Rejection

95 4 0
                                        

Mula nang magkagusto ako kay Keisha kailanman ay hindi na ito nawala.


Sa kanya nalang umikot ang mundo ko. Literal na siya ang mundo ko.

Naglakas ako ng loob na umamin sa kanya.

And she rejected me.

But still, hindi naging dahilan 'yon para matuldukan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nakuntento na akong pinagmamasdan siya mula sa malayo, makita ang magaganda niyang ngiti mula sa malayong distansya.

Pero may mga pagkakataong hindi ko mapigilan ang damdamin ko. Lumalapit ako pero tinataboy niya ako.

Lagi niya akong tinataboy. Masakit. Ayos lang, mahal ko e.

--

Tumabi ako sa kanya at excited na inabot ang milk tea na binili ko para sa kanya.

Tinignan niya lang ito.

"Klein, busog ako sa'yo nalang." malamig nitong saad, tumango ako.

Sa lahat ng inaalok ko sa kanya ay wala pa siyang tinanggap kahit isa.

"Keisha--"

"Kailangan ko nang umalis." wala akong nagawa at sunundan nalang siya ng tingin nang tumayo siya at naglakad palayo.

"Hindi ka pa rin tumitigil?" umupo sa tabi ko ang kaibigan ko.

Bumuntong hininga ako. "Rydell, kung si Keisha ang pag-uusapan alam mong hindi ako titigil."

"Hindi ka ba napapagod? Lagi kang rejected, hindi ka ba nasasaktan?"

"Napapagod at nasasaktan siguro oo, pero hindi susuko." Tinignan ko ang milk tea na hawak ko at binigay kay Rydell.

--

Sa tuwing uuwi siya ng mag-isa ay palihim ko siyang sinusundan hanggang sa makarating siya sa bahay nila upang makasiguro akong makakauwi siya ng maayos at ligtas.

Pasikreto rin akong nagbibigay ng mga sulat sa kanya. Nalaman ko kasing gusto niya makatanggap ng handwritten letters.  Doon ko nasasabi ang mga bagay na hindi ko masabi sa kanya sa personal dahil palapit palang ako, lumalayo na siya.

Nang makita kong nag-iisa siyang nakaupo sa bench, agad kong kinuha ang pagkakataon para lapitan siya.

Nang makita niya akong nakaupo sa tabi niya bakas ang gulat at takot sa mga mata niya. Agad siyang tumayo kaya hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

"Klein please layuan at tigilan mo na ako!" marahas niyang tinanggal ang pagkakahawak ng kamay ko sa braso niya at agad na naglakad palayo.

Bakit takot na takot siya sakin?

--

Mula sa upuang kinauupuan ko ay tanaw ang pwesto nila Keisha kaya malaya ko siyang nakikita. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Pre, 'wag kang mao-offend sa sasabihin ko." hindi ko nilingon si Rydell at patuloy lang tumingin kat Keisha.

"Para ka ng baliw sa ginagawa mo dahil dyan sa pagmamahal mo kay Keisha. Real talk Klein parang ka ng psycho. Nakakatakot ka na." Tinignan ko ng masama si Rydell at naglakad palayo. Hindi niya ako naiintindihan.

--

Tila gumuho ang mundo ko nang malaman kong sinugod sa hospital si Keisha. May sakit siya sa puso at unti-unti na itong nanghihina.

Halos mabaliw ako nang sabihing may posibilidad na mamatay siya dahil nahihirapan silang makahanap ng heart donor hanggang ngayon.

Gulong-gulo na ang isipan ko, ilang linggo ko na siyang hindi nakikita.

Hindi ko kakayanin kapag tuluyan siyang nawala.

Nang malaman kong successful ang operasyon matapos may nahanap na donor ay hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad ko na siyang pinuntahan sa hospital.

Walang araw na hindi ko siya binisita.

--

Keisha' POV

The Doctor let us go home na matapos ang ilang araw na pagpapahinga sa hospital matapos ang operation.

One week has already passed since matapos ang operation pero hanggang ngayon nanghihina pa rin talaga ako. The doctor told my mom na I will need at least one month to recover kaya hindi muna ako makakapasok sa school to avoid doing heavy activities.

Good thing na rin kasi makakaiwas ako kay Klein. One month na hindi ko siya makikita. He really creeps me out. Hindi ko alam kung tamang word to describe ang obsession sa ginagawa niya. Parang kapag sinabi kong tumalon siya sa bangin, gagawin niya talaga.

Nakaramdam ako ng lamig kaya minabuti kong isara ang window sa room ko. Pagtalikod ko nang pabalik na ako sa kama ko ay nagtayuan lahat ng balahibo ko nang makita kong nakatayo si Klein sa tabi ng pintuan ng kwarto ko.

Nabitawan ko ang hawak kong libro at nanginginig na napaatras. "W-why are you here, Klein? It's freaking 11pm, go home!"

"Keisha, bakit ba lagi ka nalang natatakot sa akin?" Mas nakaramdam ako ng takot nang humakbang siya papalapit sa akin. I positioned the book on my hand na pwedeng ipalo sa kanya kapag lalapit talaga siya.

"K-klein, go away! Please ayoko nang makita ka! Tigilan mo na ako! Tumigil ka na sa kasusunod sa akin!" Tumigil siya sa paghakbang nang makita niyang umiiyak na ako. "Ma!" paulit-ulit kong tinatawag si mama habang wala ng tigil sa pag-iyak.

Natigilan ako nang mag-ring ang phone ko. My best friend is calling me at agad ko itong sinagot.

My whole body froze after I heard what she said.

"No.. That's impossible because he's literally here — inside my room right now." Magkahalong pagtataka at takot kong sagot sa kaibigan ko habang hindi naaalis ang tingin kay Klein na ngayon ay nakacrossed arms at nakangisi.

"Klein, you're d-dead?" naiiyak kong tanong. 

Muli siyang ngumisi at nag-gesture ng thumbs up.

"Yeah, I am your heart donor, Keisha." Hinawakan ko ang dibdib ko nang magsimula itong kumirot dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko.

"Ngayon, hindi mo pwedeng tanggihan ang inoffer ko kasi mamamatay ka. You literally cannot live without me." Wala nang tigil sa pagdaloy sa pisngi ko ang mga luha ko nang magsimula na naman siyang humakbang palapit sa akin.

"Kahit anong gawin mo, hindi mo ako mapipigilang lapitan ka because I am part of you now. We are one, Keisha."

Tales From The BorderlandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon