E P I L O G U E

4.9K 89 3
                                    

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

1 year later....

Jovielle's POV

"MOMMY!!"

"ANG SAKIT!! ASAWA KO!! MOMMY!!" asan na ba mga tao dito??

Nakalimutan ko na, kakalipat lang namin sa bagong bahay namin kaya wala si Mommy dito. Huhuhu!

"Sino ang andyan sa baba?! Puntahan niyo ako dito sa kwarto! Betty!!!" kahit kasambahay namin wala din? Naku pag nalaman ko lang na nakikipaglandian ito sa driver ng kapitbahay namin, patay 'to sa akin.

"Ati!! Manganganak na po ba kayu?!" ang tanong ng magaling kong kasambahay.

"Hindi ko alam Betty!" Aray ano ba ito.. parang natataeng ewan ako. Where the hell is my husband?!

Si Betty naman tarantang taranta na. Hindi alam ang gagawin habang ako mamatay sa sakit ng tiyan dito sa kama. Medyo may pagkaabnormal din kasi ang babaeng ito.

"Hey, why are you still standing there?!"

"Ano ho iyon Ati?" sabi na sa inyo eh!

"Hay ewan! Aaaaraaay!" tumayo na ako kasi wala ako makukuhang tulong dito sa kasambahay namin, agad ko inabot ang phone ko at umupo rin ulit sa kama.

"Ati sinu tinatawagan niyo?" tanong naman ni Betty nang mai-dial ko ang phone number ng asawa ko.

"It's none of your business!! I-ready mo na lang ang gamit ko nang pagkadating ng Sir mo makaalis na agad kami papuntang Ospital." Agad namang umalis ito at kumuha ng bag.

Answer your phone please. Asawa ko! Sobrang sakit na talaga, naninigas ang tiyan ko at hindi ko alam kong papano ko iindahin ang sakit at dahil masakit talaga umiiyak na ako. Tapos ang asawa ko ayaw sagutin ang phone, wala naman ito sa opisina kasi nakaleave siya kasi alam niya na manganganak na ako this week.

*Blag*

"Maw!" sa wakas dumating din siya.

"Asawa ko! Araaay!" papatayo na sana ako at pupuntahan ang kakapasok na si Reyson na parang na freeze pagkakita ng panubigan kong pumutok na.

"Ma-aw yung water..."

He run fast towards to me. Hinawakan niya na ang tiyan ko ngayon at ang isang kamay at nakaalalay sa likod ko.

"Baby, huwag mong pahirapan si Mommy ah!" hinalikan niya naman ang tiyan ko. Wala naman nagawa halik niya sobrang sakit talaga.

"Please bring me to hospital now! Hindi ko na kaya!"

"Okay Maw, just calm down." calm down daw parang dapat siya ang kumalma at sa katarantahan niya hindi na alam ang unang gagawin, ang cute niya pagmasdan. Ang asawa ko pawis na pawis at nanginginig ang kamay tapos ang labi parang wala ng dugo.

Binuhat niya naman ako agad at itinakbo sa kotse kaya lang naiwan yung susi sa may sala kaya pinakuha pa kay Betty.

"Maw don't think to much, okay? Everything will be fine." Reyson told me while he's driving off to hospital nervously. Hindi na nga ako umiimik dito kasi napansin ko sa kanya na nag-aalala na siya sa akin when I always shout "Aray!".

"Sorry if I wasn't bought you the twin apple you've asking me yesterday. Naghahanap ako ng kambal na apple kaso wala talaga ako mahanap kahit sa super market or public market." tuloy pa niya. Kambal na apple? Hahahaha! Kaya pala kahapon busy siya at hanggang kanina wala siya sa bahay.

"So naghanap ka nang kambal na apple??"I asked him while controlling my laughter, he nodded. Halleer? May kambal bang apple? Diba wala naman! Trip ko lang naman na pahanapin siya ng apple na may kadikit pang isa.

Mr. MVP is my FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon