindi ako matutulog mamaya dito hanggang bukas ah? Malaki ka na, kaya mo na sarili mo"
"K fine" Hindi na siya nagsalita. Ganyan naman palagi yan eh. Palagi nag sle-sleep over sa bahay ng kaibigan niya. Samantalang ako 18 years old na, kahit sa bahay nina Miracle o Rayna hindi pwedeng matulog. Girls! Feel me? Ughh.
Why they're calling me Edz? Simply, E for Elianna and D for Demi and yung z sa last letter ng surname kong RodrigueZ para daw maganda pakinggan. Edi sila na!
Naligo naman kaagad ako at eto! Na sa living room lang nakahiga, nanunuod ng tv at wala na. Ang boring talaga. Kainis lang
Makabili nga ng makakain sa labas. Pinatay ko muna yung TV at kumuha ng pera sa taas. Paglabas ko ng gate nakikita ko ang forever ko. Nakatambay sa sari sari store sa harap ng bahay namin. Inayos ko naman ang buhok ko at pahinhing binuksan ang gate namin. Lumakad naman ako palapit sa sari sari store.
"Ah Ate pabili nga ng canton" Sabi ko. Oh diba! Dapat sa labas ako ng subdivision bibili eh yung naluto na, pero in the name of love dito ako napunta dahil andito si love of my life ko.
"Hey Elianna" Tawag nito sa akin. Pinigilan ko namang kiligin. "Uy, andiyan ka pala" Tumango naman siya at ngumiti.
"Sino kasama mo?" Tanong ko. "Wala, umalis kasi si Rayna magde-date" Tumango naman ako. Ganyan kasi si Rayna, palaging umaalis. Hahaha.
Eh tayo? Kelan mag de-date? Sabi ng isip ko. Bwahahaha. Ang ganda kong malandi diba?
"Sige Keanu, pasok na ako ah?" Paalam ko sa kanya. Tumango naman ito "Sige, hinihintay ko si Miracle eh" At pilit naman akong tumango.
-_______________-
Sabi na nga ba na sa labas na lang ako bumili eh. Kainis naman yun! Binuksan ko ang iPhone ko at wala talagang text eh! Ang unfair naman nun. Pagpasok ko sa main door "Ahhhh!" Sumigaw naman ako dahil sa inis. Kainis diba? Kainis lang-____-
Unfair naman ng life!
Bagay kami eh! Bagay kami. -________-
"Letcheng canton ka" Sabi ko habang niluluto ang canton na to.
"Letcheng canton ka talaga" Sabi ko pa habang tinutusok tusok ito.
"P*ta ka talagang canton ka" Habang tinutudtod ko naman ito. Ehh! Naman eh! Kainis eh!
Matapos kong kainin ang kawawang canton, nanunod ako ng movies at ayon nakatulog.
Nagising ako 7pm na. -____-
Talaga naman eh. Instead na buhay prinsesa ako, ayun nilayasan ako ng kapatid ko. So eto ako ngayon, lalabas at kakain sa labas ng subdivision. -___-
Paglabas ko at tadaaa! Andiyan na naman siya sa sari sari store. Kainis eh! Kahit naka plain white shirt lang siya ba't ang appealing niya? -____-
Crush ko nga siya eh! Naniniwala kasi ako sa love at first sight.
"Hoy Edz!" Nabigla naman ako sa sumigaw sa tabi ko. Epal talaga nito. Hahahaha jk.
"Saan punta mo?" Tanong ni Miracle "Kakain, wala si Kuya eh" Tumango naman ito at ng cling sa braso ko.
"Tambay ka muna, samahan natin si Keanu" Emegesh, kinilig naman ako bigla. Lumakad naman kami ni Miracle palapit ky Keanu.
"Hi Elianna" Sabay ngiti ni Keanu sa akin. Omg! Panglaglag panty talaga. Puputing at pantay pantay na ngipin, lips na mapupulu na parang babae, matangos na ilong at mga brows na pang lalaki talaga, ang jawline! Ughh! Pak na pak! Ang sarap.
"Tulala ka naman eh" Natauhan naman ako sa batok ni Miracle sakin. "Quota ka na ah?" Pagbabanta ko sa kanya, ng peace sign naman ito.
"Wala pa rin ba si Rayna?" Tanong ko. Umiling naman ito habang busy sa iPhone niya.
Since nakayuko siya at si Miracle busy din sa phone niya, tinitingnan ko na lang siya. Bwahahaha. Dumadamoves ako, ano ba! Ene be!
"Free umupo bitch" Sabi ni Miracle sa akin. Meron kasing parang picnic table at upuan dito sa labas ng sari sari store. Umuupo si Miracle na nakasandal sa wall at yung dalawang paa niya na sa upuan naka stretch.
"Saan naman ako uupo kung ganyan yung posisyon mo?"
"Edi sa tabi ni Keanu!" Tiningnan ko naman si Keanu at tumango naman ito at ngumiti. Without hesitation, umupo kaagad ako. Ano ba! Chance to eh! Chance to. Bwahahaha.
Nagkwentuhan naman kaming tatlo, at ene be kenekeleg eke kepeg temetewe seye. Si Miracle lang naman kasi kwento ng kwento, tapos kaming dalawa tawanan lang. Oh diba! Bagay talaga kami eh.
Hanggang sa ng 10pm na at hindi ako nakapag-dinner dahil ayaw kong umalis. Ughh! Kainis diba? Power of love talaga yun eh.
Nagpaalam na si Miracle na papasok na sa kanila dahil daw naghihintay yung manliligaw niya, yeah meron ng manliligaw yan. Pero ng ka-crush pa din, siyempre ako din nag pu-push sa kanya. Hahaha.
"Ah.. pasok na din ako" Paalam ko kay Keanu. I saw him pout! I saw him! I saw him!!!!!!!!! OMG!
"Did you eat dinner?" Tanong kaagad nito sa akin. Dali dali naman akong umiling! Na starstruck kasi ako sa mata niyang nakatingin sa akin!! Ughh!
"Let's go and eat. Wala pa din kasi ako eh" Aya niya. Napanganga ako ng slight "Eh?" Yan na lang ang sinabi ko.
"Just wait me here. Kukunin ko lang yung sasakyan" Dahan dahan naman akong tumango.
Kung pwedeng sumayaw sa saya gagawin ko! Bwahahahaha! Euphoria! He is my euphoria!
BINABASA MO ANG
Love On My Summer Days
RomanceAugust 03, 2015 | Part one | Short story/Teen fiction I thought my summer would be damn boring. BUT NOT! He lighten my black and white summer. Pumasok siya sa buhay ko ng walang paalam, ginulo niya ang maganda kong isip at puso, pinasaya niya ang...