Chapter 13 ~ Set me free

3.4K 51 0
                                    

Jovielle's POV

Nakalabas na ako ng ospital two weeks na ang nakakaraan, nasa wheelchair lang ako for that whole week. Hindi na ako nagsampa ng kaso sa driver ng truck kasi ako naman ang may kasalanan, kaya nasa wheelchair ako kasi may nabaling buto banda sa tuhod ko kaya nakacemento pero magiging okay naman at makakapaglakad ako ulit. Pumunta naman ako sa graduation ceremony pero as an audience lang, pinanood ko na lang ang paglakad nila Jean at Chrismar at pagtanggap sa mga diploma nila. Speaking of Jean, nabalitaan ko 'yun, first nagulat ang lahat pero ikwinento naman ni Jean ang nangyari sa kanya. 

-FLASHBACK-


Dinalaw ako nila Shems at Jean dito sa bahay, kakalabas ko lang ng ospital kahapon, gusto ko magtanong kung pano nangyari kay Jean iyon. Andito kami ngayon sa kwarto ko, syempre tambayan na naming magbabarkada ito.

"Nandidiri ba kayo sa akin?" nanlaki ang mata namin sa tanong ni Jean. Binitawan ko muna ang binabasa kong libro at itinutulak ang gulong ng wheelchair ko para makalapit sa kanya.

"Bakit naman?" tanong ni Shems nang una siyang makalapit dito.

"Kasi ang arte-arte ko pagdating sa mga boys tapos ganito pa nangyari sa akin." naluluha na siya. I hugged her.

"Of course not." sabi ko habang nakayakap ako sa kanya. 

"It happened when both of you was taking the semestral break in hongkong." sabi ni Jean. I remember, I invited Jean and Chrismar last november na sumama sa amin ni Mommy sa hongkong kasi sem break naman. Si Chrismar pinayagan ng parents niya at si Jean hindi.

"Ininvite ako ni Marie na umattend ng Halloween party sa isang club, at dahil wala akong kajamming dahil wala kayo, tumakas ako sa bahay ng gabi para lang umattend dun." kwento ni Jean. Marie is one of her friend.

"Then?" atat lang Shems?  

"I met Leo there, and he said he likes me but I ignored him. Wala naman ako balak magpakilala pero si Marie kasi makulit." huminga siya ng malalim. Si Leo, siya yung kaaway ni baks sa isang bar nung nakaraang buwan.

"Sa party hindi naman nawawala ang inuman diba kaya iyon nagpakalasing ako hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari basta nagising na lang ako na nasa ibang kama ako." tumulo ang luha niya. "I woke up naked *sob* and I don't know why. Basta pagtingin ko sa katabi ko nakangiting Leo ang nakita ko. Sinabi niyang nasa condo niya daw ako....." 

"Shsss! Tama na. Okay na baks, tahan na." hinimas-himas ko naman ang likod niya.

"So, one night stand?" tumaas naman kilay ko kay Shems at tinakpan niya naman ang bibig niya ng kamay niya.

"Yay! Frend okay lang kasi yung iba nga nabubuntis underage pa. Eh ikaw naman 19 ka na rin kaya oks na yun." sabay kindat ni Shems kay Jean at ngumisi naman ito. "Tsaka magkakaroon na tayong tatlo ng baby!" hinawakan naman ni Shems ang tiyan ni Jean.

"Hmm. Alam ba ni Leo ito?" tanong ko. Umupo naman ng maayos si Jean.

"Yeah. Pero wala na siya bumalik ng L.A, tinakot siya ni Papa na ipupull-out niya ang investment sa business nila Leo. At ang alam ni Leo wala na yung baby namin dahil sinabi ni Papa na ipapaabort na lang pero hindi ako pumayag."

"Wala talagang konsensya yan si Tito! Anong kinalaman ng baby?" naghihimutok na sabi ni Shems. Tumango na lang ako.

"May kapalit nga lang yung pagpayag niya na hindi ipaabort ang baby ko." mahinang sabi ni Jean. Kinabahan naman ako sa sinabi niya kaya napanganga ako.

Mr. MVP is my FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon