"Ubeeer naman yang mudra mo Frend." sigaw ni Shems habang kinakalkal ang make-up kit ko. Andito kasi sila ni Jean sa loob ng kwarto ko. Sabado ngayon kaya walang pasok.
"Hindi naman kasalanan ni Tita Rea iyon. Diba matagal mo na din alam iyon Baks?" sabi naman ni Jean.
"Oo alam ko na. Pano ba naman kasi hindi ko pa nakikilala yang Reyson na yan." sabi ko at humiga ako sa kama.
"Reyson? Ay parang knowings ko yan Frend." humarap sa salamin at naglalagay ng eyeliner ang bakla.
"Reyson daw sabi ni Mommy. Kakilala mo ba Shems?" napaupo ako.
"Maniwala ka diyan kay Shems. Puro mga macho dancer lang ang kakilala niyan Baks Hahaha!" sabi ni Jean. Tumunog bigla ang phone niya. "Saglit lang sagutin ko muna ito." lumabas siya ng kwarto ko.
"Macho dancer pinagsasabi nun." sabay nguso sa kakaalis lang na si Jean. "Reyson.. May player na ganyan ang NU. Ano ba surname nya?" Tinigil niya ang paglagay ng eyeliner at humarap sa akin.
"dra... Haist nakalimutan ko yung surname niya. Oh? Basketball player ba??"
"Nah" umiling-iling pa si Shems. "Volleyball player ng Men's. Reyson Fuentes ang name niya. Siya yung kabarkada ng love of my life na si Peter Den Mar Torres" biglang kinilig ang bakla.
"Reyson Fuentes? Reyson Sa.. Saliendra yan yung fullname nung magiging asawa ko daw." Ang saklap i-emphasize nung "magiging asawa".
"O di hindi nga si Papa Fuentes. Buti naman kasi kung siya yung magiging boylet mo.." tumingin mo na siya sa akin from head to foot.
"Ano?"
"Waleey ka sa height nun. Hindi sa pang mamaliit ko sayo dear pero sa height mong yan siguro hanggang tuhod ka lang ni Papa Fuentes" tumawa naman ang gaga.
Binato ko naman siya ng unan. "Walang hiya ka talaga Chrismar! Ang OA mo naman. Haggang tuhod lang? Grabe ka! Ano ako isa sa 7 dwarfs ni Snow White?!" hindi naman kasi ako ganun katangkaran.
"Ssshhh. Chill lang Frend. I'm just telling the truth. Huwag ka na mag-alala hindi naman pala siya eh." Ngayon naman naglalagay ng blush on.
"WHATEVER! Makikilala ko rin si Reyson na sinasabi ni Mommy bukas." sana mabait siya.
"Taray! Pakilala mo rin siya sa amin ah." nag nod na lang ako.
"Paano na pala si Aldrich?" mahinang tanong ni Shems na tuloy pa rin sa paglagay ng kung anu-ano sa mukha.
"Hello! Matagal na kami wala nung BABAERO na yun noh!" pero mahal ko pa rin.
"Alam mo.."
"Hindi ko pa alam."
"Kung pinapatapos mo lang po kasi ako magsalita eh." hindi ko kasi siya pinatapos.
"Okie."
"Mas makakabuti pa nga yang arranged marriage mo. Makakalimutan mo na si Aldrich. Tapos kung yummy naman yang Reyson mo, pwede ka pang makaganti dun sabihin mo, 'Loko ka Aldrich kala mo naman forever na ako magpapakatanga sayo, haler naghanap lang ako ng mas yummy sayo!' O diba! Taray!" natawa naman ako.
"Sira ka talaga! Sana lang kamo mabait iyon, hindi ko kailangan ng yummy mas prefer ko yung mabait na hindi babaero." napangiti naman ako sa sinabi ko.
"Mabait na hindi babaero? Oy 2013 na ngayon hindi na po 1500. Kahit mga panget ngayon babaero na din."
"Malay naman natin meron pang natira hehe."
"Ewan..."
Bumukas ang pinto. "Tara alis tayo." yaya ng kakapasok pa lang na si Jean.
"Saan naman tayo punta Baks?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Mr. MVP is my Fiancé
FanfictionMy roles in life, crying over my ex-boyfriend even though he left me and getting married to someone that I didn't even met before. Of course, people didn't actually know we were getting married in the first place. It's just because of the non deadl...