SASKIA'S POV
Papunta na akong school ngayon. Mag-isa lang ako dahil pinatay ko na kahapon ang mahal kong bestfriend. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya. -_- Tsk. Wag kayo mag-alala. Joke lang. Pero muntikan na talaga.
FLASHBACK
Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko, lumabas na agad ako ng classroom at naglakad ng mabilis papalabas ng campus. Pansin na pansin ko lahat ng matang nakatingin sakin habang naglalakad ako. Langya talaga. Nakakahiya. >_< Kinuha ko nalang ang librong bitbit ko at itinakip sa mukha ko. Lagot talaga sakin yang Miles na yan. Humanda siya.
Pinara ko ang taxi na sinakyan ko sa mismong gate ng bahay nina Miles. At padabog na sinara ang pinto ng taxi. Narinig kong nagalit yung driver pero di ko nalang pinansin. Sorry manung. -_- Sadyang di lang talaga maganda ang araw ko.
Dahil sa kilala na naman ako ng mga katulong nila, dire-diretso akong pumasok sa bahay nila at umakyat sa kwarto ng bruhang babaeng yun. Nang nasa tapat na ako ng pinto niya, huminga ako ng malalim at kumalma bago ako....
"HOY BRUHANG MILES KA. LUMABAS KA DYAN SA KWARTO MO. MAGTUTUOS TAYONG BABAE KA. NAKAKAINIS KA.! LUMABAS KA DYAN SABI!"
Pinaghahampas ko ang pinto niya sabay pinagtatadyakan ko. Maya-maya narinig ko si Manang Lus na tumatakbo papalapit sakin.
"Kia, ok ka lang ba? Nag-aaway ba kayo? Nako anak. Kumalma ka. " sabi ni Manang habang pinipigilan ako sa paghampas sa pinto ni Miles. Onti nalang, magigiba na talaga to. Onti nalang.
"Ayokong lumabas! Baka ano gawin mo sakin." Narinig ko'ng sagot ni Miles mula sa loob ng kwarto niya. Di parin niya binubuksan ang pinto. Nainis na naman ako ulit.
"TALAGANG MAY GAGAWIN AKO SAYONG BABAE KA. SUKAT BA NAMAN IPAHIYA AKO SA BUONG SCHOOL.! ALAM MO BA'NG HALOS LAHAT NGA PUNTAHAN KO SA SCHOOL MAY MGA MATANG NAKATITIG SAKIN. LANGYA! NAKAKABWESIT!" sabi ko staka hinampas ulit tung pinto. "SABI NANG LUMABAS KA DYAN EH! MAGBIBILANG AKONG TATLO. PAG DI KA LUMABAS WALA KANANG KAIBIGAN BABALIKAN!!!" sabi ko staka umatras sa pinto, nagcross arms at nagsimulang magbilang.
"Isa. Dalawa." Bago ko pa masabi ang last count ay nakita ko nang bumukas ang pinto at sumilip si Miles. Tinaasan ko siya ng kilay. "Wag kang sisilip-silip dyan. Labas." Mahinahon ko'ng utos. Wag kayo. Mahinahon ako pero naiinis parin ako.
Tuluyan na siyang lumabas at lumapit sa harap ko habang nakayuko. Ng nasa harap ko na siya, walang kaawa-awang binatukan ko siya ng pagkalakas-lakas. Buti nga. Tsk. Ok nako. -_-
Namilipit siya sa sakit. Hindi din naman nakialam si Manang Luz. Alam din niya kasing di seryosong away ang meron kami. Ilang ulit narin niya kaming nakitang nagsasakitan. Bumaba nalang siya sa sala. Si Miles naman namimilipit sa sakit habang hawak-hawak ang ulo niya. Buti nga talaga yan lang ginawa ko. Pasalamat siya mahal ko siya eh.
"Wooo. Awwww. Aray. Ouch. Ang sakit." Siya yan. Ang OA. Para namang inano ko talaga siya. " Wag kang aarte-arte dyan. Kulang pa yan sa kahihiyang binigay mo sakin no!"
"Sorry naman kasi Kia. Ang ganda lang kasi pakinggan nung kanta kaya ini-upload ko na." Sabi ni Miles. "Sorry na kasi. De-delete ko na."
Kinuha ko kamay niya sabay kinaladkad papasok ng kwarto niya at itinulak siya paupo sa harap ng computer niya. All the while sigaw siya ng sigaw ng "aray".
"Kia naman eh. Ang sadista mo talaga. Mabalian ako niyan. Sige ka. " naka-pout pa niyang sabi sakin. Nagpoker face lang ako.
"Computer. Log-in. Facebook. Post. Delete. " madiin kong sabi sa kanya habang nakataas ang kilay. Taray mode ako ngayon. Wag kayo. >_<Nagets naman niya kaya naglog-in na siya at idinelete na yung video ko. Good. ^_^
"Oh! Tapos na." Ini-off na niya yung PC niya sabay tumayo. "Grabe ka. Pasalamat ka pinasikat kita sa school eh. Ungrateful ka talaga. " sinamaan ko siya ng tingin. Ngumisi naman siya. "Sabi ko nga. Wala ka ngang dapat ipagpasalamat."
"Pakainin mo ko. Nagugutom ako. " yun lang sinabi ko staka lumabas at pumunta ng living room nila.
END OF FLASHBACK
Ayon. Bati na kami. Di lang kami sabay na pumasok kasi nauna na siyang umalis. May dadaanan pa kasi daw siya.
Pagpasok ko sa classroom, nakiramdam ako. Baka kasi ang weird na naman nila. Pero fortunately, wala namang kakaiba. Nakamove on na ata sila dun sa video ko. Mabuti naman. Sigh. ^_^
Maya-maya nag ring na rin yung bell kaya nagsi-upuan na silang lahat. Di kalaunan, pumasok na rin si Ms. Fabro sa classroom.
"Good Morning class." Bati niya samin. Bumati naman din kami sa kanya.
"Okay. So this Friday na ang convocation niyo. As I have said, dapat may magpi-present bawat class." Sabi ni Ms. Fabro. Oo nga pala. Convo na nga pala this Friday. Ayos to. Walang klase.
"So I need to know who is your representative for the program so I can tell the program committee." Narinig kong sabi ulit niya. Di ako nakatingin sa kanya kasi biglang nagvibrate ang phone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko. Nagtext sakin ang pinsan ko. Nag-aaya maglakwatsa ngayong Sabado. Magta-type na sana ako ng reply ng siniko ako ni Miles. Tiningnan ko siya.
"Oh bakit? Kita mo'g nagtetext eh." Sabi ko at bumalik na sa pagtatype. Siniko niya ulit ako.
"Ano ba kasi Miles? Nakakabanas ka naman eh." Nakataas kong kilay na sabi sa kanya. Ngumuso siya sa harap kaya tumingin naman ako sa harap. Dun ko napansin na nakatingin pala silang lahat sakin. *0* Lagot ako. Bawal nga pala gumamit ng phone pag class hours. Agad ko'ng tinago ang phone ko. Maya na ako magrereply kay Kyle.
Umayos na ako ng upo. Tumingin naman sakin si Ms. Fabro.
"Is it okay with you Ms. Montenegro?" -Ms. Fabro
Nagtaka naman ako. Langya. Bakit kaso di nakinig kanina eh. -_-
"Okay about what Ms.?" Tanong ko. Patay ako nito. Kumunot ang noo ni Ms. Fabro at gumuho ang mundo ko sa sunod niyang sinabi.
"You will be the representative for the coming convocation. "
A/N :
Hello. Is there anyone reading this? :) well if there are, thank you. Really appreciate it. :)
Godbless. ;)
BINABASA MO ANG
Will Love Be Enough?
JugendliteraturHow long can you stay and fight for the one you love? How far can you go to save your relationship? Will you still fight even when he deliberately pushed you away?