"Kia!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na tumatawag sa pangalan ko. Si Miles kasama si Reid tumatakbo papunta sakin. Bigla nila akong niyakap. Naunang bumitaw si Miles habang eto si Red, hindi parin bumibitaw. Higpit-higpit pa ng yakap niya. Anong problema nito?
"Uy bakla.! Bitaw na. Kung makayakap ka naman eh nuh?" sabi ni Miles sabay hila kay Red. Bumitaw naman din si bakla agad.
"Baka kasi sa sobrang kaba mo, mahimatay ka sa stage tapos di kana magising. Sinusulit ko lang." Sabi ni Reid sabay tawa. Nakitawa na rin si Miles sa kanya. I just rolled my eyes at them. Supportive nila masyado eh.
Sinamahan nila ako dun sa backstage habang hinihintay ang cue ko. Kanina pa naman tapos si Ken kaso hindi pa'ko pwede kasi nagliligpit pa ng instruments dun sa stage. Maya-maya lumapit na sakin yung organizer at sinabing ako na raw.
Nako po. Eto na. Grabe na kaba ko. Halos sumabog na dibdib ko. First time ko kasi talaga kumanta sa harap ng maraming tao. Laging si Miles lang naman at mga appliances sa bahay pati shower faucet ang audience ko eh. Ngayon, ewan ko nalang talaga.
Nag-goodluck sila Red at Miles sakin. Bago ako sumampa ng stage, pinandilatan ko muna si Miles sabay sabing,
"Kasalanan mo lahat to." ngumiti lang ang bruha sabay thumbs up. -.-
When I was in the middle of the stage, di ko inakala makikita ko. Pumapalakpak kasi sila lahat sa harap ko. May nagchicheer pa. Awkward naman nito masyado. Di ko kasi expected. Umupo ako doon sa stool sa gitna at inayos ang hawak ko'ng gitara pati yung mic stand na nasa harap ko.
Napatanga lang ako sa harap ng lahat. Di ko kasi magawang magsalita eh. Napipipi na ata ako. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Halos wala na nga akong marinig sa paligid eh. Ampupu naman talaga oh. Ayoko na. Bahala na. Di ko talaga kasi kaya.
Tatayo na sana ako para maglakad papuntang backstage nang naramdaman kong may humawak sa balikat ko.
"Umupo ka." Sabi ng taong nasa harap ko. Hindi ako makapaniwala sa taong nasa harap ko ngayon. Ewan koung bakit pero napa-upo nalang din ako bigla.
Yumuko siya at bumulong sakin. "Kaya mo yan. Huminga ka lang ng malalim. Isipin mo na ikaw lang ang tao dito sa loob ng hall. Wag mo silang pansinin." ngumiti siya pagkatapos sabihin yun at nagsimulang maglakad papuntang backstage.
Pero bago siya malayo, hinawakan ko kamay niya.
"Salamat, Enzo." Tinangoan niya lang ako saka naglakad nalang ulit.
Sinunod ko ang sinabi niya at ewan pero unti-unti akong nagiging komportable. Huminga ulit ako ng malalim staka ngumiti. Kaya ko 'to. Parang yung nasa kwarto lang ako. Kaya ko'to para sa extra points ko.
Ini-adjust ko muna yung mic stand bago ako nagsalita.
"Ahmm. Hello po. Good Afternoon." Narinig kong may humiyaw. "Ako nga po pala si Saskia Montenegro. I'll be representing BSBA-FMA Sec 1A.I'll bes inging Fix You by Coldplay." Yun lang at nagsimula na akong tumugtog.
REICHEN'S POV
Pagkababa ko ng stage sinalubong na agad ako ng tanong nina Kate, Liam at drei. Sabi ko na nga ba eh.
"Hoy Ken! Anong pakulo yung kanina? Sino si MP?"- Kale
"Sabi nitong si Kale, Maricar Perez daw. Totoo?" Gusto ko matawa sa sinabi ni Liam. Langya. Gumawa pa ng kung ano-anong name tung isang tu.
"Baka kasi Manny Pacquiao talaga. Diba Ken?" Tanong ni Drei.
I just rolled my eyes at them staka nilampasan sila para pumwesto dun sa upuan sa bandang likod ng backstage. Sumunod naman silang tatlo sakin at kinukulit na naman ako. Umandar na naman pagiging chismoso ng mga to.
BINABASA MO ANG
Will Love Be Enough?
Teen FictionHow long can you stay and fight for the one you love? How far can you go to save your relationship? Will you still fight even when he deliberately pushed you away?