Chapter 6 ~ OhMyMaw♥♥

4.2K 53 0
                                    

Jovielle's POV

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa bar kaya ngayon mas lalo akong umiiwas na magkasalubong ang landas namin ni Aldrich. Ano ba kasi yung eksena na ginawa niya na iyak iyak tapos sabi 'Comeback to me.' meron pang 'I'm really sorry!'. Isang buwan na rin ang nakakaraan kaya medyo madami na din nagbago, hindi lang 'yong iwas mode ako lagi kay Aldrich, syempre lagi na kami nagkakasama ni Reyson. Wala na kami ilangan kahit na may ginawa akong nakakahiya nung nakaraan. Lagi kami nagdadate na para talaga kaming magkasintahan at kulang na lang ata yung "I Love You" na sabihin namin sa isa't-isa. Aaminin ko na din na nakakalimutan ko na si Aldrich at may nafefeel na akong kakaiba sa Maw ko. Ayoko kasi muna gamitin ang puso ko ngayon, utak muna. Ayoko na masaktan pa ulit kahit pa sabihin na ikakasal rin naman ako kay Reyson. Hindi ko kasi alam kung totoo 'yong pinapakita ni Reyson sa akin na pagiging sweet, caring at superman ng buhay ko ngayon.

"Hoy!"

"Ay Baks!" nagulat naman ako ng sigawan ako dito ni Jean.

"Kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka naman pala nakikinig tss." sabi ni Jean. Sige pa rin sa pagpili ng damit. Nasa mall kasi kami ngayon at nagsho-shopping.

"Sorry may naalala lang ako." sagot ko naman.

"Mamaya kwentuhan mo ko ng nangyari doon sa bar." sabi ni Jean. Wala kasi siya maalala sa tuwing kinukulit niya ako. Lagi siya ganyan pag nalalasing, nagkaka-amnesia. Nahihiya naman ako ikwento sa kanya, syempre may ginawa din akong kabaliwan noon.

"Si Shems na lang ipakwento mo. Nakalimutan ko na rin nangyari noon." Ayoko talaga ikwento. Nakakahiya >.<

"Maganda ba Baks?" itinapat niya sa kanya ang isang shirt na may nakaprint na "I love Harry". Yung kulot na member ng One Direction, crush na crush niya kasi iyon.

"Oo Baks. Ang ganda." sabi ko. Maganda nga talaga siya, black shirt tapos may cartoonize na print nung Harry.

"Sige kukunin ko na ito." sabi niya at sigi pa rin sa pagpili. Ako ito parang yaya niya lang na sunod ng sunod. Ayoko magshoppinnh, sayang sa pera. Natapos rin sa pamimili itong si Jean. Nilibre niya naman ako ng isang shirt at inaya kumain.

"Baks ano regalo ibibigay mo kay Reyson?" tanong ni Jean sabay kagat sa burger niya. Regalo bakit? Birthday niya ba.

"Hah? Para saan naman Baks?" tiningnan ko lang siya habang sunud-sunod ang subo niya ng pagkain.

"Valeeentiness Gift!" lumalabas sa bibig niya yung kinakain niya habang nagsasalita.

"Next week pa naman yung Baks." sumubo na din ako ng pagkain.

"Huwag kang chill chill dyan, mahirap maghanap ng gift para sa lalaki." sabi ni Jean. Hindi naman kasi maarte si Maw ko kaya hindi ako namumroblema.

"Walang arte sa katawan si Maw ko Baks, huwag ka na mag-alala." sabi ko. Grabe lang next week na ang Valentines Day. Buti na lang hindi ako single waaah! Kala ng Aldrich na yan magcecelebrate ako ng Valentines ng solo :P

"Sabi mo Baks. Tara na!" tumayo na si Jean at lumabas na ng resto. Ba't parang ganito si Jean? Medyo maputla siya at matamlay din. These past few days hindi na siya masyadong maingay at hindi na siya nakikipagtalo kay Shems pero tumatawa pa rin naman siya kahit papano.

"Mag taxi na lang tayo Baks." sabi ko ng makalabas kami ng mall. Color coding yung kotse ko kaya hindi ko dala, pupunta kami kila Maw ngayon. Nagnod na lang si Jean.

-AFTER 1 HOUR-

Andito na kami sa court kung saan naglalaro sila Shems kasama syempre si Maw ko. Ang mga halimaw kung makapagpalo sa bola parang wala ng bukas. Naglalaro ngayon sina Maw, Shems, at si Peter, hindi ko kilala yung tatlong kakampi nila, kalaban naman nila yung ibang players ng men's.

Mr. MVP is my FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon