Chapter 5 ~ The ki$$ ♡

4.5K 61 0
                                    

"Saan tayo pupunta?" kanina pa kasi nagdadrive si Reyson. Hindi rin kami nag-iimikan dito sa loob ng kotse niya.

"Sa school ko." tinignan niya ako at binigyan ng matamis na ngiti. Matamis daw, pano ko kaya nalaman iyon? :DD

"Ano gagawin natin dun?" hindi naman ako tagadoon. Mr. Fuentes naman kailangan ko pa maghanda. Mag-paparty pa kami ng mga kaibigan ko mamaya.

"Papakilala kita sa mga ka team mate ko." nasa unahan pa rin ang tingin niya.

"WHAT? Me? Why?" tarantang tanong ko sa kanya.

"Ba't parang gulat na gulat ka? Ayaw mo ba?" tumingin naman siya sa akin ng diretso. Nakalimutan niya ata na nagdadrive siya.

"Hey! Magfocus ka nga sa pagdadrive mo!" iniwas ko na iyong tingin ko sa kanya at binalik ang tingin sa dinadaanan namin.

"Ayaw mo nga mameet sila? Gusto ka kasi nila makilala Jovielle."

"Hindi sa ayaw, nahihiya ako. And why they want to meet me?" tumingin ako sa gilid sa bintana ng kotse.

"Bakit ka nahihiya? Eh naikwento ko na sa kanila na may girlfriend na ako." kumamot naman siya sa ulo niya. Girlfriend? Ako? Kelan pa? Shongak Jovielle, fiancé ko na nga pala siya kaya girlfriend niya na din ako.

"Basta. Bakit ba kasi kwinento mo pa ako sa kanila?" asal bata na naman ako. Minsan lang naman, pag nagpapacute ako. Kaya ngayon papacute-kuno ako kay Reyson at gusto ko humingi siya ng tawad kunwari dahil sa pagpapakilala niya sa akin as his girlfriend sa mga kateam mate niya.

"Sorry na. Kasi inaasar nila ako na may gusto ako kay Myla, na sa totoo naman ay wala. Si Myla kasi sabi crush niya daw ako kaya iyon." seryoso yung boses niya na parang nababadtrip sa mga kateam mate niya. Who's Myla?

"Sino naman yung Myla?" humarap ako sa kanya. Itinigil niya muna ang kotse sa isang tabi.

"Volleyball player ng Women's sa school ko. Si Myla Pablo, you don't know her?" humarap din siya sa akin.

"Malamang hindi. Itatanong ko ba kung kilala ko iyon." taray ko lang noh. 

"Bakit ba ang taray mo?" hindi ko siya inimik. "Siguro nagseselos ka kay Myla." kinikiliti pa ako ng loko.

"Ako? Gosh! Ba't naman ako magseselos?" kailangan talaga nauutal ako. 

"Oo ikaw. Kasi gusto ako ni Myla." kapal din ng Fez nito. Hindi naman ako nagseselos, ang akin lang huwag na siyang humarot.

"PAKS ko kung gusto ka niya halimaw!" Natawag ko siyang halimaw? Kasi naman! Yung height niya pang halimaw.  

"Ako halimaw? Ikaw nga dyan halimaw sa pagseselos eh haha!" pinaandar niya na ulit ang kotse at tawa parin ng tawa.

Nakarating din kami sa National University. Bongga lang makatingin ang mga tao sa amin ni Reyson. Yung mga girls kinikilig pati na rin mga bakla at syempre ang iba may malaking question mark sa mukha, maglakad ba naman kami sa campus nila nang nakaholding hands. Namumula na ata ako dito, sama din ng tingin ng iba -___- Ganito ba siya kasikat sa school nila? Uber naman ata, player lang naman siya ng volleyball hindi naman siya artista pero mukha namang artista :D

"Hey Bro! Sup!" isang lalaki ang bumati kay Reyson ng makapunta kami dito sa court nila. Andami namang tao, sabi ni Reyson. Kateam niya lang andito yung tapos coach nila at yung volleyball women's. Kyaaaah! Ang tatangkad walang hiya, ako lang ata maliit dito.

"O Peter." nagbaitaan sila yung panglalaking kamayan. Peter? Ay ito yung crush ni Shems. Woaah~ Halimaw din :D

"Siya na ba Bro?" tinuro niya ako gamit ang nguso niya. Napatingin naman ako sa iba na nakatingin sa amin.

Mr. MVP is my FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon