"Ang project niyo ngayon ay medyo mahirap kaya groupwork ang mangyayari. Make sure each of you have a group. Bukas ko sasabihin ang instructions basta siguraduhin niyo na may grupo na kayo bukas. That's all, class dismiss."
Hindi ako kumibo habang ang mga kaklase ko pinag-uusapan na kung sinong kagrupo nila.
I am always like this. An outcast? No one dares to speak nor come near me. Tulad noon, mag-isa ko na naman sa project na ito. I shouldn't have transferred here. Okay naman ako sa dating school ko kahit hindi ko kasama sila mama don.
Dahil wala rin naman akong gagawin ay lumabas na ako para umuwi. Nothing changed. The way they stare at me, it looks like I did something wrong.
Malapit na ako sa gate nang makarinig ako ng iyak. I don't know pero kusang humakbang ang mga paa ko upang hanapin kung saan ito nagmumula.
Until I saw a girl sitting on the ground, embracing her knees. Una kong napansin ang uniform niyang lukot-lukot at madumi.
I sat next to her as my feet moved forward on their own. Napansin niya ako kaya tumigil siya sa pag-iyak at nahagip ng mga mata ko na nakitingin siya sa akin. Sa sahig ako nakatingin kaya kahit pumunta siya sa harapan ko ay hindi ko makita ang mukha niya.
Hanggang sa pinantay ko ang ulo ko sa ulo niya na siyang kinabigla niya kaya bigla siyang napaupo.
Agad ko naman siyang tinulungan upang makatayo. Halata sa mukha niya ang matinding gulat.
"Sorry kung nagulat kita. I was just wondering kung bakit ka umiiyak dito." hindi siya sumagot, she's still shocked I guess.
"Is this true? You are talking to me?" hindi niya makapaniwalang tanong. I awkwardly nodded.
"Yes, I'm talking to you wala namang ibang tao dito." dagdag ko.
Nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap. "Outcast ka rin ba?" tanong ko kasi parang hindi siya makapaniwalang may kumakausap sa kanya. Baka 'yon yung nararamdaman niya ngayon.
"Outcast? Y-Yes, I'm an outcast."
"You can call me Drei." nakangiting pakilala ko.
"Hailey."
--
After that incident madalas na kaming magkita ni Hailey kapag free time namin. Naging malapit kami sa isa't isa.
"Drei, bakit walang gustong makipagkaibigan sayo? Gwapo ka naman at isa pa top1. Anong problema ng mga tao ngayon?" tanong, nagkibit-balikat nalang ako.
Nandito kami sa lugar kung saan ko siya naabutang umiiyak noon.
"Ikaw din naman." Tumingin ako sa kanya. "Honestly, mas maganda ka sa mga babaeng crush nila sa room. Kaya nagtataka ako na walang pumapansin sayo."
Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik.
"May nagawa kang kasalanan noh?" pagbibiro ko. "Wala ah, ang bait ko kaya."
May nakita akong pulang panyo sa bulsa ng palda niya and it looks familiar, hindi ko lang matandaan kung saan ko ito nakita noon.
Narinig namin ang buzz ng buzzer indication na start na ng klase. 3rd floor ang room ko samantalang sa kanya sa 4th at kahit minsan hindi niya ako pinayagang ihatid siya. Hindi na ako nagpumilit, si Hailey 'yon, walang makakapigil sa kanya.
--
"Drei, sigurado kang ayos kalang? Hindi ka nasosobrahan sa pag-aaral?" tanong ni Jeff, seatmate ko. Bihira niya lang ako kausapin kaya medyo awkward pa para sakin sa tuwing kinakausap niya ako.
BINABASA MO ANG
Tales From The Borderlands
Historia CortaOne Shot Stories Different stories, characters, feelings.
