Nanonood kami ni Sky nang sinandal ko sa balikat niya ang ulo ko.
"Sky, totoo ba? Yung sa inyo ni Sofia?" sandaling natigilan siya.
"'Wag mo kaming gawan ng kwento ng kaibigan mo Xyn." Damn, it freaking hurts.
"Wala nga ba Sky? Sigurado kang walang nangyari sa inyo?" mahinahong tanong ko.
Humarap siya sakin ngunit dahil nag-iba siya ng posisyon ay sa sofa ko nalang sinandal ang ulo ko. Hindi ako tumingin sa kanya.
"Xyn! Ano na naman ba 'to? Gumagawa ka na naman ng pag-aawayan natin!"
Why are shouting at me? Sky masakit, sobra.
This time humarap na ako sa kanya.
"Gumagawa lang ba talaga ako o tinatanggi mo lang? Tangina naman Sky wag ka na magsinungaling kasi huling-huli ka na. Of all people bestfriend ko pa talaga?" My hands were starting to tremble as tears began to flow from my eyes.
"Xyn, let me explain-"
"Explain? Tangina mo Sky tapos ano? Tatanggapin na naman kita? Akala ko ayos lang sayo na walang nangyayari satin dahil sa kahilingan ko pero ano? Sa iba mo ginamot yang kalandian mo! Gago ka!"
"Lasing ako non Xyn hindi ko alam ang ginagawa ko ng mga oras na 'yon. Hanggang don lang yon ikaw ang mahal ko, alam mo yan. Kalimutan na natin yon." kinuha niya ang kamay ko ngunit agad ko itong binawi.
"Kalimutan? Naririnig mo ba ang sarili mo? Sky nagbunga ang pagkakamali niyo! Buntis si Sofia 2 months." hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulhol na ako.
Halata sa kanyang mukha na gulat na gulat siya.
"A-ano? Buntis siya?"
"Sky alam mong lumaki ako ng walang tatay sa tabi ko. Alam mong sobrang nahirapan ako at ayokong may batang makaranas ng naranasan ko dahil sakin. Wala tayong magagawa, sa ayaw o gusto mo papanagutan mo si Sofia."
"What the hell Xyn!"
"Kasalanan mo 'to Sky!"
"Xyn, don't do this to me." hinalikan niya ako. Tumugon ako pero pilit akong lumayo nang mapansin ko na sa iba na ito papunta.
"Sky, please panagutan mo siya nagmamakaawa ako sayo. Don't worry, alam ko naman na mahal na mahal mo ako and I won't forget that. Ang mahalaga ngayon panagutan mo si Sofia, magkaroon ng ama ang anak niyo." Bakit parang bawat salitang binitawan ko tinik sa puso ko? Ito nga ba talaga ang gusto ko?
"Xyn, I'm so sorry. I promise I'll be a good dad sa magiging anak namin. I love you."
"I love you too." at sa huling pagkakataon, naglapat ang aming mga labi.
~Years later~
Naisipan kong pumunta sa mall upang bumili ng regalo para sa kapatid ko dahil birthday na niya sa linggo.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Sky kasama si Sofia. at ang dalawa nilang anak. Isang 10 years old na lalaki at isang sa tingin ko ay 5 years old na babae. Masayang masaya sila.
Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.
Napatigil sila nang makita nila ako.
"Oh Xyn! Kamusta ka na? Still looking good ah." bati ni Sofia.
"Ilan na anak mo?" tanong niya ulit.
"Wala pa, nangibang bansa muna ako para makatulong sa pamilya ko. Kababalik ko lang actually." ngumiti ako ng tipid.
"Asawa? Pakilala mo naman ako."
Marahan akong natawa sa muling tanong niya.
"Wala rin." kay Sofia lang ako tumitingin sa takot na baka kapag tumingin ako kay Sky baka..
"Imposible naman sa ganda mong yan. Alam mo Xyn may rereto ako sayo gwapo 'yon."
"Hindi na, salamat nalang." ngumiti nalang ako at nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. Seryoso ba talaga siya?
"What's his name?" turo ko sa anak nilang lalaki.
"Skyler" si Sky ang sumagot. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya. I missed his voice.
"Punta muna kami don. I think you two need a talk." Hindi ko alam kung matutuwa or ano sa ginawa ni Sofia na dinala niya dalawang anak niya papalayo.
"Xyn maraming salamat sa pagpilit sakin noon na panagutan si Sofia. I'm so happy right now lalo na at nadagdagan na naman kami. Mahal na mahal ko na siya. Invited ka rin pala sa 5th birthday ni Sofie sa sunday. Sana makapunta ka and mag-asawa ka na rin. Hindi ka bumabata kailangan mo rin ng taong makakasama mo habang buhay."
Bakit masakit pa rin? Ang sakit marinig na nagpapasalamat siyang binigay ko siya sa iba. Akala ko kapag pumunta akong ibang bansa at hindi kita nakita ng sampung taon mawawala na pero hindi pa rin pala. Ngayong nandito ka sa harapan ko parang bumabalik lahat pati sakit.
"Darating din ako don pero hindi pa ngayon. I can't promise na makakadalo ako dahil birthday din ng kapatid ko non. But I'm so happy for the both of you." Ngumiti nalang ako ng tipid.
"Thank you. Sige alis na kami." Bumuntong hininga ako nang naglakad na siya palayo, papunta sa pamilya niya.
"Daddy sino 'yon?"
"A friend of mine."
Friend. Sakit.
Hindi ko alam pero selfish na ba kung isipin ko na dapat ako ang nasa posisyon ni Sofia ngayon kung hindi ko tinulak sa kanya si Sky noon?
BINABASA MO ANG
Tales From The Borderlands
CerpenOne Shot Stories Different stories, characters, feelings.
