Chapter 3: Other Sides

19 1 0
                                    

AMBER'S POV

Aist. ^_^ POV ko na pala.? Haha. Excited much. Anyway, I'm Amber Perez. Senior high school student sa St. Sebastian Academy. Hay. Gusto ko na magcollege. Namimiss ko na kasi yung mga kabanda ni kuya pero mas miss ko si Ken. PBB teens. LOL. 

Speaking of Ken, may band practice nga pala daw sila ngayon. Yes! Makikita ko na ulit siya. Buti nalang wala akong pasok ngayon. Di ako nagcut ng classes ah. Good girl ako. Makapagbihis na nga ng maganda para maganda ako mamaya pagdating niya. Although matagal na akong maganda. Hep. Wag aangal. 

Pagkatapos ko magbihis, bumaba na ako. Sumilip ako sa bintana. May mga kotse na. Siguro andito na ang sila. Titingnan ko sa band room kung nandun na rin ba si Ken. Pagpasok ko ng pinto, kanya-kanya silang upo sa sofa. Nakakatawa sila tingnan. Lahat sila nakatutok sa mga phones nila. Naglalro ata. Bigla nalang napasigaw si Kale. "Kainis naman oh."

Natawa ako. "Ba't di mo nalang ihagis yang phone mo?" staka ako lumapit sa kanila. Napalingon sa kin sa Kale at ngumiti.

"Ayoko. Bagong bigay to ni mama." sabi niya pagkatapos ay pinaghahampas sina Liam, Drei at kuya. "Andito prinsesa natin oh." napangiti ako sa sinabi niya. Totoo naman din kasi. Para ko na silang mga kuya. Well, except kay Reichen. Love ko yun eh. *heart eyes* Ang gwapo parin talaga ng mga kumag.

"Hey Amber. How are you? Looking good ah." -Liam

"O nga. Kumusta ang SSA?" -Drei

"Ganun pa rin naman." Ngumiti ako. "And I'm definitely fine. Namiss ko kayo." Isa-isa ko silang niyakap. Except Kuya Enzo. Lagi ko naman kasama yan eh.

"Naku. Sabihin mo, namiss mo yung isang wala dito."- Kale

Nagblush ako bigla. Eto talagang si Kale. -_- "Di nuh. Tsk. Tumahimik ka nalang jan."

"Speaking of Reichen, asan na ba yun?" Nilingon ko si kuya. Asan na nga ba talaga si Ken. Kinuha ni kuya ang phone niya. Itetext niya siguro si Ken. Sa living room ko nalang siya hihintayin.

"Alis na ko kuya." Pagpapaalam ko kay kuya. "Goodluck guys." Kumaway ako sa kanila bago lumabas.

Few minutes went by at may narinig na akong nagdoor bell. Siya na siguro yan. Naexcite ako bigla. Ilang buwan ko na rin kasi siyang di nakikita.

Nakita ko na siyang papasok sa living room. Napansin niyang nandun ako kaya nag-Hi ako sa kanya. Shete. Ang gwapo pa rin niya talaga. Lumapit akosa kanya at niyakap siya. Ang bango. Hmmm.

"I missed you." Walang preno kung sinabi. Nako naman. Nakakahiya. Wala na. Di ko na mababawi. Pagtingin ko sa kanya, nakangiti lang siya. Pagkatapos ay pumunta na siya ng band room. Nabigla ako sa ginawa niya. Di kasi siya dating ganyan. Bakit kaya? Bigla tuloy akong nalungkot. Baka wala lang sa mood. Tama! Wala lang siya sa mood. Hindi niya magagawa sakin yun eh. Haay. Sana nga.


REID'S POV

"Shete pare. Ano ba pumasok sa isip mo at ginagawa mo yan? Adik ka ba? Baka nagdadrugs ka ah. Itigil mo yan. Di yan makakatulong sayo pare." Nakakarindi din maglitanya tung si Justin. Parang timang. Tsk. Andito ako sa kanila ngayon. After class dumiretso na ako dito. I need a break from everything. Akala ko naman I'll have peace, yun naman pala pagagalitan lang ulit ako nito. Haay. Di ko rin siya masisisi. Gago din talaga kasi ako.

Nga pala. Ako si Reid. Reid Dizon. No. Hindi ako ibang character. Ako yung Reid na friend ni Saskia. Nagtataka kayo kung bakit PARE ang tawag sakin nitong si Justin? Hindi ko to syota ah. LOL. Kidding aside, oo ako si Reid na bakla sa chapter one. But honestly, Im not gay. I just pretend to be one so I can get close to someone. Confusing ba masyado? Ganito kasi yun.

FLASHBACK (over a year ago)

Haist! First day na ng last school year ko sa school. One more year at college na ako. Grabe. Bilis ng panahon.

Naglalakad ako sa paakyat ng hagdan habang nakikinig ng music sa ipod ko papuntang classroom. Nasa second floor ang classroom ko. Hindi ako first section. Pero di ibig sabihin bobo ako ah. Sadyang di lang umabot sa cut off ng number od students sa isang section kaya nasa second section ako. Pero magkakatabi lang kami ng classroom ng first section.

Nabigla ako ng may bumangga sakin. Langya naman oh. Ni hindi ko nakita yung bumangga sakin kasi nagpatuloy lang siya sa pagtakbo paakyat pero alam ko'ng babae siya. Oo. Babae siya pero natinag niya pa ako kanina. Tsk. 

"Hoy! Di ka ba marunong magsorry?" Sigaw ko sa kanya. Napatigil siya sa pagtakbo at lumingon sakin. Natulala ako saglit. Tao ba to? Ang ganda kasi niya. Maputi, mahaba ang buhok na parang kumikinang sa sikat ng araw. Ang ganda pati ng mga mata niya. Tsk. Nababaliw na ata ako. Nakita ko'ng ngumiti siya sabay sabing "Sorry" at tumakbo na ulit paakyat.

Sino kaya yung babaeng yun? Kakatapos lang ng klase namin. Recess na. Di ko napansin na ako nalang pala mag-isa dito sa loob. Wala rin akong ganang kumain kaya lumabas nalang ako at nagtambay sa labas ng room. May narinig akong dalawang babae na nagtatawanan kaya napalingon ako sa direksyon nila. Kilala ko yung isang babae. Siya yung kanina. Napangiti ako bigla. So first section pala siya. 

Dumaan yung isa ko'ng kaklase at pabalik na ng classroom namin. Pumasok na rin ako. Bigla ko naisip na tanunign siya tungkol dun sa babae.

"Raymond, may itatanong ako." simula ko. 

"Sure? What about?" tumabi ako sa kanya.

"Kilala mo ba yung dalawang girl na nakasalubong mo kanina?" nakakanerbyos naman to.

Nag-isip siya sandali bago sumagot. "Ahh. Yung from the first section?" Tumango ako.

"Oo. I know them. Puro sila transferees galing St. Mary Academy. Ang alam ko, yung mahaba ang buhok, si Saskia yun. Yung medyo morena, si Miles yun."

END OF FLASHBACK

Oo. May gusto na ako kay Saskia since then. I tried my best to gather information about her. Daig ko pa nga stalker eh. Sa buong taon ko bilang senior, marami akong nalaman sa kanya. Mahilig siya sa arts at music. Officer pa nga siya sa mga clubs na yun eh. Matalino at mabait din siya. Unfortunately, she hates men for an unknown reason kaya sa dami ng nanliligaw sa kanya, wala siyang sinagot. Si Miles lang rin ang palagi niyang kasama. She mingle only with either girls or gays. So thats why I came up with this crazy, ridiculous, twisted plan of mine. And thats to pretend that I'm gay so I can get close to her. I then learned that we were be going to the same school and we will be taking up the same course. Ang saya diba? Coincidence? Destiny? I dont know. Ang alam ko lang, dapat ko'ng gawin ang plano ko. 

So on the first day of class, ginawa ko. Nagpakilala ako sa kanilang bilang si Reid Dizon ng bakla. Akala ko nga di sila maniniwala. Pero they did. So since then we were inseparable. Kaming tatlo palagi magkasama. I've been to her house na din. I've met her sister. Its been a month of happiness and agony. Its hard to pretend to be someone that you're not. Never in a million years have i thought that me, Reid Dizon will be gay. My parents dont know about this. Di ko rin alam how to explain it to them. Tanging mga barkada ko ang may alam. 

Kinuha ko nag beer sa harap ko at inubos ito. Tumingin ako kay Justin at ngumiti ng hindi abot sa mata. "Im happy pare. Eventhough its hard, its painful at kahit nakakabobo, gusto ko to. Dahil its the only way i know. "

Napailing lang siya. "Whatever bro."



A/N

sorry for typo errors. :) Enjoy

Will Love Be Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon