The bitter taste of a forced selection.
To be selected not for your brilliance, but for the other people's absence.
A love born not of desire, but of default — being picked only because there's no one else.
To be chosen, yet to feel utterly unchosen.
Pinili niya ako dahil no choice siya. Hiro likes my sister pero ang pinagkasundo sa kanya ng parents niya ay ako. Another factor doon ay dahil hindi siya gusto ng kapatid ko.
We've been tied to each other dahil sa arranged marriage na ito to save both our families. Pero ni minsan, hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal niya sa akin kahit pakitang tao lang. We're soon to get married pero walang araw na hindi ko naramdaman sa kanya na ayaw niya sa akin. He keeps making me feel na I was just here because no one else did.
And it broke my heart even more nang narealize ko na nananatili ako sa tabi niya dahil ayaw siyang piliin ng kapatid ko. Ikakasal kami hindi dahil mahal niya ako kundi dahil ako lang ang nandito. He chose me because wala siyang ibang pagpipilian.
The agony of almost.
To stand on the edge of his heart, to feel the warmth of the near-selection, only to be cast back into the chilling winds of rejection.
A cruel echo of what might have been, a phantom touch that leaves you breathless and aching.
Pinagmasdan ko siyang naglakad palayo sa akin. Dinaramdam ang pagkakataong muntik siyang maging akin.
Sa sandaling nalaman niyang nagbago ang isip ng kapatid ko at handa na itong pakasalanan siya ay wala man lang pag-aalinlangan niya akong iniwan.
Hindi pa niya ako hinahawakan pero agad na niya akong binitawan.
Masakit man pero kailangan kong tatanggapin na hindi niya ako kailanman pipiliin kapag may iba na siyang pagpipilian.
But the deepest wound, the most exquisite pain. To be the last person standing, the only option left, yet still unchosen.
The last rose standing, the sole remaining bloom in his barren garden, yet still unchosen.
He rather wants to be alone than have me as his companion.
His choice to be alone, a choice that cuts deeper than any rejection.
It's the heartbreak of being overlooked, even when there's nowhere else to look.
Iniwan siya ng kapatid ko. He felt abandoned and unvalued, questioning his self-worth.
And again, I'm back as his only option.
Akala ko naramdaman ko na lahat ng sakit mula sa kanya. Sakit mula sa pagpili niya sa akin dahil ako lang ang meron siya at sakit mula sa pag-iwan niya sa akin dahil dumating na ang babaeng mahal niya. Akala ko wala ng sasakit pa don.
Pero yon ang pagkakamali ko.
Mas masakit pala na ako nalang ang natitira niyang option pero hindi niya pa rin ako pinili.
He doesn't even want to settle with me anymore. He doesn't even want me to be his 'no choice'.
Mas pipiliin niyang mag-isa kaysa makasama ako.
Kumbaga, "Kung siya rin lang naman, 'wag nalang." Ganon ang dating sa akin.
Akala ko masakit na ang hindi piliin dahil may iba, mas masakit palang hindi ka pinili kahit wala namang ibang pagpipilian.
----
BINABASA MO ANG
Tales From The Borderlands
Short StoryOne Shot Stories Different stories, characters, feelings.
