Chapter 2: Epic Fail

24 1 0
                                    

REICHEN'S POV

Kakarating ko lang ng school. Buti nga umabot pa ako sa first class ko eh. Tinanghali na kasi ako ng gising and na-flat pa ang gulong ng sasakyan ko. Kailangan ko pa tuloy dumaan sa vulcanizing shop.

Pagdating ko sa classroom ko ay umupo na agad ako sa usual spot ko. Wala pang prof. Makapagsoundtrip nga muna.

Ganito talaga ako palagi. Everyday, sa school o sa bahay, pag ako lang mag-isa o pag ayokong may kumausap sakin, isasaksak ko lang sa tenga ko ang earphones ko. Kaya bukod sa cellphone ko, di pwedeng mawala sa bulsa ko ang ipod at earphones ko. Makalimutan nang lahat, wag lang ang mga yan.

Minutes later, dumating na si Mr. Corpus, English teacher namin. Niligpit ko na headset at ipod ko sa bulsa ko at umayos ng upo.

Yeah. Rocker ako at malamang iniisip niyong tamad ako sa studies ko. Di nuh. Honor student ata to. Di lang halata. ^_^

"Mr. Jacobsen?" Tawag sa'kin ni Mr. Corpus.

"Yes sir." Tiningnan ko siya at sinabi niyang pumunta daw ako sa harap.

"You know where the Accountancy building is right?" Tanong niya pagkalapit ko sa kanya. Tumango ako. Kinuha niya ang isang folder staka binigay sakin.

"Could you please give it to Ms. Fabro. She's in Room 175."

Tumango lang ulit ako at kinuha ang folder staka lumabas ng classroom at naglakad papuntang Accountancy building.

SASKIA'S POV

"Miles ano ba? Di kapa ba tapos dyan?" Sigaw ko sa taas sabay tingin sa wrist watch ko. Nako naman. Late na naman po kami. Kaloka talaga tong si Miles.

Nang walang sumagot, sumigaw ulit ako. "Hoy ano ba!"

Narinig kong may pababa na sa hagdan. "Eto na. Tapos na. Kung makasigaw ka naman parang its a matter of life and death. Kumalma ka nga."

Talaga naman kasing buhay namin ang nakasalalay ngayon. Bakit? Kasi si Ms. Fabro ang first period namin ngayon. Sa kanya ko nalaman kung ano talaga ang salitang TERROR. Grabe. Para siyang kampon ni satanas pag nagalit. Nakakatakot.

Di nalang ako nagcomment kay Miles at nauna nalang ako sa labas para pumara ng taxi. Mayamaya pa, lumabas na siya at sumakay na kami. Late na talaga kami. So please pray for us. Sumalangit nawa ang kaluluwa namin ni Miles. Pwede ring akin nalang. Yaan niyo na tung si Miles sa impyerno. Siya naman may kasalanan kung bakit kami late eh. -__-

Same subdivision lang kami ni Miles. Our house is just a block away from their's kaya parati kami sabay sa pagpunta ng school.

I'm living with my older sister. Nasa US na kasi sina Mama at Papa nakabase since I was 10. Ate that time was already 18. They were trying to convince us to join them pero ayaw namin ni Ate Tine. Mas gusto namin dito. Si Miles naman is living with her parents pero palaging our of town because of business trips kaya laging tambay sa bahay yan.

Huminto na sa harap ng gate ang taxi na sinakyan namin. Nagbayad na kami staka dali daling pumasok. Malapit na kami sa classroom ng batukan ko si Miles. Napangisi ako nang umaray siya sabay hawak sa ulo niya. Quits na kami pag napagalitan kami nito. ^_^

"Aray naman girl. Ansakit nun ah. Kasira ka ng beauty. " nakabusangot niyang reklamo habang himas-himas ang ulo. Nakakatawa talaga. LOL. Inirapan niya lang ako nang tawanan ko siya.

Di pa kami nakakapasok ng pinto ng classroom, nagsimula nang maglitanya si Mrs. Satan este Ms. Fabro pala. Eto na po kami. -_-


Will Love Be Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon