Chapter 7: Presentation Day (2)

5 0 0
                                    


REICHEN'S POV

Tapos na namin ang first three songs namin. Ang saya talaga ng feeling pag tumutugtog. This exact feeling is what keeps me wanting to perform more and more. Nakakawala kasi ng stress. It energizes me. I have always loved music and i loved it even more when we started the band way back when we were in high school. I love the adrenaline rush every time I see the crowd jamming with the songs we play. I feel free. Despite the fact that my family never really liked this passion of mine, especially my dad, I'm still thankful for the fact that though they're very much against it, they don't stop me from doing it. Just as long as I still take up a business course and someday manage the family business, di daw sila makikialam. 

Una naming tinugtog ang Amnesia ng 5SOS. Ang daming babaeng naghiyawan, intro pa lang. Masyado din kasing emo yung song. Dami sigurong brokenhearted dito. I admit mostly girls ang fan base namin. Siguro kasi may mga itsura naman kami but Enzo and I, we dont really care. Medyo suplado kasi talaga kaming dalawa. I mean were not complaining, we just don't care. Sina Liam, Kale staka Drei, silang tatlo ang sobrang gusto ng attention ng mga girls. 

The next two songs were Heartbreak Girl and Tagpuan. Last song namin ang acoustic number ko na Ngiti. Naalala ko tuloy yung babae dun sa canteen. 

Nagpunas muna ako ng pawis at uminom ng tubig bago nagsalita. May balak kasi akong gawin.     "This will be the last song and a solo one. I will be doing an acoustic version of the song Ngiti by Ronnie Liang. It is for the girl I saw in the canteen last week and she has this nicest smile I've ever seen and it turns out she has the nicest voice as well. This song is for you, Ms. MP." Sabi ko sabay ngiti. Nagsimula nang maghiyawan ang mga tao sa hall. Alam ko'ng sandamakmak na tanong ang aabutin ko sa mga 'to mamaya pero bahala na. It turns out kasi na yung matakaw na babae sa canteen is yung babaeng nasa viral video na kumakanta ng Terrible Things. Kaya pala pamilyar siya sakin. Naalala ko na kanina. Kung nagtatanong kayo kung bakit Ms. MP name ko sa kanya, MP stands for Mayday Parade. Yun kasi ang bandang kumanta ng Terrible Things. Lame ba masyado? Wala kasi akong ibang maisip. 

Maya-maya pa, nagsimula na akong tumugtog at kumanta habang inaalala ang ngiti niya.


SASKIA'S POV

Grabe! Ang ganda ng boses nung vocalist nila. Sino nga ba yun. Ken ata yun, basta. Ang galing nila. Tapos yung kanta nila puro mga gusto ko pa. Naku. Idol ko na talaga sila. Astig kasi nila. Nakakahiya na tuloy kumanta kung sila yung susundan ko. Di ko kaya pantayan perfromance nila. Sana kasi huli nalang sila. Tsk. Kinakabahan ulit tuloy ako. Pwede na ba umatras. Langya naman kasi yan eh. Pero talagang magaling sila. Ang linis nila tumugtog. Di nako magtataka kung sisikat yan sa buong school kahit first years pa lang sila. Baka nga gawing official band pa sila eh. 

Pagkatapos ng third song nila, nagsialisan na yung ibang band members bukod kay Ken. Nagpunta silang apat sa backstage at sa dinamidami ng pwedeng pwestohan dun pa talaga sa bandang likod ko medyo malayo nga lang. Nagtatawanan sila habang nag-highfive. Si Ken naman nasa stage pa.

Naramdaman ko na may nakatayo na sa likod ko kaya lumingon ako. Naku naman. Nasa likod ko na pala silang apat na members ng Oblivion. Straight lang ang tingin nila sa stage kaya di nila ako napansin. As in sobrang lapit na nila sakin. Halos marinig ko na nga hininga ng isa sa kanila eh. At dahil sobrang awkward na, medyo lumayo na ako at dun tumayo sa pinakagilid ng stage. Medyo malapit parin sa kanila pero atleast di na masyadong malapit. Nagsalita yung Liam.

"Bakit kaya Ngiti kakantahin niyang si ken. Baduy masyado. Tsk. "

Napalingon ulit ako kay Ken, so yun pala dahilan kung bakit nasa stage pa siya. Kakanta pala siya ng solo. Nagkibitbalikat lang yung tatlo sa tanong ni Liam at narinig na naming nagsalita si Ken.

  "This will be the last song and a solo one. I will be doing an acoustic version of the song Ngiti by Ronnie Liang. It is for the girl I saw in the canteen last week and she has this nicest smile I've ever seen and it turns out she has the nicest voice as well. This song is for you, Ms. MP." sabi ni Ken.

Bumilis bigla tibok ng puso ko pagkatapos niyang sabihin yun. Ampupu naman oh. Ano nangyayari sakin? Baka epekto lang ng kaba kasi ako na susunod. Siguro yun nga. 

"Ms. MP?" narinig kong tanong ni Kale. Nilingon siya ng drummer nila, si Drei. Habang nakakunot-noo. 

"MP? Manny Pacquiao? Langya. Bakla si Ken?" seryoso nitong tanong. Halos matawa ako sa itsura niya. Binatukan siya bigla ni Kale.

 "Manny Pacquiao ka dyan." Napatingala si Kale sa taas na parang nag-iisip sabay himas sa baba. "Ahh. Baka Maricar Perez." Sabay ngiti na parang nakatama ng sagot sa exam.

"Anong Perez? Reyes yun. Gago." Sabat naman ni Liam na parang nag-iisip din. 

At ayon nga, nagbabangayan na sila dun kung sino nga ba si Ms. MP. Nakakatawa sila. Parang mga bata. Napansin ko naman na yung lead guitars nila na si Enzo ay tahimik lang na nakikinig at nanunuod kay Ken. Ni hindi siya nakikialam sa bangayan ng mga ungas niyang kabanda. Mayamaya pa, tinapik siya ni Liam kaya napatingin siya dito.

"Ikaw Enzo, ano sa tingin mo ibig sabihin ng MP?" Tanong ni Liam. Natigil naman sa pagbabangayan sina Kale at Drei at hinihintay ang sagot ni Enzo. Pero hindi ko na narinig ang sagot ni Enzo kasi may humila na sakin. Ang organizer nung event. Tapos na rin kasi si Ken at ako na susunod kay pinaghanda na niya ako. Sayang. Gusto ko pa naman malaman ano sagot ni Enzo. Tsk.


Will Love Be Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon